“NAKU, wala iyon, iho. Naipangako naman talaga namin ni Inang na ipakilala si Summer kay Mia sa oras na dumating,” magiliw na paliwanag ni Tita Aurora kay Mark Anthony pagkatapos niyang humingi ng dispensa.
“Ang totoo ho niyan, kahapon pa nga gustong pumunta rito ni Mia.” Napahawak na lang siya sa batok niya nang mapagtanto na masiyado nga naman silang maaga.
Bakit nga ba hindi na siya nakaangal nang yayain siya ng kapatid kahit halos kagigising lang nila? Dahil ba hindi na rin siya makapaghintay na makilala ang pamangkin ni Tita Aurora?
Napasulyap si Mark Anthony sa babaeng nakaupo sa wheelchair. Walang duda na ito na nga ang nakita niya kagabi. At ngayon pa lang, sigurado na rin siya na isa itong bulag dahil base na rin sa reaksiyon nito. Ngunit sa halip na makaramdam na naman ng awa, isang matamis na ngiti ang hindi napigilan ng binata na gumuhit sa kaniyang mga labi.
Because he was also right last night.
This woman is incredibly gorgeous, especially up close. Napakaamo ng mukha nito. Kahit blangko ang reaksiyon ng mga mata, hindi iyon nakabawas para malunod siya sa itim na itim nitong mga mata. Bagay na bagay ang perpektong hugis ng mga kilay sa matangos nitong ilong. At ang mga labi nito na hindi naalis sa isip niya simula nang masilayan niya kagabi…
Mark Anthony took a deep breath before he can even salivate while gazing at that specific spot on her face. At nang humayon ang kaniyang tingin sa buhok nito, napatunayan niya na sobrang itim nga niyon at napakakintab. Parang ang sarap haplusin hanggang sa maramdaman nito na hindi nakabawas ang pagkawala ng paningin nito para manatiling ‘dyosa’ sa paningin ni Mark Anthony.
“Mayat ya daw!” Hello!
Saka lang napakurap-kurap si Mark Anthony nang marinig niya ang pagbati na iyon ni Mia at kumaway pa sa babaeng kanina pa niya hindi mapigilang titigan. Todo-ngiti pa ang kapatid. Mukhang wala itong ideya sa kapansanan ng babaeng kahapon pa gustong makita.
Kahit sina Tita Aurora at Lola Margaret ay napangiti dahil nakita ng mga ito na hindi na makapaghintay si Mia na makilala ang babae.
“Halika, ipapakilala kita sa pamangkin ko.” Hinawakan ni Tita Aurora ang kamay ng kapatid ni Mark Anthony at dinala sa harapan ng babae. “Mia, siya nga pala ang Ate Summer mo. Ang pinakamaganda sa lahat ng pamangkin ko na galing Manila at madalas kong ikuwento sa’yo.”
Nangislap naman sa tuwa ang mga mata ni Mia habang todo-kaway sa babae na ‘Summer’ nga talaga ang pangalan. Sa halip na sawayin ang kapatid, na-amuse pa si Mark Anthony nang bigla nitong niyakap ang pamangkin ni Tita Aurora. Likas naman talaga na friendly ang kapatid niya. Pero ngayon lang niya nakita ang saya na nakaguhit sa mukha nito habang yakap ang bagong kakilala. “Hello po, Ate Summer. I’m so happy to finally meet you.”
Muntik na namang mapatulala si Mark Anthony nang makita niya na gumanti ng mas matamis na ngiti si Summer sa kapatid niya. She's even more lovely when she smiles.
“Summer, hija. Ito nga pala si Mia na sinasabi ko sa’yo kanina na kapitbahay natin,” pakilala rin ni Tita Aurora sa kapatid niya. Hinawakan nito ang kamay ni Summer at marahang dinala sa mukha ni Mia. “Her dark brown skin is deeply toned and stunning. Matangos ang ilong niya at napakaitim din ng mga mata niya. At ‘yong buhok niya, katulad din ng buhok mo na mahaba, bagsak at itim na itim. Eight years old lang siya pero matangkad at malaking bata kaysa karaniwan,” magiliw na paglalarawan ni Tita Aurora kay Mia habang marahang hinahaplos ni Summer ang mukha ng kapatid ni Mak Anthony para siguro mas makilala nito kahit hindi nakikita.
Nagtataka naman na napatingin si Mia kay Tita Aurora. “"Is Ate Summer blind, Tita?”
Magiliw pa rin na tumango ang kausap.
Habang lumapad naman ang napakagandang ngiti sa mga labi ni Summer. “Hi, Mia. It's a pleasure to meet you. Tama nga si Tita Aurora. You’re so beautiful.”
Napalitan ng ngiti ang kanina’y naguguluhan na reaksiyon ng kapatid ni Mark Anthony nang marinig ang sinabi ni Summer. Kita sa mukha nito na tila na-amaze. Mabuti na lang at bulag din ang lolo nito sa father’s side kaya medyo sanay nang makipag-usap sa mga katulad ni Summer. “Ikaw din po, Ate Summer. Sobrang ganda mo rin po. Can I touch your face? Para po kasi kayong anghel.” Bago pa man mapigilan ni Mark Anthony ang kapatid ay tumango na si Summer at hinaplos na nga ni Mia ang pisngi nito. “Ang lambot-lambot po ng skin n’yo, Ate Summer!”
Lahat sila ay naaliw sa reaksiyon ni Mia. Pero si Mark Anthony, lalo siyang nakaramdam ng kakaiba sa puso niya habang pinapanood niya ang kapatid na aliw na aliw kay Summer. Magkapatid nga sila at maraming pagkakatulad.
“Thank you, Mia. Pero mas malambot ang skin mo. At napakaganda ng boses mo.”
Napahagikhik si Mia bago nito hinila ang kamay ni Mark Anthony at dinala sa harapan ng dalaga. At nauna na itong ipakilala siya. Nakangiti naman na tumango lang ang mag-inang Tita Aurora at Lola Margaret na para bang sinasabing hayaan na si Mia.
“Kasama ko nga rin po pala ang Kuya ko, Ate Summer. Si Kuya Mark Anthony po.” Ginaya nito ang pagpapakilala na ginawa ni Tita Aurora kanina. “Puwede n’yo po ba siyang hawakan para mas makilala n’yo po siya?”
Napansin ng binata ang bahagyang paggalaw ng ulo ni Summer na para bang tumingin sa gawi niya. At kahit hindi man siya nakikita, napalunok siya nang magsalubong ang mga mata nilang dalawa. At his age, ngayon lang siya kinilig sa simpleng pakikipagtitigan sa isang babae. At sa isang bulag pa.
Napapitlag siya nang maramdaman ang mainit at malambot na palad na dumampi sa kanang pisngi niya. Saka lang niya napagtanto na pumayag na pala si Summer sa hiniling ni Mia. Hindi agad nakakilos si Mark Anthony. Nanatili lang siyang gulat na nakatitig napakagandang mukha ni Summer habang hinahaplos nito ang pisngi niya at inilalarawan siya ni Mia.
“Unlike po ng skin ko, maputi po si Kuya Mark, Ate Summer. Pero magkatulad po kami ng ilong, matangos. Almond-shaped nga lang po ang eyes niya kasi half Chinese siya, eh. Matangkad po siya at strong build. Maiksi po ang black hair niya kaya lalo siyang naging charming at guwapo.”
“Ikaw talaga, baby sis,” nahihiyang saway ni Mark Anthony sa kapatid. “Baka naman maniwala niyan sa’yo si Summer.”
“Totoo naman po talaga na charming at guwapo ka, Kuya Mark.” Humingi pa ito ng suporta sa mag-ina. “’Di ba po, Lola Margaret, Tita Aurora?”
“Oo naman! At napakabait pa!”
“Sa tingin ko, napaka-charming at napakaguwapo nga ng kapatid mo, Mia.”
Aminado si Mark Anthony na uminit ang buong mukha niya nang sang-ayunan ni Summer ang mga sinabi ng kapatid niya at ng tiyahin at lola nito. Marami naman talaga ang nagsasabi na charming at guwapo nga raw siya. Hindi basta-bastang mga babae pa.
Pero bakit noon lang siya kinilig?
Tila wala sa loob na napahawak ang binata sa kaniyang dibdib. Kay bilis ng t***k ng puso niya na noon lang din niya naramdaman. Bakit ba ganoon na lang ang epekto sa kaniya ni Summer? Dahil ba sa lihim na pangako niya sa kaniyang sarili bago natulog kagabi?
Na aalagaan niya ito?
“Kuya Mark, ano naman po ang masasabi n’yo kay Ate Summer?” untag sa kaniya ni Mia.
Parang natatauhan na napakisap-kisap siya bago matiim na tinitigan ang dalagang may kapansanan man pero ngayon pa lang, damang-dama na niya ang kabutihang loob. “She’s pretty. Really pretty.”