Chapter 12

1700 Words

SIMULA nang magtapat si Mark Anthony kay Summer tungkol sa nararamdaman nito para sa kaniya, nag-umpisa na rin ito na ligawan siya nang pormal. Nagpaalam pa talaga ito kina Tita Aurora at Lola Margaret. Mas napadalas na rin ang pagsasama nilang dalawa. Halos araw-araw yata siyang ipinapasyal nito o kaya ay dumadalaw ito sa bahay nila. Minsan naman, isinasama siya ng binata sa bahay nito para mag-bonding naman sila na kasama si Mia. “Alam mo naman ‘yon, Sir Mark, na boto kami sa’yo para dito kay Summer. Basta ang palagi naming paalala sa’yo, sana huwag kang magbago sa kaniya,” pormal na wika ni Lola Margaret kay Mark Anthony nang dalawin siya nito isang gabi. Mahigit isang buwan na rin itong nanliligaw sa kaniya. “Napakabait ng apo kong ito pero niloko pa rin siya ng mga naging nobyo niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD