Chapter Nine

2083 Words

“Taas ang kamay. Walang kikilos!” sigaw ng security guard ng store habang nakatutok ang baril sa akin. Agad na nilukob ng takot ang aking puso. Nanlamig din ang aking buong katawan habang pinagmamasdan ang armas na hawak niya. Balak ba niya na patayin kami? “Kayo, ‘wag din kayong kikilos? Ilagay ninyo sa bag na ito ang lahat ng pera at alahas ninyo!” malakas na sabi niya at isang itim na bag ang inihagis niya na bumagsak sa aking paanan. Umatras siya at nakatutok pa rin sa amin ang kaniyang baril. Dali-dali niyang sinarhan ang pinto ng store at ini-lock iyon. Sa labas ay abala pa rin ang mga tao na hindi alam na may nangyayaring kaguluhan na rito sa loob. “Ano pa ang hinihintay mo, miss? Ilabas mo ang pera mo.” Napapitlag ako nang muli siyang humarap sa akin at nasa gawi ko na muli na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD