“SHE’S pretty. Really pretty.”
Parang musika na paulit-ulit na nag-replay sa isip ni Summer ang sinabi na iyon ni Mark Anthony. Ramdam niya na uminit ang magkabilang pisngi niya. Marami na siyang nakilalang lalaki na may baritonong boses din. Ngunit kakaiba sa pandinig niya ang boses ng lalaking kaharap. May hatid iyon na kakaiba sa puso niya. Sigurado rin ang dalaga na may taglay itong kaguwapuhan na hindi pa niya nakikita sa ibang lalaki. Totoo na sumang-ayon siya sa sinabi ni Mia kanina na charming at guwapo ang kuya nito. She felt it earlier while touching his face.
Kapagkuwan ay pasimpleng ibinaba ni Summer ang kamay nang mapagtanto niyang nakasapo pa rin iyon sa pisngi ng binata. Saka siya tumingin sa direksiyon ng mukha nito, para lang matigilan nang maramdaman niya ang pagtitig nito sa kaniya ng mga sandaling iyon. Gustong kumunot ng noo ng dalaga. Kung hindi siya nagkakamali, kanina pa niya naramdaman ang matiim na titig nito sa kaniya. Baka nga kagabi pa, eh.
Bakit kaya? Napapangitan ba siya sa’kin dahil bulag ako? O naaawa siya sa’kin?
“Welcome dito sa Batanes, Summer. Sana magustuhan mo itong lugar. Bukod sa world-class-white-sand, this place also known for crystal clear waters, and stunning rock formations,” ani Mark Anthony at naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya.
Para siyang napaso nang maramdaman niya ang malambot nitong palad ngunit hindi naman niya nagawang bawiin ang kamay. Nang makahuma ay saka lang ngumiti si Summer sa lalaking kausap. “Thank you, Mark. Actually, ilang beses na rin akong nakapunta rito noong nakakakita pa ako. And you’re right, this place is breathtaking. Nakakatuwa na sa wakas, nakaharap ko rin ang may-ari ng pinakamagandang beach dito sa Batanes.”
“Totoo ang sinabi ni Summer, hijo,” narinig ng dalaga na sabat ni Tita Aurora. “Dito talaga sa Batanes ang paboritong bakasyunan nilang magkapatid. Nandito nga rin sila last December. Pero hindi na kayo nagkita kasi nasa Hawaii kayo no’n at nagbabakasyon.”
“Kaya ho pala…” sagot naman ni Mark Anthony.
Tila gustong magsalubong ng mga kilay ni Summer. Bakit parang may naramdaman siyang panghihinayang sa boses nito?
“Kung hindi ho pala kami nagbakasyon that time, matagal na tayong nag-meet, Ate Summer,” may panghihinayang din na singit Mia. “One year pa lang po pala simula nang lumipat kami rito sa Batanes.”
Sa isip-isip ni Summer, kaya rin pala ngayon lang niya nakilala ang magkapatid. Oo, dati nang naikukuwento sa kaniya nina Tita Aurora at Lola Margaret na mayamang binata nga raw ang may-ari ng resort na katabi ng lupain ng mga ito. Ngunit hindi naman niya akalain na guwapo rin pala at mukhang mabait.
“Alam n’yo ba na mahilig mamasyal dito noon ang apo kong ‘yan,” hindi nakatiis na pagmamalaki naman sa kaniya ni Lola Margaret. “Mahilig iyan sa nature kasi mahilig iyang mag-pinta. Isa ‘yan sa pinakamagaling na painter dahil nagmana iyan sa kaniyang ina at lolo.”
Nahihiya na ngumiti si Summer at lumingon sa gawi ng abuela. “Mahilig lang ho akong mag-paint, Lola. Pero walang-wala ho ako kina Lolo at Mommy na parehong sikat noong panahon nila.”
“Maaaring hindi mo pa lang panahon ngayon, hija. Naniniwala ako na darating ang araw para sa’yo” Naramdaman niya na nginitian siya ni Lola Margaret. “Gayon man, hindi niyon mababago ang katotohanan na isa kang mahusay na artist.”
Sa kabila ng mga taong nakapaligid sa kaniya, hindi napigilan ni Summer ang pagguhit ng lungkot sa kaniyang mukha. “I don’t think so, Lola. I mean, hindi na ho ako umaasa na maging katulad ako nina Lolo at Mommy balang araw. Lalo na ngayon… Dahil paano ko pa maipipinta ang mga bagay na gusto kong iguhit kung wala naman akong nakikita? Kahit ang pamamasyal dito sa Batanes, imposibleng magawa ko pa.” Napasigok ang dalaga nang makaramdam siya frustration.
Lately, kahit gaano man niya pinapatatag ang sarili, dumadating talaga siya sa punto na nagse-self-pity siya. She felt hopeless. Nang umalis siya sa Manila kahapon, tila doon na rin unti-unting gumuho ang lahat ng magagandang pangarap ni Summer. Lalo na ang pag-asa na muling magpapakita o kahit magparamdam man lang ang nobyo niya. She tried contacting him once more before leaving for Batanes. But he was already out of contact.
“Hindi naman porke’t hindi na nakakakita, hindi na puwedeng magpinta, ‘di ba?”
Nag-angat ng mukha si Summer nang magsalita si Mark Anthony. Naramdaman niya na nagtama ang mga tingin nilang dalawa. At hindi niya iyon napaghandaan. Her heart skipped a beat.
Ano ba itong nangyayari sa kaniya?
Napakurap-kurap ang dalaga nang masiguro niyang nakatitig pa rin sa kaniya ang binata. Nag-alala siya na baka mabasa nito ang reaksiyon niya o kaya ay marinig nito ang malakas na t***k ng puso niya. Hanggang sa maramdaman niya ang pagngiti nito at noon lang niya na-realize na hawak-hawak pa rin pala ni Mark Anthony ang kamay niya.
“Maraming notable blind artist tulad ng Turkish painter na si Esref Armagan, si John Bramblitt na isa namang American, ang British na si Sargy Mann, at si Pedro Bakker na isang Dutch. Actually, marami pa sila…” dagdag pa nito habang pinipisil ang palad niya na para bang pinapalakas ang loob niya. “And I’m sure na kayang-kaya mo ring gawin ang mga nagawa nila. Lalo na ngayon na marami ng alternative technique at tools na puwede mong gamitin.”
Sa wakas ay muling napangiti si Summer. First meeting pa lang nila ni Mark Anthony ngunit ramdam na agad ng dalaga ang malaking tiwala nito sa kaniya. “Kung magsalita ka, akala mo naman kilala mo na ako. Ni hindi mo pa nga nakikita ang mga obra ko.”
Natawa ang binata. “Kailangan pa ba ‘yon? Si Lola Margaret na nga mismo ang nagsabi. Alam mo naman siguro na hindi sinungaling ang lola mo, ‘di ba? And yes. Hindi ko pa nga nakikita kahit isa sa mga obra mo. Pero I’m sure na kapag nakita ko ang mga iyon, bibilhin ko lahat at idi-display ko, hindi lang sa bahay ko, kundi sa lahat ng lugar na makikita ng mga tao at ma-realize nila kung ano ang nawala sa kanila dahil hindi nila binili ang paintings mo.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Summer. Muli ay ramdam na ramdam niya ang malakas na pagtibok ng puso niya. “T-talaga? Gagawin mo ‘yon?”
“Gagawin po talaga ‘yon ni Kuya Mark, Ate Summer,” sabat ni Mia. “Wala po siyang ipinagako sa akin na hindi niya tinupad.”
Puno ng amusement na inilipat ng dalaga ang tingin niya sa bata. She smiled at her. Nakakaaliw ang pagiging supportive nito sa kapatid. At bago pa man siya nakapagsalita ay nagsalita na rin ang tiyahin niya.
“Tama si Mark Anthony, hija. Malayo pa ang mararating mo. Hindi ka dapat panghinaan ng loob dahil lang sa nangyari sa’yo. Nandito lang kami, susuportahan ka namin.”
“At kami po ang unang bibili ng lahat ng paintings na magagawa mo rito sa Batanes, Ate Summer!” masiglang saad uli ni Mia na ikinangiti na naman niya.
“At ‘yong tungkol sa pamamasyal mo.” Bahagyang humigpit ang pagkakahawak ni Mark Anthony sa dalawang palad ni Summer. “No worries. Dahil habang nandito ka sa Batanes, o hangga’t kailangan mo, sasamahan kita palagi. Ako ang magiging guide mo, ang magiging mga mata mo. I’ll take good care of you, Summer.”
Summer was taken aback and couldn't speak. Bago pa man nawala ang paningin niya, marami na ang hindi naniwala sa kaniya. Kahit ang sariling ama. Lalo iyong naramdaman ng dalaga nang mabulag siya. At ang unang tumalikod sa kaniya ay ang nobyo niya. Kung ang mga taong nakakakilala nga sa kaniya ay tinalikuran siya, ang isang estranghero pa kaya na tulad ni Mark Anthony?
Ngunit namalayan na lang ni Summer na nginitian niya ang binata. “Hindi mo naman siguro ako ililigaw, ‘di ba?”
She heard him laughed softly. “Ibig bang sabihin niyan, pumapayag ka nang maging tour guide ako?”
Muling tumango ang dalaga. Ni wala siyang maramdaman na katiting na pagdududa sa puso niya sa mga sandaling iyon. Nakalimutan niya ang mga frustration niya ngayon na hawak ni Mark Anthony ang mga kamay niya. “Kung hindi ako makakaabala sa’yo. Bakit, hindi?”
“So, kailan tayo magsisimula?”
Kung hindi pa nila narinig ang malakas na tikhim nila Tita Aurora at Lola Margaret, hindi pa maaalala nina Summer at Mark Anthony na hindi lang pala sila ang magkaharap ng mga sandaling iyon.
Nagkatawanan na lang sila.
Ilang sandali pa ay inimbitahan na ng kaniyang tiyahin at lola ang magkapatid na pumasok muna sa loob at doon na mag-almusal. Si Mark Anthony pa ang nagtulak ng wheelchair ni Summer kahit hindi naman na niya gaanong kailangan.
Nang araw na iyon, pagkalipas ng anim na buwan na walang ibang nakikita kundi puro kadiliman, muling nakasilip ng liwanag si Summer…