“DATI, pangarap ko lang ang makarating dito. Ang sabi kasi ng mga staff sa tuwing pumupunta ako rito sa resort mo, tanging ang may-ari lang daw ang puwedeng pumunta rito.”
Mula sa pagtanaw sa karagatan ay dahan-dahang inilipat ni Mark Anthony ang kaniyang atensiyon kay Summer nang marinig niya ang boses nito na may halong saya at pagkamangha. Magkatabi silang nakaupo sa floating cottage nang mga oras na iyon. Nabanggit sa kaniya nina Tita Aurora at Lola Margaret na noon pa man daw ay gustong-gusto na ng dalaga na makasampa roon, sa tuwing nagbabakasyon ito sa Batanes. At totoo ang sinabi ng kaniyang mga staff na tanging siya at ang kaniyang pamilya lang ang puwedeng pumunta sa floating cottage na iyon bilang privacy na rin niya kapag gusto ni Mark Anthony na tumambay sa gitna ng dagat at namnamin ang magandang paligid. Kahit nga ang malalapit niyang kaibigan na madalas din niyang dalhin sa resort na iyon, hindi pa niya isinasakay doon kahit anong giit ng mga ito.
Ngunit nang malaman ng binata ang pangarap na iyon ni Summer ay hindi siya nagdalawang isip na tuparin iyon. Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niya itong makasama sa tahimik na lugar. Maybe because he wanted to know more about her.
Habang nakatitig si Mark Anthony sa dalaga, animo’y nakalimutan na naman niya ang huminga. Isa iyon sa mga epekto nito sa kaniya sa tuwing nakikita niya ang kagandahan nito. Aminado ang binata na marami na rin siyang hinangaan na mga babae sa buhay niya at ilan sa mga iyon ay naging fling at girlfriend pa niya. Pero si Summer lang ang kaya niyang titigan nang ganoon katagal at hindi siya nagsasawa kahit kaunti. With just one glance, she captivates his heart. Summer was the only woman who makes his heart rate increased and happy at the same time.
Isang buwan na rin nang magkakilala silang dalawa. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sanay si Mark Anthony sa presensiya ni Summer. Lagi pa rin siyang kabado sa tuwing magkaharap sila. Na para bang magkakasakit na siya sa puso dahil sa walang tigil na pagtibok nito nang mabilis sa tuwing kasama ang dalaga. But nothing compares to the happiness he feels when he's with Summer.
“Bakit mo nga ba ako dinala rito?” untag sa kaniya ng dalaga kaya napakurap-kurap siya.
Ubod ng tamis na ngumiti lang si Mark Anthony kahit hindi naman siya nakikita nito. “Naisip ko kasi na baka makatulong ang pagdala ko sa’yo rito para magkaroon ka uli ng pag-asa na makapag-paint pa. Ang sabi kasi ng iba, mas madali raw magpinta kung mas malapit ka sa nature.”
Bago sumagot ay ilang sandali muna na tinitigan siya ni Summer sa kabila ng paningin nito. “Seryoso ka talaga na tutulungan mo akong makapag-paint sa ganitong sitwasyon ko?”
“Of course! Sa tingin mo ba, papayag ako na hindi ko makita ang mga obra mo?”
“May mga lumang paintings pa naman ako sa bahay. Puwede kong ipahatid iyon dito para makita mo.”
He shook his head na para bang nakikita siya ng dalaga. “Mas gusto kong makita ka mismo na nagpipinta. I know you’re a gifted painter.”
Summer laughed softly. “Saka mo na iyan sabihin kapag ikaw na mismo ang nakakita sa mga obra ko. Kasi kahit ako, parang hindi ko na rin kayang kumbinsehin ang sarili ko sa bagay na ‘yon.” Nang rumehistro ang lungkot sa mukha nito ay saka ito tumingin sa karagatan. “Even my dad, hindi siya bilib sa’kin. I'm reaching a point where I think he could be right. Na baka totoong nagsasayang lang ako ng oras, ng pera, ng buhay… sa pagpipinta.”
“Did your dad say that to you?” That got him curious. In fact, noong una pa lang ay napansin na ni Mark Anthony sa mga kuwento ni Summer na hindi maayos ang pakikitungo rito ng sariling ama.
She nodded. “Yes. And maybe, he was right. Dahil wala na ring saysay ang lahat ng ipinaglaban ko sa kaniya noon.”
“No. That’s not true.” He held her hand. “Ikaw na rin ang nagsabi kay Mia na habang may buhay, may pag-asa.”
Malungkot ang mukha na nilingon siya nito. “Sa totoo lang, iyon din ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko, Mark. Na kaya ko ‘to… na kaya ko pa ring tuparin ang mga pangarap ko sa kabila ng kalagayan ko ngayon. Pero sa tuwing bumabalik sa isip ko lahat ng mga sinabi ni Daddy, lalo na ‘yong sinabi niya na wala akong mararating sa buhay dahil malas ako, nanghihina ako.” Napasigok ito kaya mabilis na ibinalik ang tingin sa karagatan para siguro itago ang pag-uulap ng mga mata dahil sa mga luha. “Oo, kaya ko pa namang ituloy ang buhay dahil alam ko naman na hindi hadlang itong kapansanan ko. Pero ‘yong i-chase pa ang mga pangarap ko?” Umiling ito na tila wala ng pag-asa. “Siguro, baka hindi nangyari sa akin ang ganito kung sinunod ko lang ang sinabi noon ni Daddy na nasa business namin ang future ko at wala sa Sining.”
Mark Anthony felt tightness in his chest. Mukhang tama nga ang hinala niya na hindi maayos ang relasyon ni Summer sa ama nito. Puno ng simpatiya na pinisil niya ang palad nito. “Hindi ko kilala ang daddy mo para i-judge siya. Ang masasabi ko lang, hindi totoo ang mga sinabi niya sa’yo. Dahil hindi totoo na wala kang mararating sa buhay dahil lang sa pagmamahal mo sa pangarap mo. At mas lalong hindi totoo na malas ka, Summer. Dahil walang tao na ipinanganak na malas. Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan at hindi iyon dahil sa suwerte o malas.”
She slowly glanced at him despite her blindness. “Thank you so much, Mark. Buti ka pa, kahit ngayon lang tayo nagkakilala, ang laki na agad ng bilib at tiwala mo sa’kin.” Nagbaba ito ng mukha at animo'y tumingin sa kamay na hawak pa rin ng binata hanggang sa mga sandaling iyon. “Salamat dahil hindi ko mararamdaman na may halaga din pala ako kung hindi kita nakilala. Iyong pagdala mo lang sa’kin dito sa kabila ng alam ko na personal haven mo ito, sapat na para maramdaman ko na may tao pa pala na handang pagkatiwalaan ako at hindi ako nakikita bilang reyna ng kamalasan, bukod kina Tita Aurora at Lola Margaret. At siyempre, ng kakambal ko.”
“Of course!” Nginitian lang niya ito bago pinisil nang marahan ang pisngi nito. “Paano ko naman kasi iisipin na reyna ka ng kamalasan kung ganiyan ka ka-ganda at ka-amo? Daig mo pa nga ang isang anghel sa sobrang kabaitan.”
Saka lang unti-unting napangiti si Summer. “Hindi ako mabait, huh? Ikaw kaya ‘yon.”
“Nope. Ikaw ‘yon!”
“Ikaw!”
“Ikaw nga,” hindi patatalong giit ni Mark Anthony at napangisi. “Hindi ako mabait dahil sa tuwing nakikita kita, gusto kitang yakapin, Summer. I want to hug you until you feel better.” Kahit siya man ay nagulat nang biglang lumabas sa bibig niya ang mga iyon.
Umurong ang dila niya dahil hindi niya napigilan na aminin sa dalaga ang totoong nararamdaman niya. Kapagkuwan ay parang wala sa sarili na napasulyap siya sa mga labi nito. ‘Yakap’ lang ba talaga ang gusto niyang gawin kay Summer kapag nakikita niya ito?
Ipinilig niya ang ulo at nahihiya na nag-iwas ng tingin. Hindi tama na pagnasaan niya ito porke’t hindi lang nakikita ang ginagawa niya. Bukod doon, nag-alala rin siya na baka maramdaman ni Summer ang ginagawa niyang pagtitig sa mga labi nito at magalit ito sa kaniya.
“Wala namang masama sa yakap. Lalo na kapag alam natin na makakatulong iyon para ma-comfort ang isang tao o kaya kapag gusto nating ipakita kung gaano tayo ka-thankful sa kaniya. Tulad ko. Sobra akong nagpapasalamat sa Diyos na nakilala kita, Mark.”
Sa pagkabigla niya, bigla na lang siyang niyapos ni Summer. His eyes widened. And he froze. Daig pa niya ang na-estatwa sa kinauupuan habang nakayakap sa katawan niya ang malalambot nitong braso. May kung anong nabuhay na init sa sistema niya nang malanghap niya ang mabahong buhok nito.
Nang makabawi sa pagkabigla ay saka lang napayakap din kay Summer si Mark Anthony. And it feels right... so right. “Basta kapag nalulungkot ka o kaya kapag pinapanghinaan ka na ng loob, sabihin mo lang sa’kin at yayakapin kita nang ganito,” nakangiti na sabi niya rito at hinigpitan pa ang pagkakayakap dito.
Sa buong buhay niya, maliban sa kaniyang pamilya, ngayon lang may niyakap na babae si Mark Anthony na walang halong pagnanasa. Oo, naramdaman niya ang init na nabubuhay sa kaniyang sistema ngayon. Pero hindi sa paraan na naiisip niya sa tuwing niyayakap niya ang ibang babae. Could be because Summer’s heart beats with innocence. She has a pure… beautiful soul.
“Mark, I love the hug, but I need some air,” natatawang wika ng dalaga at saka lang niya namalayan na mas napahigpit pa pala ang pagkakayakap niya rito.
“Oh, sorry, I got a bit carried away with the hug.” Mabilis namang bumitaw ang binata at nahihiyang napahawak sa batok. “Ikaw kasi, eh. Bigla-bigla ka na lang nangyayakap.”
“Sino ba ang naunang nagsabi na gusto niya akong yakapin para maging okay ang pakiramdam ko?” natatawang baling nito sa kaniya. “Nahiya ka pa kaya inunahan na kita…”
Naramdaman ni Mark Anthony ang pag-iinit ng buong mukha niya pero hindi niya iyon ipinahalata kay Summer. “Next time, hindi na ako mahihiya. Magugulat ka na lang na hindi na lang yakap ang gagawin ko sa’yo,” pilyong saad niya, rason para ang dalaga naman ang mag-blush kaya lumapad ang pagkakangisi niya.
“Ano nga pala ang gagawin natin dito sa floating cottage? Hindi mo naman siguro ako dinala rito para yakapin lang, ‘di ba?” kapagkuwan ay pag-iiba nito ng usapan ngunit sa tonong pabiro din.
“Ang totoo niyan, nandito tayo para sa surprise ko sa’yo.”
“Ha? Anong sorpresa?” gulat na tanong ni Summer at saka siya kinunutan ng noo.
“Surprise nga, ‘di ba?” Natatawa na pinisil ni Mark Anthony ang pisngi ng dalaga. Naaaliw siyang tingnan ang naghahalong excitement at pagtataka sa mukha nito.
“Ano ba kasi ang meron at may pa-surprise ka? Hindi ko naman birthday.”
Magiliw na nginitian niya ang dalaga. “Hindi naman kailangan ng special na okasyon para i-sorpresa o regaluhan ang isang tao. Lalo na kung kasing espesyal mo…” saad ng binata sa seryosong boses.
At sa sandaling ngumiti sa kaniya si Summer, isang bagay ang napatunayan ni Mark Anthony sa kaniyang sarili nang araw ding iyon.
He likes her.
And Summer was his to protect and cherish.