"Why is she still sleeping? Sa tingin ninyo ba nakita niya ang nangyari kanina?” “Makita man niya ‘yon, makakalimutan niya rin. Parang laging bago, Mariam?” “Hindi ba at ang sabi niya ay enrollee siya ng La Deita? Sa tingin ninyo, gaya rin ba natin siya? O baka ro’n siya sa ibang sektor?” Nakarinig ako ng mahihinang pag-uusap sa paligid ko. Kanina ay para akong hinihele sa sobrang antok. Hindi ko maintindihan masyado ang pinag-uusapan nila. “Hush. Be quiet. Magigising na siya!” Iyon ang naging hudyat ko para imulat ang mga mata. Ang kaninang malabong paningin ay unti-unting luminaw at nagulat ako nang mabungaran ang isang mukha ng lalaki. Mabilis na gumalaw ang aking kamay at nasampal iyon. Narinig namin ang paglagitik ng aking palad sa pisngi nito at ang malakas din niyang sigaw n