HINDI akalain ni Summer na magiging mainit din ang pagtanggap sa kaniya ng mga empleyado ni Mark Anthony sa Manila. Lalo na at ipinakilala siya nito na babaeng nililigawan daw. Biniro pa nga siya ng karamihan na baka siya na raw ang future Mrs. Yap. Habang nasa meeting si Mark Anthony ay pinili ng dalaga na magpaiwan sa penthouse nito. Hindi naman siya nabagot dahil may dala naman siyang art materials at iyon ang pinagkaabalahan niya. Ang ikinalungkot lang ni Summer ay nang malaman niya kay Rhaine na nasa Saipan pala ito, kasama ang daddy nila, nagbabakasyon daw. Dapat masaktan siya dahil nakapagbakasyon ang mga ito sa ibang bansa. Pero siya na nasa Batanes lang ay hindi pa nagawang dalawin. Sanay na kasi siya. Siguradong kagustuhan iyon ng ama nila. Napangiti siya nang matapos n