Chapter Four

1073 Words
“Señorita?” Mula sa labas ng pinto ng aking kwarto ay narinig ko ang marahang pagkatok. Hanggang sa naging sunud-sunod iyon. “Señorita, pinapagising na po kayo ng iyong ama.” Boses iyon ni Luisa, isa sa mga kasamam namin dito sa bahay. “Sige. Susunod na ako,” sagot ko sa tamang lakas ng boses para marinig niya. Makalipas ang ilang sandali ay wala na akong narinig na kahit anong kaluskos sa labas. Siguro ay nakaalis na si Luisa. Ibinalik ko ang tingin sa kisame. Ang totoo niyan ay kanina pa ako gising bago pa siya dumating. Hindi pa sumisikat ang araw ay mulat na ang mga mata ko dahil hindi ako halos makatulog. Muli akong napatingin sa nakasabit na katana sa dingding ng aking kwarto. Kagabi noong bumalik ako rito sa loob ay hindi na maalis ang tingin ko rito. May kung anong humihila sa akin na kunin iyon ngunit natatakot ako. Natatakot akkong muling makita ang mga bagay na hindi ko alam kung likha lang ba ng aking imahinasyon. Isa pang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos ay dahil naiisip ko ang pupuntahan namin. I am excited. Pupunta kami ni papa sa university na tinutukoy niya. I can’t wait to see that place. May kung anong nag-uudyok sa akin na alamin pa ang tungkol doon. Matapos magmuni-muni ay nagpasya na akong bumangon. Pasado alas-sais na rin pala ng umaga. Naligo na rin ako at nagsuot ng damit na pang-alis. Nagmamadaling bumaba sa hagdan at dinig na dinig ng lahat ang yabag ng paa ko roon. “Be careful, Catalina. Hanggang dito ay rinig ko ang pagtakbo mo,” bungad na saad sa akin ni papa nang marating ko ang dining area. Nakaupo na siya sa sentro. Ibinaba niya ang pahayagan na hawak para sulyapan ako. Sumimsim siya ng kape habang kinukunutan ako ng noo. Napangiti ako ro’n. He is always like this when he is worried. “Good morning, papa. Ang aga mo po mag-sermon,” biro ko sa kaniya. Lumapit ako at kinintalan ng halik ang kaniyang pisngi. Pagkatapos ay hinila ko ang upuan sa kaniyang tabi. “Good morning, anak.” Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo bago muling tiningnan. “Mag-iingat ka tuwing bumababa. Para laging bata. Paano kung nadulas ka?” Napailing ito at muling kinuha ang pahayagan. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Lagi akong sinasabihan na kung umakto ako ay parang paslit pero kung itrato naman niya ako ay akala mo sanggol ako. Si papa talaga. Hindi ko sinasadyang mapasulyap sa binabasa niya habang kumukuha ng pagkain. A 19-year-old lady was found dead. Allegedly a victim of robbery and brutal killing. Agad kong naiiwas ang tingin doon. Bakit ba ganoon ang binabasa ni papa sa harap ng pagkain? “Anong oras po tayo aalis?” tanong ko para mawala ang isip sa nabasa. I tried to focus on my food but I feel like I had lost my appetite. Hindi ko na lang ipinahalata iyon. “After this breakfast. Pupunta muna tayo sa university para mag-take ka ng exam. Pagkatapos ay sa mall para naman sa mga gamit mo,” sagot niya. Mukhang ready na rin naman siya. Nakasuot na siya ng business suit. Siguro ay may pupuntahan siyang meeting mamaya. My father is a businessman and I understand him being busy most of the time. Katulad noong napag-usapan, pagkatapos naming kumain ay saglit na pag-aayos ay lumarga na kami para makapunta sa university. Nakaupo kaming dalawa rito sa likod at mayroong isang tauhan si papa na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Paglabas namin sa village ay may iilan na akong nakitang mga tao. Ngayon ko lang napansin na halos lahat pala rito ay may malalaking bahay. Kagabi kasi ay medyo madilim na at siguro dahil sa antok ko ay hindi ko na naigala ng maayos ang aking tingin. La Deita University. Sa tuwing iniisip ko ito ay ibayong sigla ang nararamdaman ko. Siguro ay dahil bagong lugar. Hinihiling ko lang na sana ay maging maayos ang pananatili ko roon. “Hindi ba, papa, ang sinabi mo ay kailangan ko pa mag-take ng exam? Paano kung hindi ko maipasa?” Naalala kong nabanggit niya iyon kanina. Bigla akong nalungkot. Paano kung ganoon nga ang nangyari. Hinawakan niya ang kamay ko. “Hush. Stop overthinking, anak. Magaling ka. Tiwala ako sa talinong mayroon ka, kaya sana ay ganoon ka rin,” sagot niya at nginitian ako. Napangiti na rin ako. Pilit na tinanggal sa puso ang kaba. I tend to overthink. I always think that I won’t do good. Siguro ay ganoon talaga kapag wala kang maalalang kahit ano sa sarili mo. Ang gulo, hindi ba? Binusog ko ang mata sa magagandang tanawin na nadaanan namin. Naaaliw ako sa tuwing napapanood ang pagsayaw ng mga puno sa malakas na simoy ng hangin. Ang ilang hayop na nadaanan namin na nanginginain sa paligid. Walang ganito sa siyudad. “What? Yes. Just give me an hour or two. I will be there. I just have an important errand to run to.” Napatingin ako kay papa nang bigla itong magsalita. Mayroon pala siyang kausap sa telepono. “Okay. Noted. See you there.” Iyon lang at ibinaba na niya ang tawag. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa akin. “I’m sorry, hija. Baka ihatid na lang kita sa university mo,” saad niya. Nangunot ang noo ko. “Bakit po? May problema po ba?” Umiiling na hinaplos niya ang aking buhok. “Wala naman, anak. Mayroon lang kailangang ayusin si papa.” “Sige po. Okay lang naman po.” Naiintindihan ko naman siya. Katulad nga noong sinabi ko, negosyante siya, sanay na rin akong palagi siyang wala. “Salamat, Catalina.” Habang tumatagal ay sa tingin ko paliblib nang paliblib ang lugar na binabagtas ng aming sasakyan. Makalipas pa ang ilang minuto, mula sa malayo ay natatanaw ko na ang isang mataas na tarangkahan. Sa itaas ay nakapaskil ang malalaking letra ng pangalan ng university, La Deita. Sa gilid ay mayroong dalawang rebulto na hugis kabayo. This is it. I just hope that this is really the place I am looking for.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD