Tatlong araw nang mainit ang ulo ni Rohan at mas lalo pang umiinit iyon dahil sa mga empleyado niyang pasaway. Ilang empleyado na rin ang nasesante niya dahil sa kapalpakan ng mga ito at kainitan ng ulo niya. He was too sensitive and his senses heightened on the mistakes of his employees. Lahat palpak. Lahat walang maayos na ginawa. Lahat ay ikinukumpara niya sa gawa ng secretary niya.
Another thing, he missed his damn coffee which only Joyce can make. Hinahanap-hanap ng panlasa niya, ng pang-amoy niya ang kapeng gawa nito. Halos pinalibot na niya ang buong lugar at mga coffee shop para lang sa kape ngunit hindi pa rin ito sumasakto sa panlasa niya. At iyon pa ang isang dahilan nang pag-iinit ng ulo niya.
Ilang beses na niyang tinangkang tawagan ang sekretarya ngunit naalala niyang kailangan nitong mag-concentrate sa pag-re-review upang makapasa ito at mas maging kapaki-pakinabang ito sa kanya. A CPA as his secretary will be a good point for his company and for his sake. Hindi naman niya hahayaang mag-leave na lang ito basta-basta ng hindi niya pinag-iisipan kung ano ang kapalit lalo't with pay pa naman ang leave nito. Hindi niya sasayangin ang pera para lang sa wala. Pero hindi talaga maganda ang timpla niya ngayong wala ang kanyang sekretarya.
"I was asking the report last last month. Not last month," malakas na sigaw niya sa isang empleyado niyang halos mabali na ang leeg sa pagkakayuko.
Sino ba naman kasi ang may lakas ng loob na tumingin sa malahalimaw na itsura niya ngayon dahil sa galit at inis sa mga ito. Mga palpak ang lahat ng empleyado niya ngayon. Wala na bang makakagawa sa ginagawa ng sekretarya niya? Ito na lang ba ang may pakinabang at may maayos na trabaho? Pilit niyang ikinukompara ang lahat ng ginagawa ng mga ito sa ginagawa ng sekretarya niya.
"Eh, Sir---"
"Get out of my sight and don't come back anymore in my company. Naintindihan mo?" sigaw ulit niya. Halos maglabasan ang lahat ng ugat niya sa leeg dahil sa sigaw.
"Sir, maawa naman po kayo. May mga anak po ako. Ako lang po ang ina----"
"I don't care. Now get out," sigaw niya at minasahe ang sentido dahil sa pananakit ng ulo.
These past three days was so stressful to him lalo't binabalewala lang siya ni Maureen kapag may ipinapagawa siya rito na sa tingin nito ay hindi naman gaanong importante at kailangan. Kaya sa tatlong araw na ito ay halos wala siyang natapos na trabaho. Now, he missed having an efficient secretary like Joyce.
"Maureen, where's the report I'm asking you?" tanong niya kay Maureen sa intercom.
"Was it today?" sagot naman nito sa kanya. Pinigil niya ang sariling mabulyawan ito dahil alam niyang useless lang iyon dahil hindi naman ito makikinig sa kanya.
"Yes. It is today," sagot niya rito. He closed his eyes tightly. He counted from one to ten forcing himself not to shout at her.
Ilang saglit lang ang pumasok ito sa opisina niya but was empty-handed. Wala sa sariling naisabunot niya ang kamay sa sariling buhok dahil sa frustration. Tatlong araw na itong walang ginagawa sa lahat ng ipinapagawa niya rito at dumadagdag ito sa stress na nararamdaman niya ngayon. Kung pasaway kasi ang mga empleyeado niya ay mas malala ata ito ngayon.
"Where is it?" tanong niya rito but he was already expecting na wala talaga itong ginawa.
"I thought it will be tomorrow. Hindi ko tuloy nagawa," patuyang sagot nito sa kanya pagkatapos ay umupo sa sofa na nasa gilid. Now, he badly needed his secretary.
"Hindi mo nagawa o wala ka talagang balak gawin?" malamig na tanong niya rito na ikinangisi naman nito.
"Bingo!" She smirked at him. "I got so many things to do with my own job kaya wala talaga akong time na gawin iyon." She crossed her legs and laid her head on the backrest of the sofa. "Why don't you take a leave too?" Tumayo ito at lumapit sa kanya.
"And why would I do that?" He eyed her. "I have a company to run."
"Dahil masasayang lang ang buong linggo mo sa wala. And besides, tatakbo naman ang company mo kahit wala ka. Isang linggo lang naman. Be back on Monday if you want. Basta mag-leave ka lang ngayon para naman matahimik ang mundo at makahinga saglit ang mga empleyedo mo," balewalang wika nito sa kanya. Pasalamat talaga itong babae na ito dahil hindi niya ito pinapatulan.
"I don't need a break. At sino ka para sabihin sa akin 'yan?" pabalang na sagot niya sa kinakapatid.
"Oh! I'm just a mere employee of your company, and the only person who is not afraid of you," nakakalokong ngiti nito sa kanya.
Talagang ipinapamukha talaga nito na wala itong paki sa anumang sasabihin niya. Pasalamat talaga ito at hindi niya ito pinatulan. Pasalamat talaga ito dahil kapatid niya ito. Napabuga siya ng hangin dahil sa matinding frustration niya rito. Tama nga naman itong hindi ito takot sa kanya. Halos kilala na siya nito buong buhay niya.She was his only sister kahit hindi sila totoong magkapatid.
"You know I can't do that. Why don't you just do the things I've asked you to do?" iritadong wika niya rito pero dedma pa rin ito sa kanya.
"Marami rin akong ginagawa," patamad na sagot nito.
"Then why don't you just send someone to do that work I've asked you to do para matapos na kung hindi mo naman pala kayang gawin," inis na wika niya ito. Gustong-gusto na niyang pilipitin ang leeg nito.
"Oh! I won't do that! Para ano? Para may sesantehin ka na naman?" Tumayo pa talaga ito para ma-emphasize ang sinasabi nito sa kanya. "Hindi ka ba naaawa sa kanila? They have mouths to feed and you just fired them."
"They were not doing their jobs!" sikmat niya sa kinakapatid ngunit hindi man lang ito nangilag sa kanya unlike his other employees.
"And besides, they are not your secretary na kapag sinabi mo nandiyan na agad," giit pa rin nito. “Don’t compare them to her dahil makukunsumi ka lang. Ma-i-stress ka lang.”
Minasahe niya ang sariling batok para mawala ang stress na nararamdaman niya ngayon. Stress na stress na talaga siya ngayon. At lalong nadaragdagan ang stress niya dahil kay Maureen.
"Go get a vacation and be back on Monday. Huwag mo akong pestehin. Bumalik ka na lang kapag nandito na ang secretary mo na kayang pakisamahan 'yang demonyong ugali mo," utos nito sa kanya na parang ito ang boss at hindi siya.
Aside from kinakapatid niya ito ay malayong kamag-anak rin nila ito according to his mother. Maureen stayed on them dahil maaga itong naulila and they treated each other as brother and sister. Kaya naman kilalang-kilala na siya nito. Hindi rin ito takot sa kanya palibhasa ay itinuturing niya itong prinsesa ng pamilya nila.
"I'm the boss," malamig na wika niya rito na ikinatawa lang nito.
"So what?" natatawang sagot nito sa kanya at lumapit sa harap ng table niya. She placed both her hands on the edge of the table and look at him in the eye. "Rohan, hindi ka rin makakapagtrabaho nang maayos dito dahil alam kung lahat ay pupunahin mo and you will just compare everything to your secretary's work. So please give us a break. Ilang araw na rin lang naman. Maawa ka naman sa amin," mahinahong wika nito sa kanya.
He took a deep breath and analysed what she just said. In fact, it’s true that he will not work properly dahil mas marami ang singhal niya at sigaw sa mga empleyado niya and yes, he will just compare their work to his secretary. Lahat-lahat even the single and smallest details. He looked at Mau and a successful smile creeped on her face. Mukhang nabasa na nito ang nasa isip niya.
"I will cancel all your appointment for the rest of the week. Enjoy your vacation." Tumalikod na ito sa kanya. Ngunit muling huminto at bumaling sa kanya. "Please visit mom, she missed you so much," wika nito bago nawala sa paningin niya.
Ipinikit niya ang mga mata pagkatapos ay muling dumilat at tinungo ang isang pinto na kadikit ng kanyang opisina. That was his game room. He often stayed there to relax and hide away from his stressful work. Kompleto rin ito sa amenities, living room, dining room, kitchen, bedroom. Halos dito na nga siya naglalagi kahit na may sarili siyang bahay. Naligo siya at nagpalit ng damit pagkatapos ay umalis ng opisina. Habang binabaybay niya ang patungo sa elevator ay kapansin-pansin ang pagliwanag ng mga mukha ng mga empleyado niya. Mukhang tama nga si Maureen na makakahinga nang kaunti ang mga empleyado niya kapag umalis siya pansamantala. Hindi naman pababayaan ni Maureen ang kanyang kompanya kaya naman wala siyang dapat ipag-alala. He will only be the Rohan de Devil in their eyes if he stayed here.
How he missed his secretary.