“What is happening here? Why is everyone full of glee? Pasali naman.” Boses iyon ng lider ng aming sektor kaya agad kaming napalingon ni Ellie. Nakasuksok ang magkabila niyang kamay sa dalawang bulsa at kalmanteng naglakad palapit sa amin. Noong makalapit ay inakbayan niya si Kane na siyang nasa kaniyang tabi. “So what do we have here? Bakit kasama ninyo ang dalawa sa mga miyembro ko? Are you guys bribing them not to do better in the upcoming mission?” He chuckled softly. Nagpalipat-lipat naman ang tingin niya sa mga taong nakapalibot sa amin. Pagkatapos ay inilagak niya ang mga mata sa aming dalawa ni Ellie. “I hope you won’t betray me,” sabi niya habang nakatingin sa akin. “Especially you, Miss Angeles. That would hurt.” Inihawak pa niya ang kamay sa dibdib at bahagyang ikinuyumos