Chapter Three

1099 Words
“Nagugutom ka na ba, Catalina?”   Napatingin ako kay papa habang nagmamaneho ito. Kinabukasan matapos namin mag-usap noong gabing iyon ay bumiyahe rin kami patungo sa probinsya na tinutukoy niya.   “Hindi naman po, papa. Malayo pa po ba tayo?” ani ko.   Tumingin ako sa labas at puro kakahuyan ang nadadaanan namin. Ilang palayan na rin ang nalampasan namin. Kanina lang ay puro gusali pa ang nakikita ko at bago ang mga ito sa paningin ko. Sa siyudad ay ang talahiban lang ang nakakapreskong tanawin na nakita ko. Sumulyap ako sa orasan na nasa sasakyan at mag-iikalima na pala ng hapon. Umaga kami nang umalis sa bahay namin, hindi ko aakalain na medyo malayo pala ang pupuntahan namin.   “Hindi ka naman kumain noong umalis tayo. Natulog ka lang buong biyahe at hanggang ngayon ay hindi ka pa rin gutom?” aniya.   Napailing siya habang sumusulyap sa akin at pabalik sa daan.   “Kumain naman po tayo bago umalis. Ayos na po ako roon.” Umayos ako ng upo dahil nananakit na ang likod ko. Ilang oras na kaming bumabyahe at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nararating ang destinasyon.   “Malayo pa po ba tayo sa probinsya ninyo?” tanong ko muli dahil hindi naman niya nasagot iyon kanina.   “Oo, anak. Bago sumapit ang ika-anim ng gabi ay nandoon na tayo,” sagot niya.   Tumango ako. Malapit naman na pala. Kaunting tiis na lang ay maipapahinga ko rin ang katawan ko. Kahit hindi ako ang nagmaneho ay pakiramdam ko pagod na pagod ako. Naninibago rin ako sapagkat hindi naman ako nakakabiyahe noong ganito katagal.   “Wake up, Catalina. Nandito na tayo.” Marahang pagtapik sa pisngi ang nagpagising sa akin.   Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Kinusot ko ang mata bago inilibot ang tingin sa medyo madilim nang paligid. Nasa loob pa rin kami ng sasakyan pero nakahinto ito sa tapat ng isang malaki at modernong bahay. Mahaba at mataas ang tarangkahan na nakapalibot dito pero kita pa rin ang nakatayong bahay sa loob nito. Mayroong dalawang palapag at maliwanag din ang paligid nito.   “Bumaba ka na, anak. Naipasok ko na rin sa loob ang mga gamit natin,” saad niya.   Nawala ang lamig sa sasakyan noong pinatay niya ang makina. Ipinilig ko ang leeg dahil bahagya itong sumakit. Hindi yata maayos ang pagkakahiga ko kanina. Noong maging maayos ang pakiramdam ay nagpasya na akong lumabas. Malamig na simoy ng hangin ang humampas sa mukha ko at bahagya nitong pinawid ang buhok ko. Inayos ko rin ang suot kong salamin para matingnan ng maayos ang paligid.   “Sumunod ka na lang sa loob, para makapagpahinga ka na. Kakain na rin tayo ng hapunan dahil alam kong gutom ka na,” habol pang wika ni papa bago pumasok sa gate.   Inilibot kong muli ang tingin sa bagong lugar. Maliwanag ang paligid dahil na rin sa ilaw na nagmumula sa bawat bahay. Puro moderno ang mga nakatayong bahay na nakikita ko. May ilang tao rin na dumadaan at sa tuwing napapatingin sila sa gawi ko ay mabilis kong iniiiwas ang tingin. Noong muling umihip ang malakas na hangin ay tsaka lang ako nagpasyang pumasok sa loob.   Pagtapak ko sa loob ng bahay ay napabuntong-hininga ako. Akala ko ay mararamdaman ko rito ang matagal ko nang hinahanap. Akala ko kahit paano ay gagaan ang loob ko kapag lumipat kami ng lugar pero ganoon pa rin pala. Walang bago sa nararamdaman ko. May kulang pa rin at sana ay mahanap ko kung ano man iyon.   “Gusto mo bang magpalit muna ng damit o kumain na muna?” Napatingin ako kay papa na ngayon ay bagong ligo na at nakadamit pambahay. Napatagal yata ang pagtambay ko sa labas.   “Magbibihis na po muna ako,” sagot ko.   Tumango siya. “Sige, anak. Doon sa pangatlong pinto sa ikalawang palapag ang iyong kwarto,” wika niya.   “Salamat po.”   Matapos iyon ay naglakad na ako patungo sa hagdan. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko rin ang kwartong tinutukoy ni papa. Tatlong kwarto lang naman ang nandito sa taas. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin ang maaliwalas na loob ng kwarto. Malamig din dito dahil sa nakabukas na air conditioner. Pula at itim ang kulay ng aking kwarto, at sa lahat ng parte ng bahay ay ito lang yata ang nakapagpasaya sa akin. Naglakad ako palapit sa nakita kong dalawang katana na nakadikit sa pader, at hinaplos ito.   “That’s my daughter.”   “She’s really the Queen of all Warriors.”   Agad kong binitiwan ang sandatang iyon at umatras palayo rito. Nanghihina akong napaupo sa kama ngunit nanatili ang tingin ko roon. Bakit biglang mayroong mga senaryong nabuo sa utak ko nang hawakan ko ito. May mga tao ring nagpakita sa utak ko pero malalabo ang mga mukha nila kaya hindi ko rin halos makilala.   “Catalina, bilisan mo riyan dahil kakain na tayo.” Napapitlag ako nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto ko. Hindi ko napansing natutulala na pala ako.   “Opo, papa. Nagbibihis lang po,” sigaw ko para marinig niya.   Narinig ko ang papalayong yabag niya at doon lang ako nagpasyang kumilos. Mabilis akong nagbuhos ng katawan at nagpalit ng damit. Pansamantala ko munang iiwan sa loob ng kwartong ito ang nangyari. Ang daming mga bagay na nagpapagulo ng utak ko at mayroon na namang dumagdag.   “Bukas ay sasamahan kitang pumunta sa bago mong school,” wika niya habang nasa hapag kami. “Oo nga pala, siya si Manang Doring. Makakasama natin siya rito sa bahay.”   Napatingin ako sa babaeng nagsasalin ng inumin sa aming baso. Nginitian ko ito at ngumiti rin naman siya pabalik bago tumalikod sa gawi namin.   “Ano nga po uli ang pangalan ng school na papasukan ko?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko matandaang sinagot niya ako rito.   “Le Deita University,” simpleng sagot niya bago nagpatuloy sa pagkain.   Le Deita?   “Sasamahan kita roon bukas at mamimili na rin tayo ng mga gagamitin mo.”   Naririnig kong nagsasalita si papa pero lumilipad na ang utak ko sa pangalan ng eskwelahang binanggit niya. Ngayon ko lang yata iyon narinig at may kung anong kumabog sa dibdib ko nang marinig iyon. Hindi ko maintindihan ang excitement na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gusto ko na lang hilahin ang oras para makita agad ang tinutukoy niyang paaralan.   Noong gabing iyon ay nakatulog ako ng mahimbing dahil na rin sa isiping kinabukasan ay may bagong lugar akong mapupuntahan na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD