Chapter 10

1509 Words

HALOS walang imikan sina Summer at Mark Anthony nang dumating sila sa isla pagkatapos siya nitong halikan kanina. Hindi naman nagtagal ang halik na iyon. Parang dumampi lang talaga sa mga labi niya ang mga labi nito para alamin kung gaano kasarap ang mga iyon. Ngunit hanggang ngayon ay hindi iyon mawala-wala sa isip niya. Hindi nga niya alam kung ilang beses siyang napahawak sa mga labi niya. Hindi naman iyon ang first kiss ni Summer. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya makalimutan ang maiinit at malalambot na mga labi ng binata. “We’re here,” mayamaya ay narinig niyang wika ni Mark Anthony sa tabi niya, kasabay ng pagtigil ng yacht. Tumikhim muna si Summer para hindi nito mahalata ang panginginig ng boses niya dulot ng halik na iyon. “H-hindi naman pala gano’n kalayo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD