Chapter 5

1299 Words
HINDI na namalayan ni Joyce ang oras dahil sa pagkasubsob niya sa trabahong ginagawa. Sa dami ba naman kasi nito at sa deadline na ibinigay ng boss niyang magaling ay hindi na niya napansin ang oras lalo’t wala naman itong sigaw nang sigaw sa kanya kaya todo ang concentration niya sa trabahong ginagawa. Mabuti nga at wala ito dahil nakarami siya dahil kung present ito ay siguradong puro sigaw lang ang maririnig niya rito at wala siyang matatapos dahil panay ang utos nito sa kanya. Mabuti na lang talaga at wala ito dahil productive ang araw niya ngayon. She’s not saying that she wasn’t productive when her boss was present. It’s just that she can’t concentrate because of his demands and his annoying brat attitude. So because of that, she finished her reports due for tomorrow. She decided not to take home her work for her to have time to review. But too bad, it was past nine in the evening already when she finished all her work. She's tired and sleepy too. Mukhang wala na naman siyang time para makapag-review. Wala na talaga siyang time para mag-review dahil sobrang pagod at antok na antok na siya. Hindi lamang pag-re-review ang hindi niya ata magawa ngayon kundi pati ang kumain dahil tinatamad na siya. Hay paano kaya siya nito papasa sa exam niya kung wala siyang time para mag-review man lang. Masasayang lang ata ang pinag-aralan niya at magiging secretary na lang siya forever sa boss niyang may maluwang na turnilyo sa ulo. Mukhang mamalasin ata siya sa amo niya kung ganito rin lang. Tambakan ba naman kasi siya ng trabaho tapos ipapapasa kinabukasan. Ano siya robot? Robot nga napapagod, siya pa kaya? Pero wala na siyang magagawa pa kundi magsakripisyo at magpasensiya dahil ipinagpapasalamat niyang may trabaho pa rin siya hanggang ngayon. She was saved by the way! Tahimik na ang buong paligid at tanging ang mesa na lamang niya ang hindi pa maayos dahil sa katatapos na trabaho niya. Wala na rin sigurong tao sa building aside from the night shift security guards na tumambay pa kanina sa kanya dahil mag-isa na lamang siya at pilit siyang pinapauwi nang maaga. Mababait ang mga ito kaya naman walang problema kapag nag-o-overtime siya dahil sinasamahan siya kung minsan ng mga ito at tsine-check from time to time. Siyempre nag-aalala rin ang mga ito kung may mangyaring masama sa kanya dahil siya lang naman ang executive secretary ng terror na boss nila. Siyempre magwawala ang isang iyon kapag nawala siya at paniguradong ikagugunaw iyon ng mundo. Kaya naman panatag ang kalooban niya rito kahit gabihin siya o abutan pa nang madaling araw. Noong una ay natakot pa siyang mag-overtime pero dahil madalas ang OT ni Maureen ay nakisabay na rin siya lalo’t napakarami ng pinapagawa ng boss niya sa kanya. Later on, mag-isa na lamang siyang nag-o-overtime dahil maagang umuuwi si Maureen at kung mag-OT man ito ay madalang na lamang. Kaya naman nasanay na rin siya lalo’t siniguro ni Maureen na mapagkakatiwalaan ang mga security guard ng kompanya aside from mababait pa ang mga ito. At napatunayan naman niya ang mga ito kaya hanggang ngayon ay halos gabi-gabi siyang nahuhuli sa pag-uwi dahil sa tambak na trabaho. She cleaned and organized her desk and took her bag then turned off the light of her lamp shade. She was about to walked out from her cubicle when she saw her boss walking towards her. Nakakunot ang noo nito nang makita siyang kalalabas lang mula sa opisina niya. This is the first time na naabutan siya ng amo sa pag-o-overtime. Maaga ata itong natapos sa pambababae. “What are you still doing here?” nakakunot noong tanong nito sa kanya. Malakas ang boses nito kaya nag-echo tuloy ang tanong nito sa buong paligid. Madilim pa ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Really magtatanong pa talaga ito kung ano ang ginagawa niya eh tinambakan siya ng trabahong bukas ang deadline? Mas mabagsik pa ito kaysa sa mga professor niya noong college siya. Tapos galit pa ito ngayon dahil sa pag-o-overtime niya? Para namang magnanakaw siya kung makaasta ito. Ballpen at papel lang naman ang naiuuwi niya kung minsan dahil sa report na ginagawa niya. Grabe naman itong makapagsigaw sa kanya. “Doing the reports, Boss,” inaantok at tinatamad na sagot niya rito. Wala na siyang lakas para makipag-argumento pa rito dahil uwing-uwi na siya talaga. Nakakapagod kaya ang ginawa niya buong maghapon at ginabi pa siya. Wala na siyang energy para rito. Buti ito naglakwatsa lang. Kung siya lang ang boss ay sesante na ito. Pasalamat talaga ito dahil ito ang boss at siya ang dakilang sekretarya nito. She glanced at her boss who was staring at her intensely. Hindi na ito nagsalita at basta nakatitig na lamang sa kanya. She can't read what’s with his eyes. Basta nakatitig na lang ito na parang may iniisip. Natakot tuloy siya na baka pagsamantalahan siya nito. Ambisyosa lang 'no? Pero malay natin ‘di ba? Babae pa rin naman siya at lalaki itong mahilig sa umpt kaya possibleng mangyari iyon. ‘Wag mahal*y, Joyce! Hindi ka type niyan, sabi niya sa sarili. Pero hindi ‘yun ang ikinatatakot talaga niya kundi ang masesante siya. ‘Wag naman sana. Ayaw niyang pulutin siya sa kalsada dahil wala na siyang trabaho at kapag nangyari iyon ay wala na siyang pambayad sa apartment niyang luma at baka mamalimos na rin siya. “Are you always like this?” he asked. Pero imbes na pasigaw ay malumanay ang pagtatanong nito. Mukhang concern na ito sa kanya ngayon at bago iyon para sa kanya. Hindi ito ang nakasanayan niyang boss kaya naman kinabahan siya. Naku, Joyce iba na talaga ‘yan! Hindi ‘yan ang boss mo kaya tumakbo ka na! Baka multo ‘yan na nagpapanggap na boss mo! Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan. “Ah. Eh h-hindi naman, Boss. Ngayon lang po,” mahinang sagot niya rito. Medyo lumayo na rin siya sa boss para sakaling multo nga ito ay makakatakbo siya nang mabilis papalayo rito at makahingi nang saklolo. “Are you sure?” tanong nito sa kanya. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Parang pinag-aaralan ang mukha niya kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. He snapped his neck slightly and loosen his tie. Hindi pa ito nakakapagpalit ng damit ngunit mabango pa rin ito. Na-concious tuloy siya sa sarili dahil baka amoy-pawis na siya kaya pasimple niyang inamoy ang sarili. Mabango pa rin naman siya kahit papaano. “Okay, you go ahead,” sabi nito sa kanya pagkaraan ng ilang sandaling pagtitig sa kanya at pag-iisip. With that mabilis ang kilos niyang umalis palayo sa boss dahil magbago pa ang isip nito at magtanong pa ng kung ano-ano. Pero hindi pa siya nakakalimang hakbang nang magsalita ito. “This would be the last time that I will see you here in this hour, Salazar. Or else ipapakaladkad kita sa mga security guard,” matigas na sabi nito sa kanya na ikinahinto niya. Humarap siya rito at tiningnan ito kung seryoso ang sinabi nito sa kanya. Seryoso? Siya na nga ang nag-overtime para maipasa ang reports na hinihingi nito bukas tapos ipapakaladkad pa siya? Wala nga rin siyang overtime pay dahil hindi naman nito alam na lagi siyang nag-o-overtime dahil sa pinapagawa nito. At mag-aarkila na naman siya ng taxi dahil wala na siyang masasakyan sa ganitong oras. Mapapagastos na naman siya. Buti sana kung may ibinibigay o ipinapahiram itong sasakyan na pwede niyang gamitin ngunit wala. Ni hindi nito maisip gawin iyon! Grabe talaga ang kademonyuhan nito. Wala talaga itong puso. Kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili. “Then don’t make me finish bulks of work and submit them the following day!” With that she walked out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD