Chapter 4

1400 Words
Napalunok siya sa talim ng titig nito sa kanya. Kaya naman mabilis siyang tumalikod at lumabas ng opisina nito. Nakalimutan tuloy niya ang pabor na hinihingi nina Mia sa kanya. She looked at the door. Naglalaban ang isip niya kung babalik ba siya roon o hindi na. Masakit na naman ang ulo niya katya naipukpok tuloy niya ang kamay sa ulo. Siguro mamaya na lang. Palalamigin muna niya ng kaunti. Mahirap nang malamon ng apoy ni Satanas. She was busy making a report when he called through the intercom. “Coffee,” sabi nito at wala na. Kape lang talaga ang malakas sa boss niya. Hindi kaya ito magiging nerbyoso dahil kape ito nang kape? Pero hinihiling niya na sana maging nerbiyoso naman ito kahit kaunti lang upang may takot naman ito sa katawan at nang hindi lang silang mga empleyado ang nanginginig. She went to get him his coffee and immediately served it and he immediately took a sipped on it. Mukhang naka-relax pa ito nang makahigop ng kape dahil sa pagpikit nito. Kape is life ata ang motto nito talaga. Pero dahil sa ginawa nitong pagpikit ay biglang umamo ang mukha nito. Hindi na ito si Rohan de Devil kundi si Rohan de Angel. She smirked pero bigla rin niyang binura ito sa takot na makita siya ng amo. “Anything, Sir?” magalang na tanong niya rito. Inilapag nito ang tasa ng kape at itinuro ang nakatambak na mga papeles sa harap nito. “Take those and make a report by tomorrow,” sabi nito at muling kinuha ang tasa ng kape. Tiningnan niya ang sinasabi nito at napabuntong hininga siya. Nag-cancel nga ito ng appointment pero tinambakan naman siya ng trabaho. Sulit talaga ang sahod niya rito. Akala pa naman niya ay makakapag-review na siya para sa exam nila. Ilang araw na lang kasi iyon. Pilit ang ngiting ibinigay niya rito at kinuha ang mga ito sa mesa niya at nagsimulang lisanin ang opisina nito. “And, Salazar?” tawag nito sa kanya. May ngiting humarap siya sa boss. “Yes, Boss?” She smiled sweetly. “Order some flowers and send it to someone. I'll send to you the address,” sabi nito sa kanya at muling itinuon ang attention sa binabasa nito. “Yes, Boss. Iyon lang ho ba?” tanong niya rito. Tumango lang ito bilang sagot sa tanong niya. Nang makabalik sa desk ay mabilis niyang tiningnan ang email niya at kinuha ang address kung saan niya ipapadala ang mga bulaklak. Mukhang may bago na namang babae ang boss niya. Noong isang araw ibang address na naman ang pinadalahan niya ng bulaklak. Bilib na talaga siya sa karakas ng boss niyang babaero. Napailing na lang siya at tinawagan ang flower shop na suki niya. She recited the address and send the p*****t to it. She started reading the documents for the report. Baka gabihin na naman siya nito dahil sa dami. At siguradong magte-take home pa siya nito. She didn’t waste anymore time and started her work. She was engrossed with her work when the intercom beeped. “My office now!” malamig at galit na sabi nito sa kanya. She got up and made her way to his office. Hindi pa siya nakakalapit dito nang ibato nito sa kanya ang tatlong folders at nagkalat ang mga ito sa sahig. Those were the reports he asked yesterday na nilamayan niya kagabi pagkatapos ay itatapon lang nito? She counted one to ten to calm herself dahil baka masigawan niya ito dahil sa ginawa nito. “I'm paying you to do your job well!” sigaw nito sa kanya. “Gusto mo bang sesantehin kita?” Goodness! Devil mode na naman ito. Pinulot niya ang mga itinapon nito at tiningnan kung ano ang sinasabi nito. Oh mali ‘yung mga document na ilagay niya sa mga folder. Ang lagay nagkapalit-palit lang naman. OA naman nito. Para iyon lang. Grabe kung makasigaw parang anlaki ng kasalanan niya rito. Lumapit siya sa table nito at binaklas ang mga document sa folders at pinagpalit-palit ito. At ang boss niyang magaling ay nakatingin lang sa ginagawa niya. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito habang pinapanood siya. Nang matapos ay muli niya itong ibinalik sa boss. “Here, Boss.” She smiled sweetly. Parang hindi siya nito sinigawan and threathened to fire her again for the nth time since she became his most patient secretary. “Ayusin mo ang trabaho kung ayaw mong mawalan ng trabaho, Salazar. Malapit na akong mapuno sa’yo,” matigas na sabi nito at simulang basahin ang laman na parang walang nangyari. She just smiled sweetly to him again. “And don’t smile at me. Hindi magandang tingnan!” matigas na wika nito. Tinaasan lang niya ito ng isang kilay at nilayasan. Ibang klase talaga para iyon lang. Kung makasigaw naman para namang ang laki ng pagkakamali niya. Wala na ba talaga itong ibang gagawin kundi sumigaw nang sumigaw. Never pa ata niyang nakausap ito nang matino. Kung hindi ito sumisigaw, nananakot naman ang boses nito o kaya nakaanggil sa kanya. She never once heard him talked to her nicely. Samantalang sa ibang empleyado except those na may mali, matino naman itong kausap lalo na kay Maureen. And of course, sa mga babae nito at doon sa mga kaibigan nitong kagaya niyang siraulo. Other than that, she can't remember kung kailan siya nito kinausap nang maayos, nang malumanay. Allergic ba ito sa ganoong tono ng pananalita? Iniwaglit nalang niya sa isip iyon at nagsimulang magtrabaho. Marami pa siyang tatapusin. She glanced at the wall clock and it’s almost lunch time na. Siguradong mamaya ay darating na ang pagkain niya. Perks of being his secretary ay may free snack in the morning and afternoon siya, free lunch at kung minsan ay free dinner na rin. Nagtaka man siya noong kasisimula pa lang niya pero hindi na siya nagtanong pa. Sayang libre eh, kailangan niyang magtipid. At pakunsuwelo na rin iyon ng boss niya sa pagsisigaw nito sa kanya. Okay na siya roon. Libre eh! At siguradong lalabas na rin ang boss niya maya-maya kaya makaka-relax na siya ng kaunti. At totoo nga, ilang minuto pa lang ang lumilipas ay lumabas na ang gwapo niyang boss. Dumaan ito sa harapan na wala man lang sinasabi o ibinibilin sa kanya. Parang hindi na siya nasanay rito. Ganoon talaga ito. Lalabas na parang aso sa bahay, walang good manners at right conduct. Pero ang bango talaga ng boss niya. Kahit wala na ito ay nandoon pa rin ang amoy nito. Parang inililigo ata nito ang isang bote ng pabango bago lumabas. Just to make it clear, wala siyang gusto sa boss niya. Pinagnanasaan? Ay oo! Ang gwapo kasi nito at ang bango. Papable na papable. Fan siya ng kagwapuhan nito. Daig kasi nito ang mga modelo sa tv. But aside from that wala na siyang anumang romantic feeling para rito. Hindi ito ang ideal man niya dahil sa kakasigaw nito sa kanya. Umurong ata ang feelings niya rito on the first day pa lamang. Tsaka hindi nga siya nito makausap nang matino kaya naman sobrang turned off siya rito. Idagdag pa na womanizer ito. He changes his woman like he changes his clothes. At tsaka crush niya ‘yung kaibigan nitong si Bryan. Ang sweet at gentleman kasi. Siguro kung ganoon ito ka-sweet at ka-gentleman ay baka nagustuhan na rin niya rito. Dumating na rin ang lunch niya kaya makakakain na siya nang matiwasay. Kailangan niya ito dahil sa dami ng trabaho niya ngayong araw na ito. Kaya nman sibrang excited siya sa pagdating ng delivery boy. “Ano'ng merienda at lunch ko, Al?” tanong niya sa suki niyang delivery man. Ito kasi ang simula’t sapol na nagde-deliver ng pagkain niya kaya ka-close na niya. “Hindi ko alam eh. Alam mo na ngang delivery man ako talagang nagtanong ka pa,” sagot nito sa kanya. “Buksan mo na lang para malaman mo,” dagdag pa nito sa kanya. “Sungit naman nito!” Nginitian niya ito bago ito umalis. And she enjoyed her lunch so much. Sino ba naman ang hindi eh ang paborito niyang kare-kare ang ulam may kasamang chopsuey na masarap. Heaven talaga. Kaya pinagtyatyagaan niya ang ugali ng boss niya dahil sulit naman ang benefits na nakukuha niya. Sana nga lang swertehin talaga siya sa boss niyang may maluwang na turnilyo sa utak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD