Chapter 18

1336 Words

DAHIL pagod na silang lahat kaya nagdesisyon sina Summer at Mark Anthony na bukas na lang uuwi ng Batanes. Sa mansiyon nito sa Manila sila tumuloy, kasama si Mia at ang Tita Aurora at Lola Margaret niya. “Ang dami-dami mo namang bahay. Tapos may penthouse at mga condo ka pa,” pansin ni Summer nang maihatid siya ng nobyo sa magiging silid niya ng gabing iyon. “Eh, wala ka pa namang asawa’t mga anak na ititira.” Yumakap si Mark Anthony sa baywang niya mula sa likuran at saka hinalik-halikan ang balikat niya. “Ang tagal-tagal mo kasing dumating, hon. Ang dami ko ng naipatayo na tirahan natin. Hindi bale, kapag naikasal na tayo, pupunuin natin ng mga anak natin lahat ng ito.” Nilingon ni Summer ang nobyo at bahagyang tinaasan ng kilay. “Bakit feeling ko, gagawin mo akong paanakan kung maka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD