“Catalina, at your back!” Sa sigaw na iyon ni Ellie ay napalingon din ako sa aking likod. Ngunit bago ko pa makita ang tinutukoy niya ay mayroon nang dumakma sa aking kanang braso. Isang malaki at mabalahibong kamay iyon na sa tingin ko ay triple ang laki kumpara sa aking braso. Halos pigain iyon ng nilalang na nakahawak sa akin. Pwede ba na sabihin ko na awat muna? Ang dami nila, in fairness. Noong mag-angat ako ng ulo ay halos bumulaga sa aking harapan ang nakahihilakbot na itsura ng isang taong lobo. Kung ikukumpara sa kaninang mga nakalaban namin ay malaki ang pagkakaiba nito sa kanila. Mas mataas ito sa akin nang halos tatlong dangkal. Kaya pala biglang nagdilim ang paligid kanina. And this creature looks more real than the others. Sigurado ba sila na hindi totoo ang nilalang na i