“Your mission is over, Deitas. Binabati ko kayong lahat!” I literally sighed in relief when I heard that. Parang nagmumula iyon sa isang speaker pero kahit saan naman ako lumingon ay walang makitang kung ano sa paligid maliban sa malawak na disyerto at sa nagkalat na katawan nitong mga lobo. “The exit room will appear in no time. You can enter that to get back here in the gymnasium. Thank you, Deitas,” muling saad ng pamilyar na boses ni Ms. Lucresia. Tumatakbong bumalik sa aking tabi si Ellie, ngunit hindi tuluyang lumapit nang tumalim ang tingin ko sa kaniya. May takot din ang isang ito, e. “Sorry na, best friend.” She pouted in front of me as if she is cute when she did that. “Heh! Don’t talk to me and don’t you dare come near me,” ani ko sa kaniya at pabirong sinamaan ito ng ti