NANG lumapat ang likod ni Summer sa malambot na sofa at magkaugnay pa rin ang mga labi nila ni Mark Anthony, may kung anong init na naman ang nabuhay sa katawan niya. Hindi na siya nakapiglas dahil unti-unti na siyang nawalan ng lakas. Shock and confusion overwhelmed her. Hindi niya alam ang gagawin dahil kung ikukumpara sa mga naunang halik noon ng binata, mas matagal at mas mainit itong ngayon. Hanggang sa natagpuan na lamang ni Summer ang kaniyang sarili na tumutugon sa banayad na paghalik nito sa kaniya. A strange, intense heat gradually spread through her. Kusang yumapos ang mga braso niya sa batok nito. Sa lahat ng halik na natikman na niya, itong mga halik ni Mark Anthony ang pinakamasarap, ang kakaiba. Ang hindi mabura-bura sa isipan niya! Kakaiba dahil hindi pa naman niya ito no