Chapter 4

2245 Words
AGAD namang nakarating sina Zoe at Dylan sa hospital dahil malapit lang ito sa school nila. Natawagan niya na rin ang Mommy ni Zoe at kahit katatapos lang sa trabaho ay nagmadali itong pumunta ng hospital para lang makita ang anak. "Zoe, I'm so sorry. Please, don't leave me," Dylan said while carrying Zoe to the emergency room. Hindi niya alam kung anong gagawin sa oras na mawala si Zoe sa buhay niya. Kahit ubod pa ng sungit ang kaibigan ay hindi niya kaya itong iwanan. "Nurse! Nurse, help!" sigaw ni Dylan sa mga nurse na tumatakbo papunta sa kanila na may dalang stretcher. Tinulungan ng mga lalaking nurse sa paglapag si Zoe sa stetcher. Napuno na ng kulay pula ang uniform nilang dalawa. Pagdating nila sa emergency room ay agad nilang inisikaso si Zoe. "Dito ka na lang po sa labas maghintay, Sir. Bawal po kayo sa loob," sabi ng isang nurse na babae kay Dylan pagpasok sa emergency room ni Zoe. "Miss, please, tulungan niyo po 'yong bestfriend ko," pagmamakaawa ng binata sa nurse. Tinanguan lamang siya nito at agad na pumunta sa emergency room kung saan si Zoe nakahiga. Napaupo naman si Dylan sa upuan na malapit sa puwesto niya habang nananalangin na sanang walang masamang nangyari sa bestfriend nito. Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili niya dahil kung hindi niya naitulak si Zoe ay hindi siya mapupunta sa ganitong lugar. Ayaw niya pa naman sa ganitong klaseng lugar, pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Kasalanan niya itong lahat. Hindi maisip ng binata kung anong dahilan kung bakit napaaway ang dalaga. Alam niyang napakabuting tao ni Reighn para awayin nito. "Dylan.” Agad na nahimasmasan ang binata nang marinig nito ang pagtawag sa pangalan niya. Pagkalingon niya ay nakita niya ang mommy ni Zoe roon habang natataranta. "Tita Abby," pagtawag nito at napatayo. Lumapit naman ang mommy ni Zoe sa kaniya habang inililibot ang tingin. "Where's my daughter? What happened, Dylan? Bakit puno ka ng dugo?" sunod-sunod na tanong nito at para bang halata sa boses nito ang pagkataranta. Nilingon naman ni Dylan ang kaniyang kaibigan at tinuro habang ginagamot ito ng doctor. Pinigilan niya naman ang mommy ni Zoe nang balakin nitong lumapit sa anak. "Oh my God, Zoe!" Bumuhos naman ang mga luha ni Abby habang nakatingin sa kaniyang anak. Samantalang hindi mapigilan ni Dylan na lalong masaktan dahil siya ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa mag-ina. "Tita?" pagtawag ni Dylan. Napalingon naman si Abby sa kaniya habang pinupunasan ang mga luha sa magkabilang pisngi. "Tita Abby, I'm so sorry. Kasalanan ko ang lahat ng ito dahil naitulak ko si Zoe. Hindi ko alam na napalakas po 'yong pagtulak ko sa kaniya.” Patuloy ang paliwanag ni Dylan sa nanay ng kaibigan habang isinasambit ang salitang sorry. Hindi niya na rin mapigilan ang mapaluhod sa harap nito habang umiiyak. Alam niyang napapatingin na ang ibang tao sa kanila, pero wala siyang pakialam. “Tita, sorry po talaga. Sana mapatawad niyo ako ni Zoe,” patuloy na paghingi ng tawad ni Dylan. "Dylan, stand up,” utos nito sa binata. Pinilit nitong ngumiti habang pinapakita sa taong kaharap na malakas siya. “Para kang batang diyan na inagawan ng candy. Everything will be okay. Zoe is the bravest girl I know. Alam kong kakayanin niya ang lahat ng ito at alam kong hindi mo sinsasadya ang ginawa mo, Dylan. Kilala kita dahil hindi mo kayang saktan ang bestfriend mo.” Isang ngiti lamang ang isinagot ni Dylan sa kaniya. Ilang beses niya nang nasasaktan si Zoe at kahit ilang beses ay hindi siya nakakuha ng reklamo sa dalaga. Napatingin sila sa mga mata ng isa’t isa. Alam ni Dylan na ipinapakita lamang ng nanay ni Zoe na okay lang, na walang may kasalanan ng nangyari. Makalipas ang halos kalahating oras ay lumabas 'yong nurse sa emergency room kung saan ginamot si Zoe. Napalapit naman ang dalawa sa babaeng nurse para malaman ang sitwasyon ni Zoe. "Nurse, kumusta po 'yong lagay ng anak ko? Is everything okay? Wala naman pong malubhang nangyari sa kaniya, hindi ba?" tanong agad ni Abby sa doctor at nagsimula na naman ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Nanginginig ang mga kamay nito at kinakabahan sa posibleng malaman. "Si Dr. Cy na lang po 'yong magpapaliwanag sa inyo,” paliwanag ng nurse. Sakto naman ang paglapit ng dalagang doctor sa kanila para ipaliwanag ang nangyari. "Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ni Dr. Cy. "I'm her mother, Doc," sagot ni Abby at saglit na binalingan ng tingin si Dylan. "I'm Ysabelle Cy. I'm the doctor in charge of your daughter." "How's my daughter, Dr. Cy?" Abby's asked. "The patient is okay," she started, "Hindi naman po malubha 'yong nangyari sa likuran niya. Napalakas lang po talaga ang pagtama ng isang bagay sa likuran ng anak niyo para masugatan po ito. Pasalamat lang po tayong hindi sa spinal cord tumama kung hindi magiging komplikado ang kalagayan niya." "Thanks, God," pagsingit ni tita. "Mabuti na lang po dahil nadala siya agad dito sa hospital. Maraming dugo na ang lumabas sa likuran niya. The patient can stay in the hospital for three or four days dahil kailangan pang obserbahan 'yong likod niya," paliwanag ng doctor. "Puwede na ba namin siyang makita, Dr. Cy?" tanong ni Dylan. "Ililipat muna namin ang patient sa private room. Then, puwede niyo na siyang puntahan. Just call me if you have further questions." Sabay namang napatango ang dalawa sa sinabi ng doctor. "Thank you so much," pasalamat ni Abby kay Dr. Cy. Nang malipat na si Zoe ay agad naman silang pumasok sa room kung saan nakahiga ang dalaga. Pagkapasok sa loob ay napansin kaagad nila ang pamumutla ng mukha ni Zoe. Hindi mapigilan titigan ni Dylan ang mukha ng dalaga lalo na nang mapagtanto na napakaganda nito. Ngayon niya ulit natitigan ang dalaga na hindi masungit at hindi palaging nakakunot ang noo. Kung mapapansin ay parang second version siya ni Zoe. Iyong Zoe na hindi palaban, hindi boyish at mas lalong hindi masungit, si Zoe na minahal niya noon. Sa sobrang daming nangyari ay nakalimutan niya na ang pagtingin nito sa dalaga. Mas naging priority ng binata ang pagkakaibigan na meron sila at alam niyang may boundaries kaya ayaw niyang lumagpas doon. Hindi mapigilan ni Dylan hawakan ang kanang kamay ni Zoe. Napakainit ng mga palad ng dalaga. "D-Dylan?" mahinang tawag ni Zoe. Mabilis namang napatingin si Dylan sa kaniya. “Zoe, I’m happy you’re awake,” may ngiti sa labi na sabi ni Dylan, pero nawala rin ang ngiti na ‘yon nang hindi masaya ang dalaga na makita siya. "What are you doing here?" she asked. Napansin kaagad ni Dylan ang pag-iba ng tono nang makita ito sa tabi niya. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa kaniyang kamay hanggang sa mapabitaw na lang siya rito. Biglang nag-flashback ang nangyari kanina sa may cafeteria at sa nangyari sa kaibigan niya. Alam ng binata na hindi ito masaya na makita siya. "I'm sorry, Zoe. H-Hindi ko sinasadya,” paliwanag ni Dylan habang tinutukoy ‘yong nangyaring pagtulak nito sa dalaga. Hindi naman sumagot ang dalaga sa kaniya kaya pilit na ngiti ang isinagot niya. Masaya na siya dahil nagising na rin ang kaibigan. Lumapit pa siya rito para yakapin, pero naramdaman niyang hindi ito tumutugon sa kaniya. Alam niyang galit ito kaya napahiwalay na lang siya. "Nangyari na, Dylan,” mahinang sagot ni Zoe habang iniiwasan na magtama ang mga mata nila. “I know kaya nga nandito ako kasi gusto kong humingi ng tawad sa iyo,” paliwanag ni Dylan. Lumingon sa kaniya ang dalaga habang nakatingin sa mukha ng binata ay nagpabalik-balik ang senaryo noong tinulak siya nito para lang ipagtanggol ang babaeng bago niya lang nakilala. “Hindi na maibabalik pa ang nangyari, Dylan. Kaya please lang, iwan mo muna ako. Hindi ko pa kayang makita ka." Parang tinusok ng napakaraming karayom ang puso ni Dylan sa sinabi ni Zoe. Madalas na palabiro si Zoe, pero alam niyang sa sinasabi nito ngayon ay seryoso siya. "Zoe, please, I'm sorry,” patuloy na paghingi ng tawad ni Dylan. He held her hand and cried. Dylan doesn't care even his friend's Mom saw him because he only wants her forgiveness. "Bullshit, Dylan!” pagmumura ni Zoe na ikinatigil ni Dylan. "Please, I don't need you here! I want my Mom and not you!" Pagkatapos sabihin ni Zoe ‘yon ay agad na lumapit si Abby para pakalmahin ang anak. Napayuko naman si Dylan at hindi pa rin tumatayo mula sa pagkakaluhod. "I'm sorry," paulit-ulit na sabi ni Dylan sa kaniya. "Just leave and go to your Reighn! Hindi ba sa kaniya ka naman masaya? Hindi kita kailangan dito. So, leave!" walang emosyon na sabi ni Zoe. Nababakas ang galit sa mga sinabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Dylan. Mas lalong hindi mapigilan ni Dylan na mapaisip kung bakit ganito kagalit ang dalaga kay Reighn. "Dylan?" Napatingin naman ang binata kay Abby nang tawagin ito at inalalayan siyang makatayo. "Ako na muna bahala kay Zoe. Umuwi ka na muna sa inyo para makapagpahinga at makapagpalit dahil puro dugo na 'yang suot mo.” Nagdalawang isip naman si Dylan at pabalik-balik ang tingin niya kina Zoe at Abby. Hindi ito sigurado kung susundin niya ba mommy ng kaibigan. “Sige na at kakausapin ko lang si Zoe.” Wala nang nagawa si Dylan kung hindi ang sumunod. Tumingin muli ang binata kay Zoe, pero hindi na talaga nag-iba ang expression nito simula noong makita niya si Dylan. She still in serious face at hindi man lang niya kayang tignan ng diretso si Dylan. "Sige po. Alis na po ako," paalam ni Dylan at lumabas ng kuwarto. Nag-iba si Zoe at alam niyang kasalanan niya iyon. He should be the one who protects her, but look what happened? He hurt her not only physically but also emotionally. "Zoe? Baby, how are you? Anong mas masakit sa iyo anak, puso mo o 'yong sugat mo sa likod?" Her mom teased her. "Mom, are you joking? Kung nagjo-joke ka it’s not funny anyway." Umikot ang mga mata ni Zoe pagkatapos niya tignan ang pintuang nilabasan ng kaniyang kaibigan. Narinig niya naman ang mahinang pagtawa ng kaniyang nanay at ang pag-upo nito sa gilid ng kaniyang kama. Her mom knows that she’s in love with her best friend. Napaisip siya sa tanong ng kaniyang nanay. Syempre mas masakit pa rin ang sugat niya sa puso. Anytime naman kasi ay mawawala ang sugat sa katawan, pero sa puso? Hindi niya alam kung kailan huhupa ang sakit. Until now she doesn’t believe that Dylan pushed her because of Reighn. Alam niyang si Dylan ang dapat prumotekta sa kaniya, pero anong nangyari? "Zoe, anak, ano ba talagang nangyari?" her mom asked. Tama bang sabihin pa ito sa mommy niya? Ayaw niya namang magtago dahil pakiramdam niya ay sasabog na siya. "Si Reighn ang unang nangbastos sa akin, Mom. Siya 'yong dahilan kung bakit napilitan akong lumaban," paliwanag ni Zoe. Kumuyom ang kaniyang mga kamay dahil sa naramdamang galit mula sa dalaga. Naisip ni Abby ang paliwanag ni Dylan sa kaniya kanina at alam niyang ito ang tinutukoy ng kaniyang anak. "Alam ba ni Dylan ang totoo?" tanong ni Abby habang hinihimas-himas 'yong noo ni Zoe para pakalmahin ang anak. "Ayoko na ng gulo, Mom. Alam ko naman na hindi niya ako paniniwalaan dahil mas paniniwalaan pa rin niya 'yong admirer niyang akala mo isang anghel na bumaba sa lupa. Ayon pala ay isa sa mga kampon ng demonyo." Napatawa na lang si Abby dahil sa sinabi ni Zoe. Napaisip si Zoe at alam niyang totoo ang sinabi nito sa kaniyang nanay. Akala niya mabait ito, pero mas daig pa ni Reighn ang tambay sa kanto kung maghamon ng away. Napangisi tuloy siya nang maisip na bagay ang pangalan niya sa Reighna ng Demonyo. "Tsk! Teenagers now a days," napapailing na sabi ni Abby. "Magpahinga ka na muna r’yan. Tatawagan ko lang ang Daddy mo at ibabalita ang kalagayan mo. Paniguradong nag-aalala na rin ‘yon." Nang makarating si Dylan sa bahay nila ay hindi pa rin mawala sa isip niya si Zoe. Paniguradong kailangan pa nito ng space dahil sa nangyari. "Ma? Pa?" tawag ni Dylan sa kaniyang mga magulang pagkapasok sa loob ng bahay. Napangisi siya nang mapagtanto na wala pa rin ito. Iniisip niya kung kailan matatapos ang trabaho nila. Kahit na nagkukulang na ang mga magulang nito sa pag-aalaga sa kaniya ay naiintindihan niya ito. Alam niyang ginagawa lamang ito ng magulang para sa kaniya. He took a quick shower at nagbihis na. Alas-singko na ng hapon at bukod kay Zoe ay inalala niya rin ang kalagayan ni Reighn. Alam niyang mabait ang dalaga kaya nakapagtataka kung bakit ganoon ang naging kahinatnan nina Zoe. Hindi niya mapigilang mapaisip kung kumusta na si Reighn at kung ayos lang ba ito. Paniguradong pinauwi na ito ng nurse kung hindi nito nakayang pumasok sa kaniyang klase. Napalingon naman si Dylan sa ibabaw ng lamesa nang marinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone. Lumapit naman siya roon at kinuha. Napansin niyang unknown number ito at nagtataka siya kung sino ang tumatawag. Napaisip si Dylan na baka importante ito kaya naman agad niyang sinagot ang tawag. "Hello?" panimula ni Dylan. "Hello? Si Dylan ba ito?" Napakunot noo si Dylan nang mapansin ang pamilyar na boses ng babae. "Yes, who's this, please?" Dylan's asked. "Dylan, si Reighn ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD