Hello Manila

2312 Words
"Tami... Tams, were here" I woke up with the voice calling my name and I found out it was Mel's. Kasama ko nga pala siya ngayon pamanila, nawala sa utak ko. "Where are we exactly?" I asked while roaming my eyes on the surrounding that can be seen through the window of his car. Padilim na din pala ganun ba katagal yung byahe namin? "Were already in Manila, at the parking lot of your condo building to be exact." he responded while he's busy typing something at his phone. I bet may katext nanaman to. "I see.... Wait, condo? Did I told you my condo's address before we left earlier?" I asked wide eyed. As far as I remember wala akong nabanggit sakanya kung saan ako tutuloy dito sa Manila so how come? "You've told me before that you like it here and that when given the chance to go back here you'll still choose to live here." he shrugged. Well then, that makes sense sinabi ko nga pala yun sa kanila dati. "Oh okay. I'll just get my stuffs then." I said before getting out of his car. Sunod ko namang binuksan ang pintuan sa likurang parte ng kanyang sasakyan para kunin ang mga gamit ko, nakita ko namang lumabas na din ito sa kanyang sasakyan at tinulungan ako sa pagbaba ng mga gamit. "Nakuha mo na ba lahat?" tanong nito sakin ng maibaba na namin lahat ng gamit ko na tinanguan ko na lang. "Alright then, let's go." He said before he goes inside the building with my 2 luggage. Sumunod na lang din ako dito. Pagkapasok sa loob ay nilibot ko ang paningin ko, ganun pa din naman ang itsura nito walang pinagbago. Kung may pinagbago man siguro yun ay ang ibang staffs and some interior designs for the betterment of the establishment. Sa sobrang pagkaaliw ko sa pagtingin sa paligid ay di ko na namalayang si Mel na pala ang kumuha ng susi ng unit ko. "Let's go." anito pagkakuha ng susi ko at nauna ng maglakad sa elevator kaya sumunod na lang din ako. You see, para ko talaga siyang kapatid kung meron lang si Yesha dito magmumukha na talaga akong bunso nilang kapatid. Well they're one year older than me naman din kasi and pag kamk talaga nagsamang tatlo para talaga akong nakababatang kapatid nila kung ituring dahil sila lagi nag aasikaso sakin. Bumukas ang elevator sa 10th floor at dun naman lumabas si Mel habang nakasunod lang ako sakanya. Habang naglalakad ay nililibot ko ang paningin ko sa pasilyong dinadaanan namin. Even this seems familiar, mukhang may idea nako kung saan ang unit ko, at di nga ako nagkamali dahil huminto kami sa isang pintuan na may nakalagay na 482. Tinapat nito yung card sa parang knob ng pintuan na magsisilbing susi ng condong ito at bumukas ito kaya agad na kaming pumasok. Kung sa lobby halos walang pinagbago, dito naman halos napakaraming nagbago. From the paint, design and stuffs napakaraming nagbago. "Were here. Do you like it? Oh, I know you love it." He chuckled which made me smile. Kilala na talaga ako nito. "Thanks for accompanying me here." I sincerely smiled as I walked towards him to give him a hug "No worries, missy. Oh siya kung may kailangan ka or if you need us just call me or Yesha and we'll come right away... As much as I want to stay here with you, I can't, I got some errands to do." he said as he breaks the hug. Napanguso naman ako sa sinabi nito. "Hindi ka ba muna magpapahinga, kahit saglit lang? I know you're also tired." I said "Nah, malapit lang naman ang Nueva Ecija hahaha. Also may kailangan din akong gawin bukas na bukas. Dibale maaga aga pa naman so probably maaga din ako makakarating dun and makakapagpahinga pa ako." Sabi nito saka pinat ang ulo ko na madalas nitong gawin. "Okay then, ingat ka sa byahe ah, and thank you sa paghatid sakin dito." Nakangiting turan ko dito na tinanguan naman niya. "Alright then, I better get going. I'll visit you here some time and I'll make sure by then kasama ko na si eshang." Paalam na nito sakin habang tinataas baba ang kilay. "Okieee, hatid na kita sa parking lot." sabi ko at nauna ng maglakad papunta sa pintuan pero hinila ako nito pabalik saka umiling. "Ayusin mo na lang mga gamit mo dito para makapagpahina ka na din after okay? Kaya ko na sarili ko don't worry." sabi nito kaya napabuntong hininga na lang ako at tumango. Ngumiti naman ito saka pinat muli ang ulo ko saka na tuluyang lumabas ng condo at ako ay naiwan na ngang mag isa dito. Tinignan ko ang mga maleta at backpack ko saka na nagpasyang mag ayos dito. Ilang oras din ang nagugol ko sa pag aayos ng mga gamit ko. Mula sa pagtutupi at paglalagay ng mga damit sa closet hanggang sa pagchecheck ng mga gamit dito at kung ano pa ang mga kailangan kong bilhin aside from foods. Habang nakaupo sa kama ay napatingin ako sa wall glass ng kwarto ko at nakita kong madilim na pala napatingin naman ako sa relo ko at nakitang mag alas otso na ng gabi, kumakalam na din ang tiyan ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at binuksan ang pintuan na papunta sa terrace at sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin. May isang pabilog na hammock dito na magandang tambayan lalo na kung gusto mong magliwaliw o sumagap ng sariwang hangin. Kita din dito ang tila bituing kumikislap ngunit ang totooy mga ilaw galing sa mga buildings, bahay, at sasakyan na dumadaan sa mga kalsada. Kaya ko nagustuhan tong condo nato dati dahil dito. Mahilig akong magsenti sa true langs hahaha. Pero seryoso ako yung tipo ng taong mahilig magliwaliw o mag isip isip ng mga bagay bagay at sa mga ganitong view o places ako nakakahanap ng peace kumbaga ito ang comfort zone ko. Naalala ko sa amin dati pag stress na stress nako o pag sobrang hirap nako sa lahat ng nangyayari sa buhay, pumupunta ako sa parke sa subdivision namin kung saan ako lang dun mag isa o di kaya sa malapit na lote sa bahay kung saan open siya at kita mo dun ang mga bituin sa gabi, maski sunset sa hapon dun ako naglalabas ng mga saloobin o di kaya kadalasan ay uupo lang ako dun, pagmamasdan ang paligid, hihinga ng malalim, that way gumagaan ang pakiramdam ko and alam ko na somewhere out there may mga tao ding ganun gaya ko. Serenity is heart haha. Di ko alam kung ilang minuto akong nakatayo dito sa terrace habang pinagmamasdan ang siyudad nang mabalik ako sa realidad dahil sa pagvibrate ng phone ko. Agad ko naman itong tinignan at nakitang may text sakin si Mel sabi nakarating na daw siya dun. Di na din ako nag abala pang mag reply dito at nagpasya na lang na lumabas ng condo para kumain since wala pa namang laman yung ref. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Nagpolbo at lip tint unti, sinuot ko din yung hoodie jacket ko since di ko pa napapalitan yung shirt at pants na suot ko kanina saka nagsuklay lang bago ako lumabas ng condo. Nilagay ko naman sa wallet ko yung ID like key ng unit ko saka nako bumaba ng condo. Hindi ako sigurado kung ganun pa din ang mga establishment dito gaya ng natatandaan ko o kung nagbago na ba pero siguro naman ay hindi haha. Gaya ng natatandaan ko ay naglakad lang ako ng naglakad papunta sa malapit na fast food chain dito, dun na lang muna ako kakain dahil nagcrecrave ako ng sundae at soup ng Jollibee hihi. Pagkarating ko dun ay nag order na ako agad at bunti na lang dahil kunti lang ang tao ngayon dahil anong oras na din naman na at syempre karamihan ng tao ngayon kumakain na sa kani kanilang bahay. Pagkaorder ay umupo nako sa bakanteng table sa may sulok at nag umpisa ng kumain. Ilang minuto din ang tinagal ko sa Jollibee dahil ninamnam ko talaga bawat pagkain hahaha. Napatingin ako sa relo ko para tignan ang oras at mag aalas nuebe pa lang. Masyadong boring ngayon sa condo dahil wala naman ako sa mood na manood ng tv. Siguro maglalakad lakad na lang muna ako dito. Naisipan kong magpunta sa night market na malapit dito. Katatapos ko lang kumain pero wala lang haha. Madaming stalls dito at halos magkakaiba sila ng binebenta, may burger stalls, street foods, milkteahan at iba pa, dito din ako madalas magpunta dati nung tumira ako dito ng isang taon. Naglakad ako patungo sa mga stalls at nagtingin tingin ng mga pwedeng bilhin. Madami ding tao ngayon karamihan ay mga lovers na lowkey o low budget na ninais na lang mag street food date huehue. Oy pero di ako against sa ganun ah I'm not judging nor descriminating. In fact, kung ako lang din magkaboyfriend gugustuhin ko na lang din magdate sa ganitong lugar rather than going to fancy restaurants. For me kasi mas enjoy pag simpleng ganito lang eh. Pero of course kung bet niyo sa mahal kasi mahal niyo ang isat isa edi go suit yourselves hahaha char. Habang naglalakad sa pagitan ng mga stalls ay madami akong nakakasalubong na mga tao karamihan nga mag jowa but I dont care I can treat myself naman haha welp. Ang kaso di din mawawala ang mga tulakan kaya naman ay sa kamalas malasan ngunit di maiiwasang pagkakataon ay muntik nakong matumba o ma out of balance dahil sa may kung sino mang unknown entity na tumulak sakin sa likod. Sa lakas ng pagkakatulak ay halos mawalan nako ng balanse at matutumba sana sa isang stall ngunit buti na lang may nakahila ng kamay ko at tinulungan akong mabalik ang balanse ko. "Mga kapatid, hinay hinay lang po tayo ha? Aware naman po siguro tayong madaming dumadaang tao dito kaya sana naman ay iwasan niyo ang mag tulakan o magbangayan sa gitna ng daanan para iwas aksidente ano po? Maraming Salamat." sabi ng humigit sa kamay ko kanina sa mga taong nasa likuran ko at nakatulak sakin kani kanina lang. "Okay ka lang ba?" baling naman nito sakin saka ako tinignan mula ulo hanggang paa kaya naman ay napaayos ako ng tayo at tumikhim. "Salamat, nakagulo na siguro ako dito kung di mo ko nahigit. Malamang kasi dito ang bagsak ko if ever." Nakangiwing saad ko saka tinuro yung stall sa tabi namin na siyang babagsakan ko sana kanina. Natawa naman ito at dahil dito ay nagsilabasan ang kanyang mga malalalim na dimples. Hope All May Dimple owshi.. "No worries, di na bago dito ang ganun kaya mejo sanay na din haha." Kibit balikat nito saka tumawa ulit. Pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa at nakita kong nakasuot ito ng hair net at apron. Napansin naman nitong nakatingin ako sa kanyang kasuotan kaya naman ay nagsalita ito. "Ako nga pala si Roco, may stall kami dito." Pakilala nito sa sarili "Ahh I see. Elia nga pala. Bagong salta hahaha." Pakilala ko naman sa sarili ko saka inabot ang kamay ko para pormal na magpakilala. "Naku, di na kailangan ang ganyan, madumi kamay ko." Nahihiya namang sabi nito at mukhang wala siyang balak na makilag shake hands sakin kaya naman ay ako na ang nag abot ng kamah niya para makilag shake hands at mukhang nagulat naman ito sa ginawa ko kaya nginitian ko na lang siya. "May alcohol naman" biro ko dito saka sinundan ng joke na ikinatawa nito habang tumatango. "San nga pala pwesto niyo?" Tanong ko dito "Ahh dito, tara" sabi nito ar nauna ng maglakad papunta sa stall na malapit sa pwesto namin. "Nagbebenta kami ng kwek kwek, fishball, kikiam, squid balls at palamig kaso paubos na din." Anito. Lumapit pa siya sa babaeng nagbabantay ng stall nila na tingin ko ay mama niya. Paubos na nga ang tinda nila at tatlong stick na lang ng squid balls ang nandun at ilang piraso ng kwek kwek. "Hmm. Pabili ako ng tatlong stick ng squid balls at sampung piraso ng kwek kwek." sabi ko dito na kinagulat niya. "Bibilhan mo na lahat ng paninda namin?" Tanong nito sakin animoy di makapaniwala "OA ka parecakes ah ilang piraso na lang naman yan eh, para makauwi na din kayo ng maaga." sabi ko naman dito na ikinatawa niya saka tumango at nilagay na sa plastic cup yung mga pagkain. "Ngayon lang kita nakita iha. Magkakilala ba kayo ng anak ko?" tanong ng mama nito sakin habang hinihintay ko yung mga pinamili ko. "Nagkakilala po kami diyan sa daan tinulungan niya po ako sa kamuntik ko ng pagkakadapa kanina." paliwanag ko naman dito. "Ito na kwek kwek at squid balls mo." Abot sakin ng isang supot na naglalaman ng squid balls at kwek kwek may sauce na din ito sa loob. Agad ko namang inabot ang bayad ko dito. "Salamat sa pagbili iha. Sa susunod uli ha?" Nakangiting tugon sakin ng mama nito na tinanguan ko naman. Napatingin ako sa oras ko at mag alas diyes na kaya naman ay nagpaalam na ako para umuwi. "Sige po alis nako, Roco salamat ulit kanina, sa sunod na magkita tato lilobre kita pambawi sa kanina." paalam ko sakanila. "Hindi mo naman kailangan bumawi haha bawing bawi ka na sa pag ubos ng tinda namin." sabi nito na kinatawa ko na lang. "Siya una nako salamat po ulit." Paalam kong muli sa kanila saka na naglakad pauwi sa condo ko. Madami mang nagsasabi na karamihan sa mga taga Maynila ay masasamang tao, yun ay marahil they fail to meet those nice ones. And ako masasabi kong I am lucky dahil kahit na di ako ganun kaswerte sa buhay patuloy naman akong nakakakilala ng mga mabubuting tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD