So basically, everyone let out their thoughts and enthusiastically shared their ideas. It is just refreshing to witness that they are all willing to help the sector. Mayroon na kaming limang booths na pamimilian katulad noong sinabi ni Leinard, pero tatlo lang ang gagawin namin doon. Magkakaroon lang ng dalawang reserba para kung sakaling may kaparehas sa ibang sektor ay maaari namang mag-adjust ang kahit na sino. “So, kumpleto na, hindi ba? Ang priority natin na booths ay ‘yong naunang tatlo—photo booth with free face painting, jail booth at ang walang kamatayang maid café booth. The remaining two which are horror booth and marriage will just be our reservation,” paliwanag pa rin ni Leinard doon sa unahan habang si Ellie naman ay abala sa pagsusulat ng mga sinasabi niya. I