Noong sa dati ko pang university ako pumapasok, hindi ko pa naranasan na sumakay sa mga pampasaherong jeep na katulad nito. Minsan ay naiinggit ako sa mga kaklase ko sa tuwing sabay-sabay silang umuuwi at nakikita ko pa na nagtatawanan habang sumasakay.
Katulad na noong sinabi ko, wala naman akong naging kaibigan. Walang nakakasabay umuwi. Tanging ang driver lang namin na lagi akong hatid at sundo tuwing pumapasok.
Isang beses, sinubukan kong sumakay rito para kahit man lang ay maranasan ko. Ngunit bago pa lang ako lumalabas sa gate namin noon ay nakikita ko na ang sasakyan namin. Hindi rin naman ako mahilig lumabas. Wala rin naman akong makakasama.
The only thing I have tried is taking a cab. But that was only once. Pinagsabihan ako ni papa na ‘wag na uulitin iyon. Kaya siguro hindi rin ako marunong ay dahil hindi rin naman ako nasanay.
Marahas akong napabuntong-hininga nang maalala iyon. Napansin ko pa ang pagsulyap sa akin ni manong driver. Kaming dalawa lang ang laman ng jeep kaya rinig na rinig niya. Hindi pa rin kasi kami umaalis. Parang mayroon pa siyang hinihintay. Nahihiya naman akong sabihin sa kaniya na wala na yatang estudyante roon sa loob.
Sa pagsulyap ko sa labas ay nakita kong nasa loob na ng guard house si manong na nakausap ko kanina. Maybe I could thank him again when we see each other some other time.
Isinandal ko ang likod habang pinagmamasdan ang cellphone. Bakit kaya walang signal? Paano ko magagawang tumawag kay papa nito?
“Ay pusang walang modo!” nagugulantang na saad ko nang biglang umandar ang makina ng sasakyan.
Kasabay nang pag-ayos ko sa pagkakaupo ay ang siya namang pagpasok ng mga kabataan na siguro ay kasing edad ko lang.
“Dali-dali! Ang bagal ng mga pwet ninyo!” sabi ng isang babae.
Nanlaki ang mata ko nang paluin niya sa pang-upo ang nauunang lalaki. Napausog ako sa dulo, kung saan pinakamalapit bumaba dahil halos hindi matapos ang pumapasok sa loob.
Ang kaninang tahimik at aalog-alog na sasakyan ay nakakapagtakang biglang napuno. Ibinaba ko ang aking sombrero at nagbaba ng tingin.
“Ang ingay ninyo! Hindi ninyo nabili ang sasakyan ni manong!” natatawang saad ng isang boses lalaki.
“E ‘di bibili ako ng akin!” sambit naman ng isa.
Halos mabingi ako sa ingay nilang lahat. Bigla akong nanibago.
Pasimple akong nag-angat ng tingin. Mayroong limang katao sa aking harapan. Apat na lalaki at isang babae. Sa hanay ko naman ay mayroon pang dalawang babae at dalawang lalaki.
Mahigpit kong nayakap ang aking bag at agad na nagbaba muli ng tingin nang sumulyap sa akin ang dalawang lalaki na nasa aking harapan.
I feel so awkward. Lahat sila ay nag-uusap samantalang ako ay walang kakilala. To get myself busy, I look what’s inside my bag. Umakto ako na may tinitingnan doon para man lang hindi ko maramdaman ang pagkailang. May nakita akong isang mask.
Pasimple akong umubo habang kinukuha iyon. Natigil sila sa pag-uusap. Ako naman ay inayos ang pagkakasuot ng mask sa aking bibig. Noong mayroong takip na ay saka ako nakahinga ng maluwag. I am not used to be with crowded people. Lalo na at kasing lapit ng mga ito.
“Magbayad na kayo. Napapaghalataan ko ang mga ugali ninyo,” sabi ng lalaki na nasa tabi ko.
Humahalakhak na naglahad siya ng kamay sa mga kaibigan.
“Wala bang manlilibre sa kain? Plus points sa langit ang manlilibre!” sabi ng isang babae.
Nauulinigan ko lang sila dahil hindi ko na kayang mag-angat ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay mapapansin nila kahit ang paggalaw lang ng aking ulo.
“Plus points, plus points ka r’yan. Magtigil ka. Ang kuripot mo talaga, Mariam!” sabi muli ng lalaking katabi ko.
May suot akong sombrero kaya hindi nila masiyadong napapansin ang pagsulyap ko sa paligid. Nakita kong tinapik niya ang mga nasa harapan namin at nagkani-kaniya silang lagay ng barya roon. Ganoon ba ang ginagawa? Kinokolekta kapag magbabayad?
I am pressured right now. Ngayon ko lang naisip kung paano pala ang pagbabayad? Pinanood ko sila na magbilang ng barya at ibinibigay roon sa lalaking katabi ko.
“Bayad po. Bayad.” Humarap sa akin ang lalaki.
Kita ko ang mapuputing ngipin niya na nakalabas dahil sa pagngisi. Kinabahan ako nang bahagya siyang sumilip kahit na nakatungo ako. Hindi sinasadyang napasiksik ako sa dulo.
“Hoy, g-go ka talaga, Bryan. Hindi natin ‘yan kasama.” Isang babae ang nagsabi noon at narinig ko pa ang paglagitik nang hinampas na braso.
“‘Wag mong tinatakot! T-rantado ka talaga!” Hinila siya palayo sa akin ng isa pang lalaki na kaniyang katabi.
Napapakunot ang noo ko sa mga murang naririnig sa kanila. Ganitong-ganito rin ang naririnig ko sa mga ka-eskwela ko dati.
“Ano ba?” Tinanggal ng lalaki ang kamay na nasa kaniyang balikat. “Tatanungin ko lang kung sasabay na siya sa pagbabayad. Iaabot din naman niya agad mamaya,” sabi ng lalaki at muling sumulyap sa akin.
Singkit ang mata ng lalaking nasa aking tabi. Sa tuwing ngumingisi siya ay nawawala ang kaniyang mga mata.
“Bayad mo, miss. Ako na ang mag-aabot doon.” Muli siyang ngumiti sa akin.
Napatango naman ako. Wala akong nagawa kung hindi kunin ang pitaka sa aking bag. Nagmamadali pa ako sa pagbubukas noon dahil kinakabahan ako. I don’t want to make them wait.
“Magkano po?” mahinang tanong ko.
Gaano ba kalayo ang bayan mula rito sa university namin?
“Bago ka ba? Ten pesos, miss.”
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan dahil siya ang sumagot sa aking tanong, ngunit agad ding nag-iwas ng tingin nang ang isang lalaking nasa kaniyang tabi ay sumulyap din sa gawi ko.
Nagbaba ako ng ulo at inabala na lang ang sarili sa pagkuha ng pera sa bag. Ten pesos? Hindi ko alam kung mayroong nilagay si papa noon sa bag ko.
“Oh my gosh!” bulong ko na alam kong narinig nila.
Mariin kong naipikit ang mga matang nasa likod ng salamin at isang marahas na buntong-hininga ang muling lumabas sa aking bibig. What the freaking hell?
“Bakit, miss? Naiwan mo ba ang pitaka mo?” tanong ng lalaki sa tabi ko, kung hindi ako nagkakamali ay Bryan ang pangalan niya.
Malapit na akong mapaiyak. Wala akong makitang barya. Pakiramdam ko ay nanlaki ang ulo ko nang mabuksan ang laman ng pitaka. Pinakialaman na naman ni papa ang bag ko. Ilang lilibuhin ang laman nito at hindi ko na nabilang kung ilan!
Pwede ba na ito ang ibayad? Hindi kaya ay pagalitan ako? Lahat kasi sila ay barya ang inilabas na pera! Dapat siguro ay hinintay ko na lang talaga si Manong Robles para hindi ako namomroblema rito. Ano na ang gagawin ko?
“Miss?” Napapitlag ako nang muli akong tinawag ng lalaki.
“Hayaan mo na siya, Bryan. ‘Wag na hintayin kung wala naman palang pambayad!” may halong inis na sabi ng isang babae na hindi ko na tiningnan kung sino. Hindi ko rin naman kasi alam ang pangalan.
“That’s harsh, Nikka.” Naulinigan kong saad ng lalaking nasa aking harapan na siyang nagsabi kung magkano ang pamasahe.
“Ako na lang ang magbabayad, miss.” Dugtong din nito.
Alam kong namumula ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Mabuti na lang at nakasuot ako ng mask. Ngunit kahit na hindi nila nakiktia ang mukha ko ay hindi ko pa rin maiwasang hindi makaramdam ng hiya.
“Ang bait naman talaga ni Steve. Sana all!” tudyo sa kaniya ng mga kasama.
Mas lalo akong nahiya. “Thank you. Pasensya na,” nahihiyang wika ko at hindi na tiningnan kung ano ang reaksyon niya.
This is embarrassing! Kapag nalaman ito ni papa ay pagsasabihan na naman niya ako. At higit sa lahat, ay papagalitan niya ako dahil umalis ako nang hindi nagsasabi sa kaniya. Paano ba naman kasi ay walang signal. Baka pagdating sa bayan ay mayroon na.
Nagpatuloy ang pag-andar ng sasakyan at nagpatuloy rin ang bulong na naririnig ko.
“Sumasakay ng jeep na walang dalang pamasahe. Nakakahiya, hindi ba?”
Hindi ako sigurado kung bulong iyon dahil naririnig ko. Kahit hindi niya sabihin kung kanino niya ipinaparating iyon ay alam ko. Mas lalo akong nakaramdam ng panliliit at pagkapahiya.
“Tama na, Nikka. You are being rude.” Isang babae ang sumaway sa kaniya.
Nanatili akong tahimik. Kung pwede lang ay maglaho ako rito sa kinauupuan ko.
“No. Nakakapagtaka lang! Ang ganda ng bag niya tapos walang pambayad? Para sampung piso lang, iaasa pa niya?” saad ng tinatawag nilang Nikka.
Nakagat ko ang labi sa likod ng mask na suot ko. Naramdaman ko rin ang pamamasa ng magkabilang sulok ng aking mga mata. Ganito ba talaga kapag sumasakay sa pampasaherong sasakyan? Kailangan ay makaranas ng pamamahiya kung gusto kong maranasan na sumakay rito?
“That’s enough, Nikka. You are not the one who paid her fare. Enough with the humiliation,” saad ng isang baritonong boses. Sobrang seryoso ng boses niya na nagpadagdag lang ng kabog ng aking dibdib.
“But, babe-” Nikka was cut-off by the same guy.
“Enough, Nikka. It is not funny anymore,” sabi ng lalaki.
Huminto na ang babae. Kahit ang mga kasama namin ay nanahimik na rin. Ako ay gusto ko na lang lunukin ang dila ko para wala akong masabi. Ang tanging maririnig lang sa paligid namin ay ang tunog ng makina.
Inaliw ko na lang ang sarili sa pagtingin sa labas. Mukhang malayo na ang natatakbo ng sasakyan. Kung kanina ay puro puno pa ang nakikita ko, ngayon naman ay mayroon na ring matatayog na gusali. Unti-unti ay mayroon na akong kabahayan muli na nakikita.
Nawiwili ako sa pagtanaw sa labas nang mapansin ko sa aking peripheral view na nakasulyap ang mga lalaki na nasa unahan ko. Tumikhim ako at pasimpleng ibinaba ang aking sombrero. They might think that I am weird. Siguro ay nagtataka na sila kung bakit balot na balot ako.
“New student ka? Bagong enrolled?” Nagulat ako nang walang anu-ano ay nagsalita si Steve, iyong lalaki na nanlibre sa akin ng pamasahe.
“Makikipag-usap ka talaga sa kaniya, Steve? She is weird!” Ang pamilyar na boses ng babaeng si Nikka ang muli kong narinig.
“I am telling you, Nikka…” There is a warning tone in the guy’s voice.
Napatingin ako sa kaniya. Magkatabi silang dalawa kaya kita ko ang paghilig ng babae sa balikat nito. Ang lalaki ay mayroong matipunong katawan na halos kalahati lang yata niya iyong babae. The girl has a shoulder length hair with full bangs. Maputi at chinita ito. She is pretty.
Ang lalaki naman ay parang katulad noong mga nasa movie na napapanood ko. Iyong tinataguriang campus crush with cold attitude. Sa unang sulyap ko pa lang sa kaniya ay mapapansin na ang kaseryosohan sa kaniyang mukha. Ang makakapal niyang kilay ay nakakunot habang nakasulyap sa babaeng nakahilig sa kaniya. Ang panga niya ay nag-uumigting.
“Hey, miss.” Naipilig ko ang ulo nang marinig iyon. Fudge! I was lost with my own thoughts because of that guy!
Napansin ko ang paglingon sa akin ng lalaking kanina lang ay inilalarawan ko kaya agad kong inilipat ang tingin kay Steve na nasa aking harapan.
“Pardon?” I was apologetic. I didn’t mean to be rude. Sadyang may kung anong humihila lang sa akin na sumulyap sa gawi ng lalaki.
Ngumiti naman ang nagngangalan na Steve. “You are a new student?” he asked.
Tumango ako at kiming napangiti kahit na hindi naman makikita.
“Oh, really?” Napansin ko ang pagkislap ng mata ng lalaki.
Muli akong tumango. Hindi ko alam ang isasagot ko. I am not comfortable. Sanay lang akong makipag-usap sa mga kasama namin sa bahay. Hindi ko pa naranasan ang magkaroon ng kaibigan – ng mga taong sila ang unang kakausap sa akin.
“Oh, good luck! What is your name? By the way, I am Steve Collins.” Inilahad niya ang kamay sa aking harapan. Tiningnan ko iyon. Hindi ko alam kung kukunin ko dahil kinakabahan ako sa mga tingin na ibinibigay ng kaniyang mga kasama.
“Bayan. Bayan na po.” I feel like I was saved from the verge of death when I heard that.
“Thank you for the fare. Here is my payment.” Kinuha ko ang ilang asul na papel na nasa aking pitaka. Sa halip na tanggapin ang nakalahad niyang kamay ay ipinatong ko rito ang pera.
“Sorry for the inconvenience.” Yumuko ako sa kanila at mabilis na bumaba ng sasakyan. Mabuti na lang at nandito lang ako sa dulo.
Nakisabay na ako sa kumpol ng mga tao at hindi na nilingon ang mga nakasama ko wala pang minuto ang nakakalipas. Siguro naman ay hindi ko na sila makikita. Malaki ang university, sigurado akong hindi na magkakasalubong ang aming mga landas.
Ngayon ang kailangan ko na lang problemahin ay ang lugar na ito. Hahanapin ko pa kung nasaan ang mall. Great, Catalina.