“I’m sorry,” nag-aalalang sabi ko sa babaeng nakasalampak sa sahig. Nagmamadaling kinuha ko ang bag niyang tumilapon. Iaabot ko na sana ang aking kamay para tulungan siya nang mag-angat siya ng ulo. Ngayon ay tuluyan ko nang naaninag ang kaniyang mukha. “B-tch!” She mouthed at me. The moment I saw her mad face is also the moment I forgot to breathe. Tinitingnan ko pa lang ang galit niyang mukha ay dinaluhong na ng kaba ang aking dibdib. Totoo ba na ang babaeng ito ang nasa harapan ko? Sana ay nananaginip lang ako! While looking at her I could already smell trouble. Kinakabahan na tuloy ako sa maaaring mangyari maya-maya lang. “Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo? Bulag ka ba? Apat na nga ‘yang mata mo hindi mo pa ako nakita! Palibhasa mumurahin ‘yang salamin mo! Bwisit nam