Chapter Twenty-Nine

2919 Words

“Magsimula na tayo para matapos na ito,” malamig na turan ni Raiden na muli lang nagpatahimik sa aming lahat. Nagpapakiramdaman lang ang lahat. Walang balak magsalita pagkatapos niyang sabihin iyon. Tiningnan ko isa-isa ang mga kasama namin dito. May mga kabadong ngisi sa kanilang mga labi ngunit mayroon din akong isang napansin. Wala kahit isa sa kanila ang tumitingin ng diretso kay Raiden. Kahit si Nikka na nakaupo sa bandang kanan niya ay pinaglalaruan lang ang ballpen sa kaniyang harapan. Sa huli ay ang lalaki ang aking sinulyapan ngunit hindi ako nagtagumpay na tingnan siya nang matagalan sapagkat sakto rin itong nakatingin sa akin. Higit ang hininga na mabilis akong nag-iwas ng tingin dito, ngunit bago iyon ay napansin ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi… o baka nagkakamali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD