“Uhm, can I talk to you for a while?” Lumapit ako kay Leinard na kasalukuyang abala sa binabasang papel. Hindi ko na sinilip kung ano iyon. Pagkatapos na pagkatapos ng sector meeting ay nagplano muna akong magpaiwan. Kasama ko rin pala si Ellie dahil pareho lang din naman kami ng pupuntahan nito pagkatapos. Nagsialisan na ang halos lahat ng miyembro ng aming grupo. May iilan lamang na natira para ayusin ang mga upuan na ginamit. “Of course. Do you have any questions?” Ibinaba nito ang papel at sinulyapan kaming dalawa ni Ellie. “Labas na muna ako, Catalina. Hintayin na lang kita ro’n,” ani ng kaibigan at akmang tatalikod na nang pigilan ko ito. “Hintayin mo na ako. Sandali lang naman ito,” sabi ko rito. Hinawakan ko siya sa braso para sigurado akong hindi niya ako iiwan dito sa loo