I DON'T know what time it is because when I open my eyes everything was dark and quiet. Nataranta agad ako sa sarili at kinapa ang gilid ko. Parang nalunod ang pakiramdam ko at bumilis agad ang t***k ng puso ko.
.
"Kakay! Kakay!" sigaw ko. Pero hindi ako makasigaw nang husto. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at hindi ko makontrol ang t***k ng puso ko.
I panic and nearly lose my breath. I tried to reach what was in front of me, but I couldn't feel anything until both hands were on my chest.
Penelope! Penny? Mi Amore!
Napahawak agad ako sa mga mata ko at agad na tinangal ang takip na suot ko. Nakahinga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. I haven't had this nightmare for a long time. Ang tagal na itong nawala sa sistema ko. Ang tagal na nitong hindi dumalaw sa buhay ko.
"Miss V." Lakas na bukas ni Kakay sa pinto ng van.
Napalingon ako sa kanya na puno ng pawis sa mukha at namuo ang luha sa mga mata ko.
"Miss V, I'm sorry." Agad na yakap niya sa akin.
Naiyak na ako at habol-hiningang yumakap sa kanya.
"I'm sorry, Miss V. Naiihi na kasi ako. Ayaw ko sanang iwan ka at gisingin dahil napuyat ka kagabi. Pero hindi ko na kasi mapigilan ang tawag ng kalikasan. Eh, nakaihi na nga ako nang konti sa panty ko. . ."
"Ano?" Naitulak ko agad siya at nag-peace sign pa ang bruha.
"Ang baliw mo talaga, Kakay! Nakakainis ka!"
Lumabas na ako sa van at pinatuyo na ang luha ko. Tinalikuran ko muna siya at inayos ang sarili.
"Binangongot ka ba, Miss V?" alalang tanong niya.
Tahimik akong tumango at siniguradong tuyo na ang luha ko. Humarap din agad ako sa kanya na nakangiti na.
"I'm fine! Ano ka ba. Let's get inside. Nasa loob na ba sila Mama at Papa?" Una akong humakbang at ngumiti ang dalawang bantay na gwardiya namin sa pintuan.
"Good evening, Miss V," bigay galang nila.
Tinaas ko lang ang kilay ko. That's how I greeted them and I don't know why. Unang araw ko pa lang na nakita ang mga mukha nila ay allergic na ako sa kanila. Ewan ko ba!
"Nasa taas na po sila, Miss V, at hinihintay ka na."
"Maliligo muna ako, Kakay, pakisabi kay Mama, I won't be long. Just give me five minutes." Patuloy na hakbang ko.
"Okay po, Miss Vi," mahinang tugon niya.
.
I had a quick shower. Mabilis ako sa lahat ng bagay at simpli lang din. I wore my pajama. Pakiramdam ko kasi matutulog na ako pagkatapos ng hapunan. Alam kong maaga pa. Pero mas mabuti na ito kaysa dalawin na naman ako ng insomnia.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay nagsisimula na naman ang ganitong pakiramdam ko.
I think I need to visit my doctor. Tutal wala na akong product endorsement dahil natapos na ang lahat kanina. Makakapagpahinga na ulit ako sa sarili ko.
I need this anyway. It's been eight months, and I have been working non-stop. And now, I need to rest.
Nang makababa ako ay nasa mesa na sina Mama at Papa. They both looked at me and their eyes darted on my polka dot pajama. Napangiwi pa tuloy akong tinitigan ang sarili at nahinto na.
What the hell? Kailan pa ako nahilig sa polka dots? Eh, sa pagkakaalam ko ay ayaw na ayaw ko sa mga ganito? I shook my head and darted my stare to Kakay.
Did she own these polka ewwy dots? Ugh, goodness me!
"Akin ba 'to, Kakay?"
Tumango siyang nakangiti sa akin at naupo na ako sa upuang pwesto ko.
"Oh, really? I can't remember I bought this. . . that's weird," tipid na tugon ko, at napako na ang paningin ko sa plato.
Napatingin sina Mama at Papa sa akin, at tulalang nakatitig ako sa kanila.
Did I forgot something? Oh, I forgot to kiss them. Kaya tumayo na ako at humalik na sa kanilang dalawa.
"Sorry, Ma." Halik ko sa kanya at naupo na ulit ako.
"Hija, Viola. Did you stop your medication?" si Mama sa akin.
"I think I'm finished with it, Mama. Wala na kasing binigay si doktora."
Tumikhim na si Papa at nagsimula na kaming kumain. Umalis na si Kakay at pumunta sa maid quarters area. Dito na siya nakatira kasama ang mga katulong namin. I eat quietly but honestly, my entire being is so empty tonight. I don't know why I feel like this. This is possibly a withdrawal feelings of me.
"Viola, someone will be here in the next few days, hija," panimula ni Mama.
"Oh, really? Sino, Ma?" Titig ko sa kanya sabay subo sa pagkain ko. She then look at Papa in the eyes and Papa cleared his throat before speaking towards me.
"He's very important person, anak. Malaki ang naitulong niya sa negosyo at sa lahat ng meron tayo ngayon," galaw ng mga mata ni Papa.
I nodded and smiled. He must be very close to our family. I feel excited somehow while listening to my parents.
"I want you to treat him with respect, hija. That's all I need from you," pormal na tugon ni Papa ko.
My smile widened. "Of course, Papa! I can't be rude to him, and I know that. So, will he stay here?" titig ko kay Mama.
She nodded. "Yes, he is. He will stay with us, hija. . . with you."
Nahinto agad ako sa subo at tulalang nakatitig sa Mama ko.
Did I hear it right? With me? Huh?
"With me?" I almost chuckled. "And what do you mean by that?" awang ng labi ko. Bumilis na agad ang t***k ng puso ko ngayon.
I don't know if Mama and Papa know my secret with Francisco. Wala akong ibang sinabihan na magpapakasal kami ng sekreto. Kahit na si Kakay ay hindi alam ito. Matagal ko ng boyfriend iyong tao. Pitong buwan na. Pero sa pitong buwan na iyon ay ayaw na ayaw nila kay Francisco talaga. Kaya hindi nakakabisita ito sa bahay namin.
"Hija, please get to know him. He holds the biggest secret of your past," seryosong titig ni Mama.
"W-What past, Ma? I'm fine and okay! And I'm completely healed. Magaling na po ako. Naalala ko naman ang lahat ah. Ano pa ba ang kulang?"
I stared at Papa. My eyes are asking him with mercy. Pakiramdam ko kasi mas malambot ang puso ni Papa kompara sa puso ni Mama.
"Viola, you are not yet better, hija. Trust me," tiim-bagang ni Papa ngayon.
I shook my head and I just can't believe it! Ilang beses na namin na pinagtalunan ito.
How many times do I have to defend myself that I am better and well? Minsan hindi ko talaga maintindihan ang mga magulang ko.
"Ano so? What do you want me to do with him? Wala naman akong problema kong pakikisamahan ko ang tao. That's fine!" I rolled my eyes and continue eating.
"Viola. . ." si Mama.
"Just leave her alone, Mira. Kumakain ang anak natin," lambing na tugon ni Papa at natunaw agad ang puso ko.
I felt like crying at this instant. Pakiramdam ko kasi lahat ng ginagawa ko ay hindi nila gusto. Hindi naman ako sikat na modelo para pagbawalan nila, dahil kung ako lang ang nasunod ay siguro malaki na ang pangalan ko sa industriya.
Mabuti pa si Franciso naiintindiha ako. Samantalang sila ang dami nilang ayaw sa akin.
"I'm done." Tumayo na ako at tumalikod na.
"Viola?" si Mama.
Nahinto ako at nilingon na siya.
"I'm sorry, Ma. I'm just tired. I love you." Sabay talikod ko.
.
C.M. LOUDEN