SANDALING ITINIGIL ni Summer ang pagkukulay sa natitirang dahon ng malaking punongkahoy na nasa gitna ng burol nang maramdaman niya ang matiim na titig sa kaniya ni Mark Anthony. Nasa likod ito ng canvas niya para itago ang ginagawa niya at siya naman ay nakasalampak sa blanket na nakalatag sa buhanginan. Balak ng dalaga na ipakita rito ang obra niya kapag tapos na. “Kanina mo pa ako tinititigan. Hindi kaya… matunaw na ako niyan?” biro niya rito pagkatapos niyang sumulyap sa gawi nito. Nakapagtataka na pagkatapos nitong magtapat ng pag-ibig at hinalikan siya uli kanina, hindi na siya nakaramdam ng pagkailang. Naging at ease na uli si Summer sa presensiya nito. Gayon man, aminado ang dalaga na pagkatapos ipaalam ni Mark Anthony ang nararamdaman nito sa kaniya, may mga ngiti sa kaniyang m