“The second one is about our next mission.” Pare-pareho kaming natahimik sa aming mga kinauupuan nang marinig ang sinabi ng aming lider. Napaisip agad ako sa tinuran niya. Katatapos lang ng misyon namin kahapon, hindi ba? Halos wala pa ngang bente-kwatro oras ang nakalilipas, pero mayroon na namang inaanunsyo na bago? “Is it about the booths?” tanong naman ni Rhea. Napatingin sa pwesto namin si Leinard at nag-thumbs up sa babae. Ako man din ay tumingin sa babae na isang silya lang ang layo sa akin. Booths? “Yes. You are right. Alam naman natin na pagkatapos ng first trial mission para sa newbies, mayroong school fair na ginaganap sa La Deita. It is an annual occasion that everyone must join and contribute,” ani muli ni Leinard na nagpabalik sa kaniya sa aking