Chapter Eleven

1732 Words

“Galit po ba si papa, Manong Robles?” Alam kong parang nakaloloko ang tanong ko sa aming driver ngunit kahit paano ay gusto ko man lang sanang pagaanin ang aking loob. Kanina pa ito hindi mapalagay kaya pabiling-biling ako sa aking kinauupuan. Kung pwede lang na hilingin na sana hindi muna kami makarating sa bahay. Napansin ko ang bahagyang pagtawa ni manong. “Hindi po, Señorita,” sagot niya. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. May kung anong natanggal na tinik sa aking dibdib. I am safe. Mabuti naman kung ganoon– “Galit na galit lang po.” Dugtong niya sa sinabi na siyang nagpalaki ng aking mga mata. Ang bigat ng aking dibdib ay muling bumalik. Ang kaba roon ay nadagdagan lang. “Seryoso po ba, manong?” Napalunok ako ng laway at ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Napaay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD