Kabanata 3

995 Words
Fiancé . "Ang tagal naman ni Francisco?" reklamo ni Tekla. Makailang ulit na akong napatingin sa cellphone ko, at wala man lang mensahi na galing sa kanya. I message him again but my temper rise up and so I dialled his number. Tumunog lang ito sa kabilang linya, hanggang sa napunta ang tawag sa messenger inbox niya. "Francisco, I'm giving you five minutes! Kapag ikaw ay wala pa rito. Magpakasal kang mag-isa mo!" Uminit na ang mukha ko at kumukulo na ang dugo ko ngayon. We have been waiting for more than two hours in the resto privately. Pribado naman ito at walang ibang tao maliban sa amin. Nandito na ang wedding planner at organizer namin. May iilang gwardiya pa sa paligid. Mga pribadong gwardia ito ni Francisco na kinuha niya. "Sure ka ba na sisipot si Francisco sa araw ng kasal ninyo, Viola?" si Mika. "Ang swerte na nga ni Francisco sa 'yo! Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa baliw na iyon at siya ang pakakasalan mo?" pabirong tugon ni Tekla at napailing pa. Ganito naman talaga si Tekla. Mapagbiro siya pagdating sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinaikot na ang mga mata ko. Napako ang tingin ko kay Kakay na nasa gilid lang. Tahimik siyang nakaupo at hawak-hawak ang sling bag ko. I stared at her thoroughly, and for some reason, there was something about her that I didn't know. Iba kasi si Kakay sa lahat ng naging PA ko. Ewan ko ba! O, baka guni-guni ko na naman ito. Sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito. Ang mukha agad ni Francisco ang nakita ko, at napangiti na ako. After all, he's here, and I'm happy. "Sweetie pie!" Agad na yakap niya sa akin. "I'm sorry I'm so late. It's very traffic here you know. Nasanay ako sa Denmark na walang usok at trapik sweetie pie," baliw na tugon niya at ngisi pa. Humalik siya sa pisngi ni Tekla at Mika. "Francisco, you look--eww!" pabirong tugon ni Tekla at bahagyayang natawa na si Mika. "Oh, shut up, Tekla! You are like a parrot with no wings. Flying, flying, heee!" Bahagyang tawa niya. Napangiwi ako. Alam ko naman na baliw si Fransciso. Pero ngayon ko lang 'ata mas napatunayan ito. Kaya binatukan ko na! "Stop that! Sei uno stupido cane!" Sapak ko sa balikat niya at napatingin agad silang lahat sa akin. I froze for a second! Did it come out of my mouth? Lumabas ito sa bibig ko? Huh, imposible! Napatingin agad sa mukha ni Kakay na ngayon ay nakatitig sa akin ng husto. Natawa na si Tekla at Mika, at napaawang lang din ang labi ko. "Did it really came our from your mouth, darling Viola?" si Mika na bahagyang natawa. "Oh my. . . nagsasalita ka ng ibang lingwahe? Ano ibig sabihin nu'n?" si Tekla sa akin. Nagkibit-balikat ako at nalilito sa sarili. "My sweetie pie. You are talking in Spanish! Oh, I'm so proud of you. Did you say I am handsome?" Yumakap agad siya sa akin na parang baliw na aso, at natulala lang din ako. Tumikhim si Kakay at nagsalita na. "Italyano po iyon, at ibig sabihin ay asong ulol ka raw!" mahinang tugon niya. Nanlaki ang mga mata kong tinitigan si Kakay at natawa na sina Tekla at Mika. "Oh my gosh! Ang saya-saya!" Napalukso na si Tekla at nag apir na silang dalawa ni Mika na baliw at tawang-tawa. Hindi tuloy maipinta ang mukha ni Francisco, na ngayon ay nakatitig na sa akin ng husto. "Yes, I'm a stupid mad dog for you my sweetie pie. " Humalik lang din siya ulit sa pisngi ko at napangiwi na ako. I felt uneasy with him for some reason and I don't know why. Tatlong buwan ko siyang hindi nakita, at puro online chat at video lang ang komunikasyon namin. Pumunta siya sa England dahil sa ambisyon niya, pero hindi siya nagtagumpay na makita ang reyna. Kaya sa Denmark na naman siya. Ang baliw talaga! Naupo na ako at tumabi na siya sa akin. Natahimik na ang dalawang bakla at nagsimula nang kunin ang mga planners at diary nila. We were about to discuss the details of our wedding when Francisco spoke ahead. "I don't want a grand wedding anymore. Let's make this private and special, sweetie pie," ngiti niya sa akin. Lumawak agad ang ngiti sa labi ko. Mabuti na lang at kahit papaano ay gumana na ang walang laman niyang utak! "Let's do the wedding in Mt. Hibokhibok with the tribe, sweetie pie. I want to be close with nature and wild," sa ambisyon na tugon niya at uminit na ang mukha ko. "The BBC will be with us, sweetie pie. It will be a full documentary of love, life, nature, and the wild." Napaawang na ang labi ko habang kumikinang ang mga mata niya. Parang nahulog ang mga panga nina Tekla at Mika sa mesa. I can't believe this! Am I really marrying this stupid man? Ang tanga ko na talaga! "What do you think, my sweetie pie? It's going to be unique, and we are going to on the limelight and--" "Oh, stai zitto Francisco! That's very stupid of you selfish jerk!" Tumayo na ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napatakip sa bibig sa Tekla at Mika na tawang-tawa pa. Napalingon ako kay Kakay at seryoso siyang nakatitig sa akin. Pero ang mas umagaw sa eksena ngayon ay ang tatlong lalaki na pumasok. Napako ang paningin naming lahat sa kanila. "Mr Francisco Contobali?" tugon ng isa sa kanila. Tumayo si Francisco na nabigla. Pero kalaunan ay ngumit na. "Yes, that's me." Sa lawak na lahad nang kamay niya at nakangiti pa siya na parang aso talaga! "We arrest you, Mr Francisco Contobali, for illegally possessing drugs. This is our warrant of arrest," sabay pakita niya nito. Namilog ang mga mata ko at agad na lumapit ang dalawang lalaki kay Francisco. . c.m. louden
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD