Kahit puyat kagabi dahil sa pag-re-review niya ay maaga pa ring pumasok ng opisina si Joyce. Gusto sana niyang matulog na lamang ngunit nangibabaw ang pag-aalala niya sa darating niyang exam. Ilang araw na lamang kasi iyon kung kaya’t pinilit niya ang sariling makapag-review kahit ilang oras lamang. Hinilot niya ang sentido dahil pumipintig ito sa kakulangan ng tulog. She slept almost three in the morning and woke up at five in the morning. That’s less than two hours of sleep was making her floats in the air. Nakakabangag talaga at gustong-gusto niyang matulog ngunit kailangan niyang pumasok sa trabaho. Kung kaya’t pinilit niya ang sariling mag-ayos para sa pagpasok sa opisina.
She smiled at the guard when she entered the premises of the building.
"Kulang ka na naman ng tulog, Joyce?" the guard asked her even though he knew that it was very obvious in just the mere look of her face.
"Naglamay na naman ako, Manong. Sakit ng ulo ko," nakangiting sagot niya.
"Aba'y nag-absent ka na lang sana," suhestiyon nito sa kanya.
"Manong naman! Gusto mo ba akong masesante? Wala ka nang makikitang maganda tuwing umaga kapag nangyari 'yun," nakangiting sagot niya rito.
Natawa lang ang sekyu dahil sa sinabi niya. Pero alam nitong tama ang sinasabi niya. Isang absent lang niya siguradong wala na siyang trabaho kinaumagahan. Kaya nga kahit gusto niyang humilata sa kama buong maghapon ay hindi niya magawa dahil doon. Her work served as her freedom. When morning came, she forced herself to walk out the room even when her bed was inviting her and convincing her to stay there all day. Laking pagpipigil niya na bumalik sa kama niya kanina.
Diniretso siya sa desk niya at inilapag ang bag sa table and went immediately to the pantry to have her coffee. Ilang kape na naman kaya ang malalaklak niya buong maghapon just to stay awake. Baka sa ospital na ang bagsak niya kapag nagkataon. Pero sana naman ay hindi iyon mangyari dahil kailangan pa niyang magtrabaho at mag-review. Hindi pa siya nakakailang hakbang mula sa desk niya nang tumunog ang intercom at nagsalita ang boss niya.
"Coffee, Salazar. Make it two," sabi nito. Mukhang dito ito natulog kagabi at may dinalang babae.
Himala atang may dinalang chick 'yun sa opisina. His office was sacred for him. Tanging siya at mga kaibigan lang nitong kadalasang sira ulo minsan hindi ang pinapayagan nitong pumasok doon aside of course, sa mga empleyado nitong pinapatawag, binubulyawan at sinesesante. In love na ata ang boss niya ngayon. Maganda iyon. Mabuti naman at mabawasan ang kademonyuhan nito nang kaunti. Kahit kaunti ay ayos lang iyon para ma-relax naman sila nang kaunti.
She went quickly to the pantry and made two coffees for her boss and for someone with him. Mamaya na lang siya babalik para magkape. Anyway, gising na gising na ang diwa niya dahil sa utos na iyon ng boss niya. She doesn't want to hear his homily early in the morning for she's having a tremendous headache and she doesn't want it to get even worse just because of his coffee.
"Here's your coffee, boss. May kasama na ring cookies na matamis," she said smiling while putting down the tray on his table.
She looked at her boss and noticed his unruly hair and crumpled clothes. Nakapikit din ito kaya naman malaya niyang napagmasdan ang mukha nito. Ang gwapo talaga ng boss niya, no wonder marami itong nabibingwit na mga babae at pinapaiyak. Well he's like a Greek god who went down from Mount Olympus at naghahasik ng lagim dito sa mundo. Iyon nga lang, malademonyo ang ugali nito. Napailing siya habang nakatitig sa gwapo niyang boss.
"Are you done eye rapping me, Salazar?" Nagulat siya dahil hindi niya namalayan na nakamulat na pala ito at nakatingin sa kanya. There’s this smirk on his face that she wanted to wipe.
She cleared her throat. "Eye rapping? Grabe ka naman, boss. Nanaginip ka pa ata,” wika niya rito na kinaseryoso ng mukha nito. “Boss, naligo na ba kayo?" tanong niya rito. She readied herself para sa bulyaw nito but she didn't hear anything like that instead he laughed so d*mn hard. Halos maluha na rin ito sa tawa.
"Hindi na ba ako gwapo sa paningin mo dahil hindi ako naligo?" tanong nito sa kanya.
Himala ata. Hindi siya nakarinig nang bulyaw mula rito. Minulto ba ito kagabi? Namaligno? Nasapian? Ah baka in-love na nga ito. Sino nga ba ang kasama nito kagabi at nang mapasalamatan niya. Ibang klase ang epekto nito sa boss niya ngayon. Nagpapalit na ng anyo.
Pilit ang ngiting ibinigay niya rito para malaman nitong hindi siya komportable sa tanong nito. Although she can give an honest answer, but she worries about his reaction. Pero mukhang okay naman ang umaga nito kaya susulitin na nga lang. Once in a blue moon lang itong pagkakataong ito.
"Boss, alam niyo naman siguro ang sagot d'yan 'di ba?" alanganin niyang sagot rito. Mabuti na 'yung safe ang sagot niya. Baka mabulilyaso pa ang kinabukasan niya kapag nagmintis ang sagot niya rito.
"I wanna hear it from you." He leaned on the backrest of his chair and looked at her intensely, teasingly.
"Mukha pa naman kayong tao, Boss," sagot niya rito. Anong sagot ba ang gusto nitong malaman? Iyong ikakatuwa nito o iyong ikakasesante niya?
He chuckled. "So you mean to say hindi ako tao kung minsan?" Okay pa naman ang tono ng pananalita nito kaya safe pa siya.
Napabuntong-hininga siya at matamang tiningnan ang boss niyang naghihintay ng sagot niya. Tatapatin na nga lang niya ito. Bahala na kung ano ang isipin nito. He wanted an honest answer so she will give it to him.
"Boss, hindi niyo naman siguro ako pinatawag para tanungin 'yung itsura niyo 'di ba? If you want an honest answer then 'wag mo akong bubulyawan, okay? At ‘wag mo rin akong sesesantehin," litaniya niya sa boss na matamang nakikinig sa kanya habang humihigop ng kape. "Gwapo po kayo, Boss. No doubt about that. Maligo man kayo o hindi ay gwapo pa rin kayo. Alam niyo naman siguro kung gaano kahaba ang listahan ninyo ng mga babae ‘di ba? Maging ang mga nagkakagusto sa inyo mapababae o binabae man. But you already knew about your reputation, isn't it? You know the Rohan de Devil? So that's it."
Her boss just stared at her analyzing what she just said. He never took his gaze away from her face and just nodded. Mukhang na-gets naman nito ang nais niyang sabihin at thank goodness dahil kalmado pa rin naman ito. Walang buntot o sungay ang unti-unting lumalabas mula rito.
"Yeah! I'm aware of it. Don't worry about it. It's nothing. I'm used to it. Totoo naman and I am not denying it," balewalang sabi nito sa kanya. Muli itong humigop ng kape. Naglaway tuloy siya lalo't hindi pa siya nakakapagkape. Swabeng swabe kasi ang pagkakahigop nito ng kape.
"So may kailangan ka pa, Boss?" tanong niya rito para makaalis na siya at nang makakape na siya ng hindi kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya.
"Oh! Take a seat." Turo nito sa upuan sa harap ng table nito. Ano ba ang gusto nito? Kapeng-kape na siya. "Take that one." Turo nito sa isang kapeng dinala niya.
Itinuro niya ang kape at ang sarili. Tumango naman ito sa kanya. Weird talaga nito ngayon. Hindi naman siya nag-inarte dahil kapeng-kape na talaga siya. She took the cup of coffee and put it straight on her lips. Nakapikit pa siya nang malasahan ang sarap ng kape. This is heaven! This is life!
Nang idilat niya ang mga mata ay nakita niyang nakatitig ang gwapong boss sa kanya. She can see his Adam's apple goes up and down. Mabilis niyang ibinaba ang tasa ng kape. Anong nangyari rito? Nag-e-evolve na bai to?
He cleared his throat and sit straight. Sumeryoso ang mukha nito. Pat*y na! "So, you always go home late because of the stuff I am asking you to do?" tanong nito sa kanya. She nodded. ‘Wag naman sana siyang masesante! "And you're reviewing for the exam?" She nodded again. "So when will it be? The exam?"
"This Sunday, Boss," tipid niyang sagot sa tanong nito.
Natahimik ito at mukhang nag-iisip. He's tapping his fingers on the table thinking what he will say to her. Matagal din siyang naghintay kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Kaya habang naghihintay rito ay panay higop niya ng kape habang mainit-init pa ito.
"I'll you give time to review for it so don't come to the office. Just be back here on Monday," sabi nito sa kanya pagkaraan ng ilang sandalling paghihintay.
Muntik na niyang maibuga ang kapeng iniinom dahil sa narinig. Ibinaba niya ang tasa ng kape at pinunasan ang kapeng tumapon sa bibig at baba niya. But to her shocked, her boss leaned forward and wiped the spilled coffee with his own hand. His thumb caressed her lower lip. Nanlalaki ang matang nakatingin siya rito. Biglang uminit ang buong opisina nito kahit fully airconditioned ito. Ipinaypay tuloy niya ang mga kamay sa sarili.
Her boss chuckled with her reaction. Dali-dali siyang tumayo at lumabas ng opisina nito. That was so intense that she forgot how to breathe anymore. Her heart wildly beat inside her chest. Napahawak siya sa mga labi. His touch was still there. She can still feel it. Pinaypayan niya ang sarili gamit ang sariling kamay. Ano bang nangyayari sa boss niya? Namaligno ba ito kagabi kaya ganoon ang asta nito?
Hindi pa siya kumakalma ay narinig na niya ang tawag nito sa intercom asking her to come back inside his office. She forcefully calmed herself and went inside it. Prenteng nakaupo lang ito sa swivel chair niya while looking at her.
"So?" untag nito sa kanya.
"Seryoso kayo, Boss?" tanong niya. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa sinabi nito. Baka pinaglalaruan lamang siya nito at ang totoo ay sesante na siya.
"Of course," he said while touching his lower lip with his thumb. She thought it was so sexy.
"Hindi niyo ako sinesesante?" kinakabahang tanong niya.
"I'm giving you a leave, a break and I'm not firing you," he said firmly.
Nag-isip niya. Pagnag-leave siya sayang iyong sasahurin niya. Pandagdag na rin iyon sa budget niya. Pero mukhang na-gets ata nito ang nasa isip niya.
"That's with pay, Salazar," sabi nito.
Wow! Natuwa siya. "Really, Boss?" Tumango nito. She widely smiled at him.
"So pwede na akong mag-leave ngayon? Wala pa akong tulog eh," sabi niya. Talagang tumawad pa siya sa boss. Hey! Susulitin na niya na mabait ito ngayon. Minsan lang 'to mangyari.
"I'll call Maureen then give her my schedule and things I need habang wala ka. After that you may leave," sagot nito sa kanya.
"Yes, Boss. Thank you. Sisiguraduhin kong papasa ako para hindi ka ma-disappoint." With that she took one cup of coffee then went outside. Binilisan na niya para makauwi na siya. She missed her bed already.
---
"Anong nakain mo at pinag-leave mo iyong secretarya mo?" tanong sa kanya ni Maureen nang lumabas siya mula sa kwartong nakakonekta sa opisina niya. She was sitting on the sofa just beside his table. Nakataas ang paa nito sa maliit na lamesa. Mukhang narinig nito ang lahat ng usapan nila ng sekretarya niya at ngayon ay nililinaw nito ang mga bagay-bagay tungkol sa narinig.
He just shrugged his shoulders then went to sit on his chair.
"What do you think?" he asked her while smirking. His mind was playing.
"Spare her, Rohan," babala nito sa kanya. "She's too innocent for you." Seryoso ang mukha ni Maureen.
"I'm not doing anything to her, Mau." Seryoso rin ang mukha niyang nakatingin sa kinakapatid.
"Siguraduhin mo lang dahil ako ang makakalaban mo," sagot nito sa kanya pagkatapos ay lumabas.
He let his wide smile off his face.
"Let's see if she's too innocent for me."