“Hi. Maraming salamat naman at pinagbigyan mo ang pabor na hinihingi ko,” malaki ang ngisi na ani Leinard nang makalapit ako sa unahan, kung saan naroroon din siya. Mukha pa siyang nang-aasar. Ang sarap lang bigwasan. Inabot niya sa akin ang mikropono na hawak. Bago ko iyon kunin ay bumulong ako sa kaniya na tanging kami lang ang makakarinig. “Please, remind me to kick your ass out later, Bagares,” I said without opening my mouth to don’t make it obvious to the others. Hindi ko rin alam kung paano ko nakakayang sabihin iyon nang hindi man lang nahihiya sa kaniya. Knowing the truth that he is our sector leader. Pero katulad nga noong sinabi ko noong nakaraan, palagay ang loob ko sa kanilang dalawa ni Ellie. Kaya siguro kung kausapin ko sila ay parang ang tagal na namin