TILA ba ay nakaramdam siya ng pagkadisgusto sa paglapit ng babae kay Dylan. Nakaramdam siya ng inis at tila ba uminit ang buong mukha niya. Unang beses na mangyari na may nakalapit sa taong mahal niya.
Nakita niyang ngumiti ng matamis ang babae nang abutin ni Dylan ang papel na hawak nito. Gusto niyang batukan ang binata sa ginawa. Bakit ba niya ito tinanggap? Namumula pa ang mukha ng babae. Tumaas lalo ang kilay ni Zoe dahil dito. Maganda iyong babae, may maliit na mukha, maputi ang balat nito at may blonde na buhok.
"Thank you, Dylan. Sana basahin mo iyong ginawa ko." Pagkatapos sabihin iyon ng babae ay bigla na lang itong tumakbo paalis sa harapan ni Dylan. Nakita niyang napakamot ng ulo si Dylan at gumuhit ang isang ngiti sa labi nang tingnan ang papel na hawak nito.
Nagdadabog na lumapit si Zoe sa binata at bigla na lang hinablot sa kamay ni Dylan iyong papel na binigay ng babae. Dala ng kaniyang inis ay pinunit niya iyong papel at itinapon sa gilid ng hallway.
"Anong ginawa mo?!" galit na tanong ni Dylan sa kaniya. Nginisian lang niya ang binata at hinawakan ito sa braso.
"Nood tayong sine, Dylan. Please," pag-iiba ng dalaga habang nagmamakaawa sa kaibigan. Kinuha ni Zoe ang braso ni Dylan na gulat pa rin sa ginawa niya. Nag-puppy eyes si Zoe para pumayag ito sa kagustuhan niya, pero hinila ni Dylan ang kaniyang braso at masama siyang tiningnan.
"Shut up! Hindi ko nagustuhan iyong ginawa mo, Zoe! Bakit mo pinunit iyon? Para sa akin iyon, Zoe! Babasahin ko pa iyon. Nakakainis ka talagang babae ka!" Naglakad paalis si Dylan at iniwan siyang nakatayo roon. Napasimangot naman si Zoe at agad na sinundan ang binata.
"Sandali naman! Hintayin mo ako, Dylan!" Mabilis ang paglalakad ni Dylan kaya naman hirap din sa paghabol si Zoe.
“Ano bang pinuputok ng botche ng lalaking ‘yon? Papel lang naman iyon, e!” tanong ni Zoe sa kaniyang sarili. May higit pa nga siyang ginawa noon, pero hindi naman ganito ang reaksyon ni Dylan. "Ayaw mo talaga akong hintayin, ah!" nakangusong sabi ni Zoe.
Hinubad ng dalaga ang kaniyang isang sapatos at ibinato ito sa likuran ni Dylan. Napahiyaw naman si Dylan sa sakit nang matamaan ang likuran nito ng taking galing sa sapatos ni Zoe.
"f**k!" Tumigil si Dylan at nilingon si Zoe. Para bang kakainin na siya ng buhay ni Dylan sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya.
"Sabi ko naman sa'yo na hintayin mo ako. Ang tigas ng bungo mo!" sabi ni Zoe habang sinusuot sa paa iyong sapatos na binato niya. Mabibigat na paghinga ang naririnig niya mula kay Dylan. Alam niyang nagtitimpi lang ito sa kaniya. Ngumisi siya nang humarap dito at pinisil ang ilong ng binata. "Kumain na lang tayo sa cafeteria. Nagugutom po ako," malambing niyang saad nito.
"Fine! Pagkatapos nating kumain ay gusto kong mag-isa muna. Naiintindihan mo ba ako, Zoe? I want to be alone!" may diing bigkas ni Dylan.
Nabasag yata ang eardrums niya sa lakas ng sigaw nito. Maiiyak pa yata siya, pero pinigilan niya ang kaniyang sarili.
"Alright! Pagbibigyan kita ngayon, pero one hour lang dapat. After one hour, balik ka sa akin. Kung hindi ka---" Tinakpan ni Dylan ang bunganga niya kaya namilog ang singkit na mga mata ni Zoe.
"Oo na! Ang ingay mong babae ka!" pagsuko ni Dylan.
Pinakawalan siya nito at inakbayan. Nabibigla pa rin si Zoe kapag si Dylan ang gumagawa no'n sa kaniya. Madalas siya kasi ang umaakbay rito. Kakaibang kuryente ang dumadaloy sa kaniyang katawan kapag nagkakalapit ang kanilang katawan. Naging tahimik tuloy siya habang naglalakad sila papuntang cafeteria.
"Bakit mo iyon ginawa kanina?" mahinahong tanong ni Dylan. Ayaw na niya sanang pag-usapan iyon, pero hindi mapigilan ni Dylan na tanungin ang dalaga.
"Interesado ka ba sa babaeng iyon? You know her?" Parang pinipiga ang puso niya habang nagtatanong kay Dylan. “Ngayon ko lang siya nakita.”
"Her name is Reighn Ellery. Isang second year nursing student." Nilingon niya si Dylan at mas lalong kumirot ang puso niya nang makita ang pangingislap sa mga mata nito habang nagsasalita.
"Bakit mo alam?" nakakunot na noong tanong ni Zoe. Naiiyak na talaga siya. Bakit niya pa kasi tinanong? Sumasakit tuloy ang puso niya.
Tumawa si Dylan sa kaniya kaya pinong kurot ang natanggap nito mula kay Zoe. Iyon lang kasi ang tanging paraan niya para takpan ang totoong nararamdaman nito.
"Bwisit ka, Zoe! Makatitikim ka na talaga sa akin!" banta ni Dylan sa kaniya. Hindi si Zoe umimik dito at hinihintay pa rin niya ang sagot mula sa kaibigan. "Kapatid siya ni Hayden. Transferre iyon dito. Nagkabalikan na kasi ang Daddy at Mommy nila kaya lumipat na sila ulit kasama ng Mommy nila rito," dugtong pa ni Dylan. Hindi niya mapigilan na bumuntong-hininga.
"You like her?" mahinang tanong ni Zoe.
Napamura si Zoe sa kaniyang isip. Hindi niya dapat tinanong iyon, pero lumabas na sa bibig niya.
"Cute siya," tanging sagot ni Dylan.
"Tsk!" naisatinig niya at naunang pumasok sa loob ng cafeteria. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain dahil sa pag-uusap. Nag-order lang siya ng isang hamburger para kay Dylan at dalawang lemon juice.
"Akala ko ba gutom ka? Bakit ito lang?" takang tanong ni Dylan nang makita ang dala ni Zoe na tray.
"Pasalamat ka na lang at nilibre kita! Bilisan mong kumain para makaalis ka na," pagtataboy ng dalaga rito. Narinig niya ang mahinang tawa ni Dylan kasabay ng pag-abot niya ng burger dito.
Napatitingin sa kanila ang ibang mga estudyante at bilang ganti ay tinataasan ni Zoe ng kilay ang mga ito, lalo na iyong mga babaeng halatang may gusto sa Dylan niya. Dahan-dahan namang iniangat ni Dylan ang kaniyang mukha nang mapansin ang mga mga estudyante na papasok sa canteen.
Nakita ni Zoe na sumilay ang ngiti sa mga labi ni Dylan at hindi niya ito nagustuhan. Lumingon siya para makita kung sino ang tinitingnan ni Dylan. Napaismid siya bigla nang makita ng mga mata niya iyong babae kanina na nag-abot ng papel kay Dylan.
Namula ang mukha nito agad nang makita si Dylan na nakatingin sa kaniya. Naiinis talaga siya. Gusto niya ay siya lang ang ngingitian ni Dylan nang ganoon. Pakiramdam niya kasi ay may gusto si Dylan sa babaeng ito.
May dalawa itong mga kasama na babae at sinisiko siya ng dalawa habang nakatingin sa kanilang puwesto.
"Gusto mo tabi kayo ng babaeng iyon?" sarkastiko niyang tanong kay Dylan. Napatingin ito bigla sa kaniya. Nakasimangot na ang mukha niya ngayon.
"Huwag na! Baka ano pang kabaliwan ang gawin mo sa kaniya." Ipinagpatuloy ni Dylan ang pagkain ng burger.
“Buti alam mo! Naiinis ako sa kaniya. Kahit pa kapatid siya ni Hayden ay kakalbuhin ko siya kapag lalandiin ka niya!” bigkas ni Zoe sa kaniyang sarili habang nakatingin ng masama kay Reighn
"Mabait kaya ako. Wala akong masamang gagawin sa kaniya. Gusto mo ba makipagkilala ako sa kaniya? Gagawin ko iyon," nakangiti niyang sabi kay Dylan at pilit na isinasantabi ang totoong nararamdaman niya.
"I know what you're thinking, Zoe. Kaya huwag mong lapitan si Reighn. Nakuha mo ba ako?" may diing sabi niya kay Zoe. Hindi naman ‘yon pinansin ng dalaga. Tinapos nitong kainin ang burger at uminom ng juice.
Nakita niyang umupo na iyong tatlong babae sa katapat na mesa nila. Tumayo si Dylan at nagpaalam na sa kaniya.
"Kita na lang tayo sa classroom mamaya. May pupuntahan pa ako. Huwag kang gagawa ng kalokohan, Zoe." Iniwan siya nitong nakatunganga na nakaupo sa lamesa. Nakatingin lahat ng mga estudyante rito habang paalis ng canteen.
Nawalan na talaga siya ng gana kaya tinapos na lang niyang inumin ang juice niya. Balak niyang pumunta na lang muna ng library habang naghihintay sa next subject nila.
Bigla na lang ang pagkagulat niya nang bumungad sa harapan niya si Reighn. Hindi maitago sa mukha nito ang inis at galit. Tinaasan niya naman si Reighn ng kilay.
"What?" taas-noong tanong ni Zoe rito. Lumikha ng ingay ang ginawa ni Reighn na paghampas sa mesa. May kinuha ito sa bulsa at nanlaki ang mga mata ni Zoe sa pinakita ng dalaga.