RAMDAM ni Summer ang excitement habang hinihintay niya ang pagbabalik ni Mark Anthony. Nagpaalam ito sandali para kunin daw ang sinasabi nitong sopresa. Bagaman at nagtataka pa rin ang dalaga kung ano ba talaga iyon at kung bakit ginagawa iyon ng binata sa kaniya. Kung bakit palagi siya nitong pinapasaya.
Their paths crossed just a month ago. Pero kung ituring siya ng binata, para bang isa na siya sa pinaka-espesyal na tao sa buhay nito. Halos araw-araw itong naglalaan ng oras para lang samahan siya sa pamamasyal, sa walang katapusang kuwentuhan. Kaya siguro kahit isang buwan pa lang silang magkakilala, napakagaan na ng loob ni Summer kay Mark Anthony. Na para bang napakalaki na ng parte nito sa buhay niya. Perhaps since every day with him creates unforgettable moments. With Mark Anthony, every minute was a memory-filled journey.
Kaya nga hindi napigilan ng dalaga na yakapin niya ito kanina. Dahil hindi na niya alam kung paano pa iparamdam kay Mark Anthony kung gaano siya ka-thankful na dumating ito sa buhay niya. Nang dahil sa presensiya nito, kahit papaano ay nakakalimutan ni Summer ang lungkot at hirap na pinagdadaanan ng puso niya dahil sa sabay na pagtalikod sa kaniya ni Walter at ng sariling ama.
Napakislot ang dalaga nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nasa labas siya ng mga sandaling iyon, sa nagsisilbing terrace ng mamahaling cottage na iyon. Pero nakapasok na siya sa loob kanina at doon niya nalaman na malawak pala iyon at kompleto sa kagamitan. May dalawang silid pa nga. Parang bahay na nga iyon kung titingnan.
Ilang sandali pa ay naramdaman na ni Summer ang mga papalapit na yabag ni Mark Anthony. Hanggang sa narinig niya na tila may inaayos ito sa ibabaw ng lamesa na katapat niya.
“Nainip ka ba sa paghihintay?” masuyong tanong nito nang mapansin marahil ang pagkunot ng noo niya.
She shook her head but didn’t say a thing. Hinayaan lang niya ang binata sa ginagawa nito hanggang sa maramdaman niya na natapos din ito sa wakas.
“Come here.” Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Inalalayan siya nito para makalipat siya sa upuan na mas malapit sa lamesa. “Ito ang sinasabi ko sa’yo na sorpresa.” Iginiya nito ang kaniyang kamay sa mga nakapatong na bagay sa lamesa.
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Summer dahil ang unang nakapa ng kaniyang kamay ay ang isang wood canvas. Nagkaroon lang siya ng ideya nang mahawakan din niya ang isang maliit na brush. “A-ano ang mga ito? Paint materials?”
Narinig niya ang marahang pagtawa ni Mark Anthony. “Yes. Actually, materials yan use for tactile paintings.” Masuyo nitong iginiya ang kamay niya para makapa niya ang bawat bagay na ipinapaliwanag nito sa kaniya. “I bought these painting materials for you to get started again."
Hindi makapaniwalang napatitig si Summer sa binata. “So, seryoso ka nga? Na naniniwala kang kaya ko pang mag-paint with my blindness?”
She heard him laughed softly. “Ang kulit mo rin, ano?” at saka nito pinisil nang marahan ang pisngi niya. “Hindi ko naman bibilhin ang mga iyan kung hindi ako seryoso, ‘di ba? I told you. Tutulungan kitang ituloy ang mga pangarap mo, Summer.”
Bigla na lang naramdaman ng dalaga ang pag-iinit ng bawat sulok ng kaniyang mga mata. Ilang beses nang inulit-ulit sa kaniya ni Mark Anthony ang tungkol sa bagay na iyon ngunit hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya na kumbinsehin ang sarili niya. Na sa pinakamahirap na sitwasyon ng buhay niya, sa mga panahon na tila wala ng pag-asa, may isang estranghero ang patuloy na naniniwala sa kaniya. Mabait pa rin talaga sa kaniya ang Diyos.
Namalayan na lang ni Summer na kusa na palang tumutulo ang mga luha niya habang iniisa-isa niyang kapain ang mga sorpresa ni Mark Anthony sa kaniya.
“Hey. Why are you crying?” Natatawang pansin nito sa kaniya at agad na pinunasan ang kaniyang mga luha. “Hindi mo ba nagustuhan ang sorpresa ko?”
Umiling siya habang umiiyak. “I mean, hindi lang ako makapaniwala…” Hanggang sa hindi na napigilan ni Summer ang bugso ng damdamin at nasugod niya ng yakap ang binata. “Thank you, Mark. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung magagawa ko ba ang expectation mo sa’kin. Pero para sa’yo, gagawin ko.”
Dahan-dahan na kumalas sa kaniya ang binata. Hinaplos nito ang pisngi niya. “You got this. I believe in you.” Naramdaman niya na ngumiti ito sa kaniya. “I’m here for you, no matter what, Summer.”
Napangiti ang dalaga. Isa pa pala sa mga nagustuhan niya kay Mark Anthony ay ang paraan ng pagtawag nito sa pangalan niya. Na para bang siya ang may pinakamagandang pangalan sa buong mundo.
“Thank you so much, Mark. I’m blessed to have met someone like you.” Kapagkuwan ay tumingkayad si Summer. Hindi na naman niya napigilan ang sarili na halikan sa pisngi ang binata.
“Summer…” Masuyong niyakap uli siya ni Mark Anthony. “You’re a wonderful person to know.”
“WOW! Iyan ba ang sorpresang sinasabi ni Sir Mark, hija?” namamanghang bulalas ng Tita Aurora ni Summer nang makita nito ang paint materials na inilatag niya sa lamesa nang dumating siya sa bahay.
Inihatid siya ng binata pagkagaling nila sa floating cottage. Pero agad din itong nagpaalam dahil kailangan pa raw nitong asikasuhin si Mia.
“Opo, tita. Nagulat nga ako na ibinili niya ako ng mga ganito,” magalang na sagot ng dalaga. May ngiti sa kaniyang mga labi na kanina pa hindi mawala-wala. “Ibinili pa rin niya ako kahit alam naman niyang may kapansanan ako.”
“Ibig sabihin, malaki talaga ang tiwala sa’yo ni Sir Mark, Summer. Dahil naniniwala pa rin siya sa talent mo sa ganiyang sitwasyon mo…”
“At nagpapatunay na talagang malinis ang intensiyon niya sa’yo, hija,” sabat naman ni Lola Margaret na katabi ni Tita Aurora. “Hindi iyon mag-e-effort nang gano’n kung gusto ka lang niyang paglaruan.”
Puno ng pagtataka na nilingon ni Summer ang abuela. “Ano ho ang ibig n’yong sabihin, Lola?”
“Na may gusto sa’yo si Sir Mark,” ang tiyahin niya ang sumagot sa nanunuksong boses. “Halata naman sa unang pagkikita n’yo pa lang, nabihag mo na ang puso ng bata at guwapong bilyonaryo, Summer.”
Awtomatikong pinamulahan ng mukha ang dalaga. “Y-you’re wrong, tita. Pakikipagkaibigan lang ho talaga ang pakay niya sa’kin,” kontra ni Summer pero aminado siya sa biglang pagkabog ng dibdib niya.
“Ipapaputol ko ang daliri ko kung mali ako ng hinuha, hija!” natatawang bulalas ni Tita Aurora na sinegundahan naman ni Lola Margaret.
“Ako rin, hija. Dahil sa ganitong-ganito rin kami nagsimula noon ng Lolo mo. Kinaibigan niya muna ako bago niligawan,” napapangiting wika ng abuela niya habang nangingislap ang mga mata na para bang binabalikan sa isip lahat ng masasayang alaala nito kasama ang yumaong asawa.
“Wala namang problema sa’min kung liligawan ka man ni Sir Mark. Dahil botong-boto kami sa batang iyon,” mayamaya ay seryosong wika ng tiyahin niya. “Hindi lang mayaman at guwapo kundi ubod ng bait pa. Responsible, mapagmahal at maalaga sa kapatid, may malasakit sa kapwa, at napaka-sweet pa. Malayong-malayo siya kay Walter. I’m sorry to say this pero noon pa man ay hindi ko na gusto ang lalaking iyon. Ubod ng yabang sa katawan! Tapos ngayon, iniwanan ka na lang basta-basta dahil sa tingin niya, pabigat ka na sa kaniya.”
Napayuko na lang si Summer. Hindi siya umimik sa mga sinabi ng Tita Aurora niya. Noon pa man ay ramdam na niya na ayaw nito kay Walter sa tuwing isinasama niya ang dating nobyo kapag nagbabakasyon siya sa Batanes. Ngunit dahil alam nito na mahal niya ang lalaki kaya napipilitan na lang na tanggapin.
At ngayon na nagkakatotoo ang pagkakakilala nito kay Walter, ngayon niya naintindihan kung bakit ganoon na lang kabigat ang loob ni Tita Aurora sa lalaking iyon.
“Huwag mong panghinayangan ang lalaking iyon, Summer.” Naramdaman niya na hinawakan ng tiyahin ang kamay niya. “Now you can move on and find someone better. You’re an amazing person. Ikaw ang pinakamabait at pinaka-selfless na taong nakilala ko. You deserve all the great things.”
Napangiti siya. “Thank you so much, Tita. Huwag ho kayong mag-alala. Oo, masakit ang ginawa sa’kin ni Walter. Pero tapos na ako sa mga araw na nagsasayang ako ng luha ng dahil sa kaniya. I’m finally free to find my happiness.”
“At masaya ako para sa’yo, Summer. Masaya kami ng lola mo para sa’yo.” Masuyo siyang niyakap nito.
Kapagkuwan ay naramdaman ng dalaga na dahan-dahang lumapit sa kaniya si Lola Margaret at niyakap din siya. “Mahal na mahal ka namin, apo.”
“Mahal na mahala ko rin ho kayo, lola. Kayo ni Tita,” emosyonal na sagot ng dalaga.
Noon pa man, lubos na ang pasasalamat niya sa Diyos dahil maaga man siyang nawalan ng ina at hindi man siya sinuwerte sa ama, sinuwerte naman siya sa tiyahin at abuela. Kung pinayagan nga lang siya noon ng daddy niya, mas gusto sana ni Summer na sa poder na lang ng mga ito lumaki nang mamamatay ang Mommy niya. Bukod doon, hindi rin niya kayang malayo sa kakambal niyang si Rhaine.