“SUMMER?” gulat na mukha ni Tita Aurora ang bumungad sa kaniya nang dumating siya sa bahay ng mga ito, mahigit isang buwan pagkatapos mamatay ng kaniyang ama. Hinintay muna niyang matapos ang ika-forty-five days nito bago siya nagdesisyon na puntahan si Mark Anthony para subukang kausapin ito. Unang pumunta si Summer sa bahay nito sa Manila pero wala roon ang dating nobyo. Ayaw namang magsalita ng mga katiwala at mahigpit daw na ibinilin ng amo. Hindi rin niya matiyempuhan si Mark Anthony sa opisina nito dahil ayon sa sekretarya nito, pumupunta lang daw ito roon kapag may mahalagang meeting o kapag may dapat na asikasuhin. Kaya ang unang naisip ng dalaga ay baka sa Batanes pa rin nakatira ang dating kasintahan. Simula kasi nang hilingin sa kaniya ng daddy niya ang kundisyon na iyon para