NASA MALL si Joyce ngayon dahil sobrang sakit na ng ulo niya sa kaka-review straight three days now mula nang mag-leave siya, rather, noong pinag-leave siya ng boss niyang mabait. Wow! Mabait na ang turing niya rito. Aba siyempre naman dahil may leave na siya with pay pa! Kaya naman ay mabait ito ngayon.
Sinulit talaga niya ang pag-re-review dahil iyon na lang ang tanging panahon na nalalabi para sa review niya because this Sunday, it will be the big day for her. Mabuti nga at na-chismis ni Manong Guard na may exam siyang paparating kung kaya’t naisipan ng boss niyang mabait na payagan, rather bigyan siya ng time para sa review niya. Kapag nakapasa talaga siya ay ililibre niya si Manong Guard sa kung ano ang gusto nito. Sagot niya lahat kahit buong pamilya pa nito.
Dahil sa kapaguran sa pag-re-review at gusto rin niyang mag-relax ay gumala siya sa mall at ngayon ay nasa isang fastfood chain at nilalantakan ang kanyang in-order na fries na isinawsaw niya sa sundae. She loved that food kahit ang iba ay nagsasabing grossed daw ito, nakakadiri and the like. She liked the combination of the saltiness of fries and the sweetness of sundae. She loved the combination. She loved it so much kaya binabalik-balikan niya ang pagkaing iyon. Panaka-naka rin ang pagkagat niya sa burger deluxe na kasama ng mga iyon sabay inom sa float drink na kasama.
She was seated near the glasswall kaya naman kitang-kita niya ang mga nagdaraan papasok at palabas ng mall. Iyon ang paborito niyang spot kapag nasa isang fast food chain siya. Nawiwili kasi siyang pagmassdan ang busing pasilyo o kalsada. Sa lahat ng mga dumaraan, agaw pansin talaga ang mga mag-jowa na kuntodo holding hands, akbay and other PDA stuff. Nakaka-miss tuloy maging bagets. Naalala tuloy niya ang mga panahong tumatakas siya para magpunta sa mall kasama ang mga naging boyfriend niya. She smiled with those thoughts she had.
She had three boyfriends before when she was in college but not that serious, ngayon lang niya na-realized iyon. Hindi pa talaga dumarating si true love niya. Pero okay lang iyon dahil bata pa naman siya. She didn’t need to rush. All her past relationships were unsuccessful dahil na nga rin sa busy siya sa pag-aaral so hindi rin nag-work until she decided to focus hanggang sa siya ay maka-graduate. At iyon nga, mag-aasawa na pala siya after graduation. Saklap lang!
Sumagi na naman sa isip niya ang dahilan kung bakit naririto siya ngayon sa lungsod at napasimangot na naman siya dahil doon. Mabuti na lang at tahimik siya ngayon at walang gumugulo ngunit alam niyang puspusan ang paghahanap ng ama niya sa kanya. Siguradong matutunton siya nito kung kaya’t ibayong pag-iingat ang ginagawa niya.
Iniba pa niya ang kanyang itsura para hindi siya mahanap ng kanyang ama. She curled her straight hair and color it with black, ibang-iba sa dating ayos ng buhok niyang blonde na lagi niyang inilulugay. She put contact lenses on her eyes too kaya naman natatakpan ang kulay berde niyang mata ng itim na lense and she framed them with big round eyeglasses. Nagpa-tan din siya ng balat kaya naman malayong-malayo iyon sa dati niyang itsura though she remained how she wears clothes, inluwagan lang niya kaunti. Iyon nga lang, kung noon ay signature clothes ang suot niya, ngayon ay halos mumurahing RTW na lang. Kailangan din kasi niyang magtipid ng bonggang-bongga upang may makain at may pangbuhay sa sarili dahil hindi alam kung hanggang kalian ang pagtatago niyang ito.
But she never regretted her decision of running away from her father because she had tasted her freedom, how to be free, how to live independently, how to decide on her own. Nagagawa niya ang lahat ng gusto niya na hindi dinidikta ng kanyang ama. Mahirap man but she loved it. She enjoyed it. Mabuti na lang din at lagi siyang kinukumusta ng kanyang kapatid at hindi pinapabayaan. Ito na lang ang kakampi niya. But she was also wondering kung ano kaya ang magiging reaction ng isa pa nyang kapatid kung nalaman nito ang ginawa ng kanyang ama.
Her reverie was stopped when someone knocked on the glass wall near her. She gazed up and saw one of her boss' friend, one with sa mesmerizing brown eyes, Bryan Felix Santos, ang crush niya. Ito lang naman kasi ang malapit sa loob niya. Nakangiti ito sa kanya and mouthed if she has company. Umiling siya and he thumbs -up bago umalis sa harapan niya. Ilang saglit pa ang lumipas ay nakaupo na ito ngayon sa harapan niya. Nakangiti ito sa kanya habang nakatunghay sa paraan ng pagkain niya at ang kinakain niya.
"Gusto mo?" She offered the burger she's eating right now then the fries which she dipped into the sundae.
Napangiwi naman ito sa kanya habang pinapanood siyang nilalantakan ang burger at fries. Ibang klase talaga kapag mayaman, hindi maintindihan ang trip niyang pagkain. O baka nga hindi pa nito na-try ang nilalantakan niya.
"Was that good?" tanong nito sa kanya at tumango siya. "I heard you're on review. Anong ginagawa mo rito sa mall mag-isa?" he asked and took fries then mimicked her on how she ate the fries.
"Dumudugo na ang utak ko kaya pahinga rin," sagot niya habang nginunguya ang fries. “Baka imbes na pumasa ako ay mas lalo akong walang makuha dahil nawindang na ang utak ko,” dagdag pa niya rito na ikinatango lang nito. “Masarap 'di ba?" tanong niya rito dahil nakita niyang dumampot ulit ito ng fries at isinawsaw sa sundae pagkatapos at isinubo.
"Yeah. It was good actually kaya pala enjoy na enjoy ka." Panay ang sawsaw nito ng fries sa sundae hanggang sa nangalahati na ito. "Nagutom tuloy ako sa kinakain mo." Tumayo ito at pumila para mag-order ng pagkain nito.
Sa lahat ng kaibigan ng boss niya, ito ang hindi seryoso or hindi masyadong seryoso. O sadyang itinatago lang nito ang tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng masayahing anyo nito. Lagi kasi itong nagbibiro at palangiti unlike his other friends lalong lalo na ang boss niya kasama si Stanley Monteverde. Pinaglihi ata ang mga ito sa konsumisyon kaya ganoon ang mga mukha, ni hindi man lang makangiti. But lately, umiba ang aura ni Stanley siguro ay dahil in love ito at mukhang ganoon din ang boss niya. There was also Loui Salvatore who was like Bryan na friendly at sweet pero sa loob ata ang kulo nito. Madalang din niyang makita ang dalawa pang kaibigan ng mga ito na sina Francis and Brandon na alagad daw ng batas according to them. Wala siyang masyadong alam sa dalawa dahil nabibilang lang sa daliri kung makita niya ang mga ito.
When Bryan came back to his seat, he was holding a tray na punong-puno ng laman. Kumuha rin ito ng apat pang sundae, tatlong large fries, may spaghetti rin at burgers at tatlong large coke. Ganito ba ito kagutom sa dami nang in-order nito?
"Hindi halatang gutom ka rin ‘no?" tanong niya rito.
Bryan gave a soft laugh with her joke. "Para sa'tin 'yan. Kumain ka nang marami dahil nangangayayat ka na eh keysa sa huli kitang nakita. Masyado ka bang pinapahirapan ni Rohan?" saad nito sa kanya.
"Parang hindi mo alam ang sagot." Nailing pa siya. Pagkatapos ay tiningnan ang pagkain. "Grabe ka naman. Hindi ko naman mauubos 'yan no," wika niya habang tinitingnan itong inilalagay ang pagkain sa harapan niya.
"Kaya mo 'yan. Kung hindi mo maubos i-take out mo na lang para may merienda ka kapag nag-re-review ka," nakangiti pa ring wika nito. "Kapag nakapasa ka at nasesante ka ni Rohan, huwag kang mag-alala dahil kukunin kita."
Pinandilatan niya ito. "Ipinapanalangin mo atang masesante ako, Sir Bryan." She sipped on her drink dahil bumara ata ang kinakain niya sa sinabi nito. Hindi magandang biro iyon sa kanya pero kung ito naman ang magiging boss niya, why not ‘di ba? Mabait naman ito sa kanya.
"Hindi naman malabong mangyari iyon. Kita mo nga at halos naka-twenty na itong senesante in just three days," pagkukuwento nito sa kanya at tiningnan siya sa ilalim ng mata.
Her forehead creased with his words. Twenty ang sesante? Tama ba ang narinig niya? Umatake na naman siguro ang kawalang-puso ng boss niya. Kawawa naman ang mga empleyado nitong nawalan ng trabaho. Hay! Napabuntong hininga na lamang siya at napanguso dahil dito.
"Bakit?" malungkot na tanong niya rito.
"As if you don't know how your boss' mind set," balewalang wika nito.
Kung makapagsabi naman ito ay parang ang boss lang niya ang ganoon. Same feathers flock together kaya alam niyang ganoon din ito. Nakakarinig din naman siya ng mga komento ng empleyado nito but mas mabait lang ito kung magsesante. Hindi kagaya ng boss niyang pronto ang pagsesante, ni walang second chance.
"Sus nagsalita ka naman, Sir Bryan. Ganoon ka rin naman eh," giit niya rito.
Bryan chuckled. "But I do give second chances," sabi nito sa kanya sabay subo sa kinakaing fries. "What did you do to him that he gave you a leave with pay? Hmmmm!"
Napatingin siya rito at pagkunwa'y nag-isip. Kahit nga siya hindi alam kung bakit pinayagan siya nitong mag-leave for her exam and himalang with pay pa. Akalain mong na-scam niya ang boss niya roon ng wala siyang ginagawa.
"Honest to goodness," sabi niya habang iwinawasiwas ang hawak na tinidor sa ere, "Hindi ko rin alam eh. Pero baka may chance na minulto iyon nang gabing iyon kaya medyo bumait. Minulto siguro ng ninuno ko."
Nakakalokong tumawa ito at halos mapatingin na sa kanila ang iba pang customer. Bahagya pa nitong inihampas ang mga kamay sa mesa nila. Masyado bang nakakatuwa ang sinabi niya kaya ganoon na lang ang tawa nito?
"That's was funny you know. Minulto?" Natawa na naman ito. "Baka ang multo ang matakot sa boss mo."
Natawa na rin siya sa sinabi nito. Totoo nga dahil mangingilag talaga ang mga multo sa mga iyon. Kahit siguro si Satanas matakot eh. Ganoon ito kabagsik.
"See? You agreed," wika nito sa kanya na may ngiti sa mga labi.
"Para namang hindi mo kilala 'yang kaibigan mo. Pero kahit ako nagtaka talaga. Swear! Akala ko nga sesesantahin na ako eh. Bigla akong nanginig. Lumabas pa ata iyong kaluluwa ko sa katawan ko sa takot na baka sesantihin niya ako. Tapos biglang tinanong ako kung nagagwapuhan ako sa kanya." Napailing siya. "Dapat magpabasbas na siya. Iba na ang epekto eh."
Natawa na naman ako. "I'll suggest that but I want to see him first." Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. "Pero nagtanong sa'yo kung gwapo siya?" Mapanuri rin ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Kakaiba ang kislap ng mga mata nitong nakatitig sa kanya habang naghihintay ng sagot niya.
Tumango siya. Umayos na ito nang pagkakaupo at nagsimulang kumain ulit ngunit may sumilay na kakaibang ngiti rito. Nagtaka siya sa ngiting iyon ngunit hindi na lang siya nag-usisa pa. May saltik din kasi ito gaya ng boss niya. They continued eating their food until they finished all of them. I mean all of them at walang natira para i-take out niya. Busog na busog tuloy siya dahil napasarap ang kain nila at ang kwentuhan nila.
"Hindi na ata ako makatayo sa dami nang kinain ko,"wika niya rito at tinapik-tapik pa ang tiyan.
"Me too. May pupuntahan ka pa ba?" tanong nito sa kanya.
"Wala naman na. Maglalakad-lakad na muna siguro ako."
"Okay! That’s good. Why don't you come with me then. I want to ask your opinion about something." Tumayo na ito at inalalayan siyang tumayo dahil hindi na ata niya kayang kusang tumayo mag-isa dahil sa kabusugan. "Shall we?"
"Ano ba ‘yon? At saan ang ganap?" tanong niya rito at tumayo na rin.
They went out of the fast food chain then walked together and stopped in front of a jewelry shop, a famous one. May dalawang guwardiya sa labas na nakatayo at may isa sa loob nito. Bantay-sarado talaga ito. Siyempre milyon-milyon ang halaga ng nasa loob. Sumunod siya rito nang pumasok ito sa loob.
"Good morning, Sir! Anything you need?" tanong ng sales lady rito.
"I want to buy my girl a ring," pormal na wika nito sa sales lady. The lady motioned them and showed them the rings. Namangha siya sa ganda ng mga ito. There’s no doubt that this was a famous and well-guarded jewelry store.
“Is it for her, Sir?" tanong nito sa lalaki.
"Yeah." Sinenyasan siya ni Bryan na lumapit at inakbayan siya nito. "Sumakay ka na lang," bulong nito sa kanya.
If others will see that, aakalain ng mga ito na ang sweet nito sa kanya.
"Para kanino ba kasi?" ganting bulong niya rito.
"Just for someone. You have the same built," bulong na naman nito sa kanya.
She looked at the rings, they are all beautiful. Ipinasukat din sa kanya ang iba hanggang sa may napili siyang simple ngunit eleganteng tingnan. She pointed it to Bryan na agad naman nitong nagustuhan. He gave his card to the lady and they waited.
"Tama nga talaga na ikaw ang dinala ko rito. I'm sure she'll love it. At dahil doon, ililibre kita ng kahit na anong gusto mo." Inakbayan siya nito bago nito inabot ang binili.
"Kahit hindi na. Pero hindi ko tatanggihan. Tara may gusto akong kainin," wika niya and they left the shop happily chitchatting like a real couple.
"Baka may makakita at pagkamalan akong girlfriend mo?"
"Nah! That's fine. Girlfriend material ka naman! 'Di ba, girlfriend?"