Six months later… “THE surgery was successful, and your eye is healing as expected, Miss Mendoza. Removing the bandage will help promote further healing.” Tumindi ang kaba ni Summer nang marinig ang tinuran ng doctor. Halos isang linggo na rin simula nang matapos ang operasyon at ngayon ang araw na nakatakda para tanggalin ang dressing na nakabalot sa mga mata niya. “Hija, relax,” narinig niya ang boses ni Tita Aurora na siyang kasama niya ng mga sandaling iyon. Nakahawak siya sa kamay nito. Napahigpit ang pagkakakapit ni Summer kaya siguro naramdaman nito ang nerbiyos niya. “T-tita, where’s Mark Anthony? Ang sabi niya kasi, pupunta raw siya ngayon. Siya ang gusto ko na unang makita if ever man na bumalik uli ang paningin ko,” kabadong saad ng dalaga habang lumilinga sa paligid ng sil