Present Time… “SWEETHEART…” Napakurap-kurap at naputol ang pagbabalik-tanaw ni Summer nang maramdaman niya ang mahigpit na hawak sa kaniya ng ama. “Nang malaman ko noon na bumalik na ang paningin mo at ikakasal ka na kay Mark Anthony, agad akong nag-message sa’yo para gumawa ng kasinungalingan. Dahil ayokong ikasal ka at maging masaya…” Muling nabasag ang boses nito. “P-pero ang totoo, hindi si Mark Anthony ang nakabunggo sa’yo noon kundi ang kakambal niya. Wala siyang alam sa ginawa na iyon ng kapatid niya dahil matagal na silang walang komunikasyon. Kaya hindi rin totoo ang sinabi ko sa’yo noon na sinadya niyang mapalapit sa’yo dahil nakonsensiya siya…” Pakiramdam ni Summer ay binuhusan siya ng malamig na tubig pagkatapos niyang marinig lahat ng sinabi ng ama. Gayon man ay ayaw pa rin