“Nana! Nakita mo po ba yung medyas ko?!” sigaw ko mula sa sala habang abala sa paghahanap ng medyas ko na kanikani lang eh nilapag ko sa sofa para di nako pabalik balik sa kwarto.
“Medyas ba kamo? Ah eh nilagay ko na sa labahan akala ko kasi gamit na eh” Sagot naman nito mula sa kusina
“Nana naman eh, kakalabas ko lang po nun. Nilapag ko lang sa sofa para di nako pabalik balik sa kwarto.” Turan ko dito saka tumungo na sa banyo para kunin yung medyas kong nalagay sa labahan. Pagkakita ko ditto ay agad ko na itong kinuha at saka na nagtungo sa sala kung saan naabutan ko siya nakatayo katabi ng sofa.
“Oh, bat po kayo nakatayo jan? Maupo po kayo. Sasakit nanaman ang likod, balakang o di kaya paa niyo jan eh.” Sabi ko ditto saka ito inalalayang maupo sa upuan.
“Ano ka ba wag mo ka masyadong mag-alala sakin mas malaksa pa nga ako sa kalabaw eh.” Tugon naman nito saka tinapik ng bahagya ang kamy kong nakaalalay sakanya.
“Sigurado po ba kayong okay lang kayo ditto? Sabi ko naman po kasi okay lang ako mag-aral ditto eh oh di kaya sumama na lang kayo sakin dun.” Sabi ko ditto habang sinisintas ang sapatos ko.
“Kasama ko naman si Eileen ditto eh. Wag ka na masyado mag-alala saka mas maganda ang magiging future mo kung sa maynila ka mag-aaral isa pa nasubukan mo na din namang tumira dun ng isang taon dati eh diba kaya alam kong magiging maayos ka dun wag mo na ako masyado isipin. Ang mahalaga maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay.” Nakangiting turan nito sakin at isang buntong hininga na lamang ang naisagot ko ditto.
“Siya nga pala, anjan na ba lahat ng gamit mo? Wala ka na bang naiwan?” tanong nito sakin habang isa isang pinapasadahan ng tingin ang mga gamit ko.
“Opo, andito na lahat ng mga gamit ko saka kung may kulang man po pwede naman po akong bumili ng dun.” Sagot ko naman ditto saka na tumayo para gumayak paalis.
“Paano po, aalis nako, hindi kop o alam kung kailan ako makakabalik ulit. Pero wag po kayo mag-alala tatawag po ako sainyo ditto tuwing gabi o kapag may free time ako. Yung gamut niyo po ah wag niyo kakalimutang inumin.” Bilin ko ditto saka sinukbit ang isa kong backpack na naglalaman ng iba kong gamit.
“Kailan nga po pala dadarating dito si ate Eileen? Balak ko sana siyang hintayin dito bago ako umalis eh kaso kailangan ko ng bumyahe para maaga ako makarating duon.” Ani ko dati habang tinitignan kung anong oras na ba.
Alas dos na din ng tanghali dibale naman at malapit lang ang Manila sa Nueva Ecija wari ko mga tatlong oras mahigit lamang ang byahe. Pero kailangan ko pa ding gumayak ng maaga in case traffic sa daan at para na din magkaroon pa ako ng time maglibot at magpahinga.
Ding-Dong
Speaking of, mukhang anjan na siya. Ako na lang din ang lumabas para salabungin ito sa gate.
“Good morning bebe naku pasensya na ha ngayon lang ako nakarating mejo traffic eh.” Bungad nito sakin nang Makita akong lumabas ng bahay.
“Naku, ate okay lang, tama nga lang po ang dating mo eh. Paalis na din po kasi ako akala ko nga di na kita mahihintay eh.” Sagot ko naman dito saka tuluyan ng pinapasok si ate Eileen sa loob ng bahay.
Si ate Eileen ang isa sa mga masasabi kong loyal na katulong dito sa bahay. Ilang taon na din siyang nag tratrabaho saamin at masasabi kong parang kapatid na din ang turing ko sa kanya dahil sobrang bait nito.
Pagpasok naming sa loob ay agad itong nagmano kay nana. Si nana nga pala ay lola ko, nana ang tawag ko sakanya mula pa pagkabata. Kung nagtataka kayo kung bakit siya ang kasama ko dito sa bahay, well I’d say siya na din kasi ang tumayong magulang ko mula pa noong 8 years old ako. Bakit? Mahabang storya haha.
“Ate Leen, ikaw na po bahala kay nana ah, yung gamut niya po wag mo kakalimutan nalagyan ko na ng oras bawat gamut niya tignan mo na lang po dun. Saka wag mo ako kakalimutang tawagan kapag may problema dito sa bahay.” Bilin ko sakanya at nag thumbs up naman ito bilang tugon.
“Nana, alis na po ako, ingat po kayo lagi dito ah. Uuwi po ako dito tuwing bakasyon. Wag na kayong kumontra.” Paalam ko naman kay lola ko saka ito niyakap ng mahigpit. Amoy na amoy ko ang paborito kong amoy nito na siya ding nakakapagpakalma sakin minsan.
Ilang minuto pa ang itinagal ng yakapan naming dalawa bago kami makarinig ng isang busina mula sa labas dahilan para tuluyan akong humiwalay mula sa pagkakayakap niya.
“Mukhang si Rusmmel na po yun, siya po maghahatid sakin sa Manila.” Sabi ko sakanila saka na hinila yung dalawa kong maleta at naglakad na palabas ng bahay. Nakasunod lang naman sila ate at lola sa akin.
“Good afternoon nana Fe, you’re looking good po huh.” Bungad samin ni Rusmmel pagkalabas naming ng gate. Nakatayo ito malapit sa kanyang sasakyan ngunit lumapit ito samin para salubungin kami pagkakita nito saamin. Close din siya kay lola, ewan ko ba siguro dahil na din sa magkababata kaming dalawa at madalas din dito sa bahay ang kupal.
“Ikaw talagang bata ka oo, oh siya, mag iingat kayo sa byahe ha. Wag magpapatakbo ng mabilis at ng maaksidente pa kayo nako. Dahan dahan lang makakarating din naman kayo dun kahit na ganun, ha?” bilin naman ni lola saaming dalawa na tinanguan naming dalawa.
“Wag kayong, mag-alala nana gusto ko pa naman pong makasal no.” biro naman ni mel sakanya na ikinatawa na lang naming lahat.
“Siya, dun na lang sa likod yung mga gamit mo since dalawa lang naman tayong sasakay dito, akin na at ng maayos ko na, magpaalam ka na sa kanila.” Baling nito sakin saka na kinuha ang mga gamit ko at nilagay na ang mga ito sa likurang parte ng kanyang sasakyan.
Niyakap ko naman sa huling pagkakataon si lola saka ito kinausap.
“Wag pong matigas lagi ang ulo ah.” Bilin ko pa sakanya na ikinatango nito habang nakangiti sakin. Hinawakan pa nito ang ulo ko na kadalasan niyang ginagawa sakin dahilan para mapangiti ako.
“Alis na po ako.” Paalam ko muli sakanya at tumango lang ito bilang tugon kaya naman ay sumakay na ako sa sasakyan ni Mel. Tinignan ko pa muna sila bago ko tuluyang isara ang pintuan ng sasakyan.
“Let’s go?” tanong sakin ni Mel pagkasara ko ng pintuan kaya tinaguan ko naman ito saka muling binalingan ng tingin sila lola na unti unti ng lumiit ang pigura sa aking paningin habang unti unting umaandar palayo ang sasakyan.
Ako nga pala si Elia Tamika Jade Respecia, alam kong mahaba ang pangalan ko kaya Elia na lang for short or bahala kayo haha. Patungo ako ngayon sa Manila para duon mag-aral, sinabi kong dito na lang ako saamin pero nag insist si lola na dun na lang sa manila since nakapasa naman ako sa entrance exam sa La Montigne University. Well punuan na din kasi ang slot sa course ko sa mga schools dito kaya no choice na din ako. Gaya ng sabi ni lola, nasubukan ko na ngang tumira sa Manila before for a year it’s because naging exchange student din ako dun before for a year.
“Are you really sure about your decision Tami?” Rusmmel suddenly asked out of nowhere.
“Hmm. It’s like I have a choice.” I shrugged
“Well, you have a point tho. Anyway, pinapasabi ni Yesha ingat ka daw dun and mamimiss ka daw niya.” Turan nito na ikinatango ko naman.
“Bakit nga pala di nakasama yun? Akala ko pa man din ihahatid niyo akong dalawa.” Nakangusong sabi ko dito
“She has some errands to do right away, so she can’t come.” He shrugged so I just nodded.
Rusmmel Gadier is my friend by the way. Childhood bestfriend as well as Yesha Mae Narte both of them call me Tami and I call Rusmmel, “mel” while I call Yesha “shang” we were so close to the point na kilalang kilala na namin ang bawat isa maging ang talambuhay ng bawat isa samin.
Para na nga ding kapatid ang turing ko sa kanila dahil sila na din ang tumayong ate at kuya ko ever since. Sila nagtatanggol sakin sa mga bullies and the likes. Well ganun din naman ako sa kanila.
Nagawi ang tingin ko kay mel na naka focus ang atensyon sa pagmamaneho. Kapag nakikita ko sila hindi ko alam kung ilang pasasalamat na ang nasasabi ko sa utak ko dahil kahit di ko sila kadugo ay sila na ang tumayong pamilya ko.
“You can take a nap if you want, di pa tayo nakakalabas ng N.E. and remember approximately 3 hours at most ang duration ng byahe natin so have some rest for now.” Sambit nito sakin na nagpabalik sakin sa realidad.
“Okay.” Sabi ko na lang dito saka hinayaan ang sariling lamunin ng dilim.