“CONGRATULATIONS, hon! I told you; you can do it,” masayang bati ni Mark Anthony kay Summer pagkatapos ng awarding sa Art Fair na sinalihan nila at humakot siya ng awards. Halatang proud na proud nga ito dahil isinuot pa nito lahat ng awards na natanggap ni Summer. Ito rin ang kasa-kasama niya, bukod kina Tita Aurora, Lola Margaret, at Mia, sa bawat pag-akyat niya stage para tumanggap ng award. Kahit ang dalaga ay hindi rin makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Tila sunod-sunod ang suwerte na pumapasok. Bago pa man ang Art Fair, napakasaya na niya dahil sa naging resulta ng pagsusuri ni Dr. Valdez sa kalagayan niya. Binigyan siya nito ng pag-asa nang sabihing malaki raw ang chance na makakalakad siyang muli. Katulad nga ng sinabi ni Mark Anthony, isa sa pinakamagaling na Ph