Chapter Eight

1176 Words
Hindi naman ako nahirapang hanapin ang mall dahil agad ko rin iyong nakita. Matapos makisabay sa alon ng mga tao ay natagpuan ko rin ito. May isang branch ng sikat na mall dito sa bayan. Katulad din ng kung ano ang nasa metro ang mayroon ito sa loob. Iyon nga lang, ang pinagkaiba ay mas kakaunti ang tao rito kumpara sa Maynila. Nandito po ako sa bayan, papa. I rode a public vehicle. ‘Wag po kayong mag-alala, naging maayos naman po ako. Ako na lang po ang bibili ng mga gamit ko. Just tell Robles to fetch me here. Thank you. Pagpasok na pagpasok sa loob ay agad akong nagtipa ng mensahe para kay papa. Tama nga pala ang naiisip ko dahil dito lang pala sa bayan mayroong signal. I tried contacting him, though his phone is ringing, he is not answering the call. Maybe he is busy. Mamaya ay mababasa naman niya ang sinabi ko. I am just hoping that he won’t get mad. One of the best stores that offer school supplies is located on the second floor. Nag-ikot-ikot pa ako para hanapin ito. “Good morning, ma’am,” bati sa akin ng guard na nagbabantay. Tumango ako sa kaniya at napansin ko pa ang nagtatakang tingin niya sa akin. Inayos ko lang ang mask na suot ko at ang aking salamin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito tinatanggal at hinayaan ko na lang. “What to buy? Hmm,” bulong ko sa sarili habang kumukuha ng basket. Ito ang problema sa akin e. Kapag nandito na ako sa loob ng store, hindi ko na alam kung ano ang bibilhin ko. Parang mas gusto ko na lang na busugin ang mga mata sa pagtingin-tingin sa paligid at pagurin ang mga paa sa paglalakad. Una akong pumunta sa pinaglalagyan ng planner notebook. I want to list down all my plans and goals when the classes started. Isang black at isang kulay pula ang kinuha ko. As for me, I prefer shopping alone. Mas naiisip mo kung ano ang gusto mo. Walang hassle, walang pressure. O baka nasanay lang talaga ako na mag-isa. Ewan ko rin sa iba. That was just my perception. “Bilisan ninyo. Baka abutin na naman tayo ng dalawang oras, supplies lang ang binibili natin.” Naulinigan kong sabi ng isa rin sa mga mamimili. See? That’s what I mean. Minsan kasi ay iba-iba tayo ng batayan ng oras at prayoridad. “Ang bagal ninyo pa naman kumilos.” “Sana hindi na lang kayo sumama kung magrereklamo lang kayo.” Nagpatuloy ang pag-uusap nila. Naririnig ko iyon dahil nasa bandang likuran ko lang ang mga ito. Ngunit ang bahagyang nagpahinto sa akin at nagpakunot ng noo ay ang mga pamilyar nilang boses. I think I heard that already? I am not sure. Makakalimutin pa naman ako. Ang dalawang planner na dapat kukunin ko ay naging lima. Hindi ko alam kung saan ko na gagamitin iyong iba. Humarap na ako at madadaanan ko ang mga nag-uusap kani-kanina lang, ngunit agad ko ring ipihit ang katawan nang mamukhaan ang isa sa mga iyon. Sa pagpihit ko ay hindi ko sinasadyang mabangga ang isang tao. Medyo malakas din ang naging impact nang pagkakabunggo ko rito dahil sa aking pagmamadali. Muntik na akong mawalan ng balanse, mabuti na lang at may mga brasong agad na umalalay sa aking likod patungo sa bewang. Dahil hindi masiyadong mahigpit ang pagkakasuporta ko sa aking basket ay nahulog din iyon mula sa pagkakahawak ko. Nagdulot iyon ng malakas na ingay ngunit sa halip na iyon ang intindihin ko ay mas naunang kumabog ang puso ko sa loob ng aking dibdib. The man hugging me, I mean, supporting my back to not be stumbled upon the floor, is also the man who I saw in the public vehicle, an hour ago. Una kong napansin ang mga labi niyang nakaawang. Namumula iyon at medyo basa na siyang nagpalunok sa aking laway. Nagtaas ang aking tingin patungo sa kaniyang ilong na nagyayabang dahil sa tangos nito. Ang maiitim niyang mata ay bumabagay sa makapal niyang mga kilay na bahagyang nakakunot. Saka ko lang din napansin na ang aking kamay pala ay nakapatong sa kaniyang dibdib at ramdam ko ang mabilis na t***k nito. “Raiden, babe… What happened?” Ang pamilyar na boses ng babaeng nagngangalang Nikka ang siyang nagpabalik sa akin sa huwisyo. Nagmumula iyon sa likod at kahit hindi tingnan ay ramdam ko ang papalapit nitong yabag kasama ang ilan. Naipilig ko ang ulo at mabilis na humiwalay sa lalaki. “I’m s-sorry!” Hingi ko ng paumanhin. And I even stuttered. This is embarrassing! Mabilis din akong yumuko para pulutin ang mga nahulog na gamit. Ang lalaki sa aking harapan ay ganoon din ang ginawa. Siya na ang kumuha ng basket at nagkasabay pa kami sa pagtayo. “Raiden, pare…” They are near. Mabilis kong kinuha sa mga kamay ng lalaki ang basket. “Maraming salamat.” Nanatili lang siyang tahimik at pinagmamasdan ako. “Excuse me…” Bago pa ako tuluyang abutan ng mga kasama niya ay nilampasan ko na siya at nagtungo sa kung saan na hindi nila ako matatagpuan. Akala ko ay hindi na magtatagpo ang mga landas namin. Ngunit isang oras pa lang ang nakakalipas ay heto nga at nagkrus na naman ang mga landas namin. Hindi ko alam kung bakit ako umiiwas. Siguro hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. Sa aberyang naidulot ko. “Sino ‘yong kausap mo, babe?” Bago tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang boses ni Nikka. Yes. I am calling them by their first names. Iyon kasi ang narinig ko habang nag-uusap sila. Siguro ay hindi nga yata ito ang tamang oras para bumili ng mga kakailanganin. Mayroon pa naman akong natitirang apat na araw. Sa susunod na pagkakataon na lang. Baka isama ko na rin si papa o kahit na sino sa mga tao sa bahay. Ibinalik ko ang basket sa pinagkuhanan ko. Hindi ko na rin natanggal ang gamit doon dahil sa pagmamadali. And I am sorry for that. Babawi na lang ako sa susunod. Ako ang mag-aayos kung may magulo kapag napadaan ulit ako. Para lang akong pugante na nagtatago. Mabilis at malalaki ang mga hakbang na tinahak ko ang direksyon palabas ng store ngunit hindi ko pa naiituntong ang aking paa sa labas ay nagulat ako nang tutukan ako ng baril ng guard doon. Itinaas ko ang aking mga kamay at nahihintakutang umatras. Is he going to shot me? Oh, God! “Taas ang kamay. Walang kikilos!” sigaw niya na nagpaalarma sa akin. What in the world is happening today?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD