Chapter 26

2012 Words

“I’M so sorry, sweetheart.” Muling naputol ang pagdaloy ng alaala ni Summer nang marinig ang pagpiyok ng boses ng ama. “Kung naging mabuting ama lang sana ako sa’yo… At kung naging matapang lang sana ako noon na aminin sa’yo ang lahat ng ito habang nasa New York pa tayo. Natakot kasi ako na madagdagan ang mga kasalanan ko sa’yo at hindi mo na talaga ako mapatawad. Napakalaki ng pagkukulang ko sa’yo, Summer. At alam ko na hindi sapat na kabayaran itong nangyayari sa’kin ngayon…” punong-puno ng pagsisising sambit pa nito. Lalo pang lumakas ang hagulhol nito. Hindi na nito naalalang nasa labas sila ng airport ng mga sandaling iyon. At ganoon din si Summer. Nakalimutan niya na maraming tao pala ang nakapaligid sa kanila at hindi na niya napigilan ang pagsiklab ng galit sa puso niya. Nawala ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD