“It’s been two weeks now at hindi pa rin kayo nakakagawa ng bagong strategy? What the fck have you been doing? Slacking in your office?” malakas na sigaw ng CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Sigurado siyang nanginginig na sa takot at pagkataranta ang mga empleyado nitong nasa loob ng opisina nito. Worst, baka may sesantehin na naman ito sa araw na ito.
That was her boss, Rohan de Villa also known as the Rohan de Devil. Halos lahat ng empleyado sa kompanya nito ay ilag sa rito dahil sa pagiging terror nito. Konting mali lang, naku humanda ka nang matulog sa lansangan dahil wala ka ng trabaho. Kaya hindi talaga maiwasan na tawagin itong demonyo. Sayang ang gwapo pa naman nito. Mala-anghel ang itsura nito pero nakakubli roon ang pagiging satanas nito. At heto nga, another sample ng pagiging de devil nito. Kung bakit ba kasi nito kayang i-tone down ang ugali nito. Napabuntong-hininga siya at sinulyapan ang nakasaradong pinto ng office nito.
Her boss has the most tantalizing hazel brown eyes she had ever seen in her entire life. Binabagayan ito ng maayos at makapal na kilay na mas nagpatingkad sa mapupungay na mga mat anito na animo’y laging nang-aakit. Matangos rin ang ilong nito that was so proud to look at. Matayog na matayog kagaya ng posisyon nito sa kompanyang pagmamay-ari. And he has a kissable plum lip na parang kay sarap nitong halikan. Kaya nga marami ang babaeng nagkakandarapa rito, luluhod sa paanan nito at magmamakaawa para sa atensiyon nito kahit malademonyo ang pag-uugali nito. Sayang talaga ito pero kahit ganoon ay hindi naman ito nauubusan ng babae.
“I want it first hour in the morning tomorrow or else magbalot-balot na kayo dahil wala na kayong trabaho!” malakas na sigaw nito. “Now get out of my office!” sigaw na naman nito. Hindi ba ito napapagod sa kakasigaw. Hindi ba sumasakit ang lalamunan nito sa kakasigaw? Siya nga naririndi na sa kakasigaw nito kulang nalang maglagay siya ng earpiece para hindi niya marinig ang boses nitong sinlakas nang nangangalit na kulog sa kalangitan. Siya ang napapagod para rito.
Biglang bumukas ang pinto ng opisina nito na ikinalingon niya at iniluwa ang limang empleyado na lulugo-lugo. Hindi maipinta ang mga mukha nila at natakasan pa ata ng kulay dahil maputlang-maputla ang mga ito. Parang binagsakan ng langit ang mga ito. Hindi niya naiwasang manlumo para sa mga ito habang nakatanaw sa mga itsura nila. Siguradong umabot sa kaluluwa ng mga ito ang nginig dahil sa sinapit sa boss nila.
“'Yang boss mo, Joyce. Demonyo talaga!” madiing sabi ni Mia. “Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho matagal na akong nag-resign dito,” dagdag pa nito sa kanya.
“Ako rin,” sang-ayon ni Warren. “Mabuti na lang mataas magpasweldo.” Bumuga pa ito ng hangin na parang ngayon lang nagkalas ng loob na huminga.
“Kaya niyo ‘yan. Bad day lang si Boss kaya ganyan,” pakunswelo niya sa mga ito at sinabayan pa ng magandang ngiti sa labi para naman masikatan ng liwanag ang madilim na mundo ng mga ito.
“Buti ikaw nakakaya mong araw-araw na nakikita ‘yan?” tanong sa kanya ni Mia.
She shrugged her shoulders. “No choice ako eh. Kailangan ko rin ng trabaho. Mas mabuti na iyong masigawan araw-araw kaysa walang makain araw-araw,” sagot niya. At totoo naman eh. Mabuti na lang talaga at natanggap siya bilang secretary nito almost five months na mula ngayon.
Noong una ay halos nangangatog din ang tuhod niya tuwing tatapak siya sa opisina nito lalo’t madalas din siyang nasisigawan noon. Mabuti na lamang ay hindi siya senesante nito dahil na rin sa pakiusap ni Maureen na panay reklamo kapag nagagawi sa opisina nito. According to Maureen ay hindi na siya nito hahanapan ng secretary kapag senesante pa siya nito. Nagbigay na ito ng ultimatum kung kaya’t no choice ito kundi pagtiyagaan siya at pilit na kinukontrol ang sariling huwag siyang sesantehin. At doon din niya napag-alamang may takot din pala ito at isa sa kinatatakutan o pinapakinggan nito ay si Maureen. Kaya heto, hanggang ngayon ay siya pa rin ang secretary nito. At sanay na rin siya sa ugali nito. Dedma na lang kapag tinutupak ito at siya ang pinagdidiskitahan.
“Oh siya, mauna na kami. May deadline pa kami bukas. Patulong ha?” sabi ni Warren sa kanya at tinapik pa ang balikat niya. Tumango siya sa mga ito at tinanaw ang papalayong bulto ng mga ito.
Patulong? Ang ibig sabihin noon ay hihingin niya ang opinion ng boss. Iyong gusto nitong mangyari at ifo-forward niya iyon kina Mia para may idea sila. Iyon nga lang hindi niya alam kung paano gagawin iyon dahil bad trip ngayon ang boss niya. Ayaw niyang mabunton sa kanya ang galit nito. Hindi dahil sa ayaw niyang mapagalitan ngunit baka kasi masagot niya ito at masigawan ng hindi niya namamalayan. Mahirap nang masesante.
She went to the pantry to make his coffee bago tinungo ang opisina nito. Pakonsuwelo niya ito upang mahimasmasan ito ng kaunti at ma-relax ito ng hindi siya maging shock absorber nito. With her five months of being his secretary, isa sa na-discover niyang pampakalma nito ay ang kape. Black coffee with a little bit of sugar. Bittersweet iyon ang gusto nito. Parang buhay niya ngayon bittersweet dahil sa pagtakbo sa tatay niya.
Naalala pa niya kung paano ito nanghingi ng kape noong unang araw niya. Ito ang naging first job ever niya sa boss, ang magtimpla ng kape at dahil katatanggap sa kanya at nasa cloudnine pa siya ay umalis siyang hini tinatanong kung ano ang timplang gusto nito sa kape. She made two for her boss and for herself dahil ni walang laman ang tiyan niya nang umagang iyon. At iyon nga, hindi sinasadyang ang kape niya ang naibigay sa boss. Hindi pa naman niya naiinuman iyon pero sobrang kaba ang inabot niya dahil iyon pa ang dahilan kung bakit siya masesante. When she went back to his office to give his right coffee ay tumanggi ito dahil iyon daw ang timpla ng kape niya na hinahanap niya. See? At least hindi naman siya nasesante dahil sa kape. Dagdag puntos pa iyon sa kanya.
Kinatok niya ang pinto at itinulak ito at pumasok.
“Coffee, Boss,” sabi niya rito sabay lapag sa isang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa nito. Her boss was busy reading documents kung kaya’t hindi man lang siya nito tiningnan.
“What’s my schedule today, Salazar?” malamig na tanong nito sa kanya at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
She took her phone at tiningnan ang schedule ng boss para sa araw na ito. She recited them pagkatapos ay ibinalik ang phone sa bulsa ng damit. Ang boss naman niya ay patango-tango lang habang nakatingin sa binabasa nito.
“Cancel all my appointments after lunch.”
Tiningnan niya ito mula sa ilalim ng mata niya. Hindi ba nito narinig ang sabi niya. May darating na investors mamayang ala una at kailangan nitong i-meet. Ano na naman ang ipapalusot niya sa mga ito? Saan na naman kaya ito pupunta at mas importante pa ata iyon kaysa sa investors niya? Alam niyang mayaman na ito ngunit dapat nitong siputin ang investors nito dahil nakakahiya. Bumiyahe pa ang mga ito mula Japan.
“Did you hear what I've said, Salazar?” This time ay nakatingin na ito sa kanya. Mukhang lalamunin na naman siya sa tingin. Huwag naman sana.
“Pero, Boss. May investors---“
“Aalis ka ba sa harap ko o sesesantehin kita?” mahina pero madiin ang mga salitang binitawan nito.