The Start
"Ate magkano po dito?" tanong ko sa presyo ng mansanas na hawak ko. Andito ako ngayon sa palengke para bumili ng mga prutas ubos na kasi stock ko sa condo eh. Wala ng laman yung fruit basket.
"Kinse na lang sa isang piraso ganda. Yan na lang natira bilhin mo na lahat." Alok nito sakin, may sampung piraso na lang kasi ng mansanas ang natira sa paninda nito mabili din kasi paninda nitong mansanas eh palaging madaming bumibili dito kapag napapadaan ako kaya sa iba ako nabili.
"Matamis ba yan ate? Pwede po free taste? " natatawang biro ko naman dito habang tinitignan ang mga mansanas. Mapupula naman ang mga tinda nito at mukhang masarap talaga
"Aba'y matamis yan ganda o ito tikman mo." Sabi naman nito saka hinati yung isa nitong bentang mansanas. Inabot nito sakin ang dalawang hati ng mansanas pero isa lang kinuha ko.
"Sainyo na yung isang hati ate, hati tayo haha pero biro lang po yung free taste ah, di ko naman po alam na seseryosohin niyo." nahihiyang sabi ko naman dito saka kumagat sa mansanas.
"Hmm.. matamis ngaaa!" napapatangong sabi ko habang tumatango tango pa. Ngumiti lang naman si ateng tindera sa turan ko.
"Sige ate pabalot na po ng mga mansanas kunin ko na yan lahat. Kukuha din po ako ng isang kilong saging saka dito." turo ko sa nakasabit na kiat-kiat. Agad naman nitong binalot ang mga sinabi ko.
Habang hinihintay ang mga pinamili ko ay iginala ko muna ang paningin ko para magtingin ng mga pwede pang bilhin dito.
Napunta ang atensyon ko sa isang komosyon sa di kalayuan dito. May isang matandang babae na sinisigawan ng isang tindero.
"Ganda ito na yung mga prutas mo." pagtatawag ni ateng tindera sa atensyon ko. Inabot ko naman ang bayad saka kinuha yung ilang supot ng prutas. Tumingin ulit ako sa pwesto ng lalaking naninigaw kanina ng matanda at nakitang di pa rin tapos ang mga to.
"Kahit kailan talaga napakainit ng ulo nitong si Juan, kaya wala masyadong bumibili sa kanya eh, tsk. Ganda, sukli mo." dinig kong sabi nito kaya agad ko namang inabot ang sukli ko.
"Madalas na po ba mangyari to dito?" tanong ko dito saka tumingin muli sa nangyayaring komosyon.
"Yang matandang yan kasi madalas bumili dito pero laging kulang yung pera niya. Kung ako okay lang, minsan nga di ko na pinapabayaran eh pero yang si Juan kasi mukhang pera yan hindi pwede sa kanya yung tawad tawad ganun kaya ayan lagi yang napapaaway dito." napatango naman ako sa sinabi nito. Nagpasalamat pa muna ako dito saka umalis.
Naglakad na ako patungo sa lugar ng komosyon dun kasi yung daan palabas ng market. Ang kaso nakaharang sila sa daan at andami ng taong nakapalibot sa kanila para makichismis.
Di ko na lang sana ito papansinin at maghahanap na lang sana ng ibang pagdadaanan kaso nakita ko kung pano itulak ng lalaki yung matanda dahilan para mapaupo ito. Napakuyom naman yung kamao ko dahil dito at di na nga ako nakatiis at lalapit na sana dun pero may isang lalaki ng naunang lumapit dito.
Nakahood ito kaya di ko makita ang mukha niya pero sa figure nito mukhang kaedad ko lang siya o mas matanda sakin ng ilang taon.
Lumapit ito sa matanda at inalalayan itong tumayo kaso pinigilan siya nung tindero at pinilit na pinaharap ito sa kanya.
"Hoy, wag ka makikialam dito." sabi nito sa lalaki ngunit di siya pinansij nito at binalingan ulit si lola na ngayon ay nakatayo na ngunit nakatungo. Sinuri nito ang matanda at nakitang mukhang ayos naman ito.
"Who gave you the right to hurt other people?" he said monotonously. Even the people around begun to murmur saying they got the chills just by hearing his voice. Well even I got the chills.
"A-ano? nasa palengke ka kaya magtagalog ka wag kang pasikat." nakapamewang na sabi nung tindero dito.
"I see di ka nakakaintindi ng english. Sige tatagalugin kita." mapaglarong turan nung lalaking naka hood at kahit hindi kita ang mukha nito sa pwesto ko batid kong nakangisi ito ngayon.
"Tindero ka lang dito at wala kang karapatan na manakit ng tao dahil ang karapatan mo lang pagkapasok mo sa palengkeng ito ay ang magbenta ng mga benta mo." balik seryosong sabi nito at hindi naman nakaimik yung tindero dito.
Nang walang matanggap na reponse mula dito ay bumaling ng muli ito kay lola at akmang kakausapin ito nang biglang higitin nung tindero ang suot nitong jacket paharap sakanya dahilan para matanggal ang hood nito na tumatakip sa kanyang mukha.
Napasinghap naman ang mga tao sa paligid lalo na ng mga kababaihan ng makita ang gwapo nitong itsura. Well gwapo naman kasi siya, base sa mukha nito maputi siya, at mukhang mayaman, maganda ang mga mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi.
"Sino ka ba ha? Ikaw ba may ari ng palengke?" sigaw nung tindero na mukhang sasabog na sa sobrang pula ng mukha.
"Hindi, pero kaya ko itong bilhin ora mismo." mayabang na sagot nito habang nakangisi pa.
"Balutin mo na lahat ng paninda mo bibilhin ko na lahat." nang uuyam na turan pa nito saka nag cross arms na tila nabobored na sa mga nangyayari.
Hindi naman nakasagot yung tindero at nanatiling nakatayo lamang sa kanyang pwesto.
"Di ka ba gagalaw?" bagot na bagot na sabj nito saka bumuntong hininga at nilibot ang paningin sa paligid.
"It's a get all you want. Balutin niyo na lahat ng mga prutas na gusto niyo sagot ko na yan." sabi nito sa mga tao. Nang marinig ang sinabi nito ay nagkagulo na ang lahat sa pagkuha ng mga prutas.
Samantala yung tindero ay nakatayo pa din sa kanyang pwesto na tila estatwa. Nilapitan naman nito ni Mr. Hoodie Guy at inabutan ng isang maliit na papel na kung di ako nagkakamali ay isang cheke. Hindi ito gumalaw kaya naman ay tinupi niya ito at nilagay sa bulsa ng tindero saka muling nilapitan si lola.
May kinuha pa muna itong ilang supot na siguro ay binili nito kanina ngunit tinabi sa gilid ng sumawsaw sa nangyayaring komosyon.
Inabot nito ang mga supot na bitbit sa matanda na tingin ko ay naglalaman din ng mga pagkain at prutas.
Tinanggap naman ito ng matanda at maluha luhang nagpasalamat.
Nginitian naman siya nito saka na tumalikod at naglakad paalis. Pinanood ko naman itong isuot muli ang kanyang hood at namulsa saka naglakad na palayo.
Napangiti na lang ako dito. At tingin ko dun na nag umpisang magkagusto ako sa kanya.
Sana magkita pa tayo muli.