Kabanata 1

1178 Words
"Everyone has three lives: a public life, a private life, and a secret life." . Nightmare . "Woohoo! That's it, Viola. Turn around, baby. Please give me more poses. Perfect!" saad ni director Goldi. "One more and were done. That's it. Perfect!" si Fifa, ang cameraman. "Okay. Good job everyone! Well done, let's clean up!" sigaw ni director Goldi. Pinaikot ko na ang mga mata ko at agad na lumapit sa akin ni Kakay. Pinasuot niya agad sa akin ang malambot na bathrobe. Mabilis din akong humakbang palayo sa lahat at papasok sa dressing room ko. At nang makapasok ay pabagsak akong naupo sa upuan at nakatitig sa malaking salamin. "I need my clothes, Kakay. Please." Tahimik niya itong kinuha sa gilid at sinunod ko lang din siya ng tingin. Tumaas pa ang kilay ko nang makita na nabitawan niya ang shorts ko at sa sahig ito napunta. "Kakay suotin mo nga ang salamin mo! Are you wearing a contact lens?" taas kilay ko siyang tinitigan mula sa salamin. "Oo, Miss V, sayang naman ang mga endorsement mo. Eh, hindi mo naman ginagamit. Kaya mas mabuting pakikinabangan ko," ngiti niya at napangiwi na ako. Tumayo na ako at tinangap ito mula sa kanya. Naghubad na ako sa harapan niya na tanging panty lang din at bra. Mabilis kong sinuot ang damit at tinali na ang nakabuhayhay na buhok ko. Nakangiti naman si Kakay na parang aso sa gilid ko. I smiled at her. I like her a lot because she's easy. Sa lahat ng naging PA ko, ay siya ang pinakamasarap kasama. I don't know what's on her. But my bitchy personality will switch softly when it comes to her. Madaling uminit ang ulo ko sa iilang maliit na bagay. Kaya sa loob ng isang taon ay naka-sampung PA na ako at si Kakay ang pang labing isa ko. Ewan ko ba. Pero sa tuwing natitigan ko siya ay gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya. "Heto na po ang green tea ninyo, senyorita," ngiting bigay niya. "Salamat. Kumain ka na ba?" Inom ko habang pinagmamasdan siya. Abala na kasi ang mga kamay niya sa pagliligpit sa lahat ng mga gamit ko. Tapos na kami, at aalis na kami rito. "Mamaya na lang. Sa loob ng van na lang ako kakain. Hindi pa naman ako gutom." Napatingin agad ako sa relo na suot at kumunot na ang noo ko. "What? It's past two o'clock, Kakay. Gusto mo bang mabaliw ka?" Tumayo na ako at ako na mismo ang kumuha sa sandwich container. Nagbabaon ako ng sarili kong pagkain. I am being careful of what I eat. Kaya ako na ang gumagawa ng sarili kong pagkain. I have to count my carbo and sweets. Or else, baka bukas makalawa ay balyena na ako sa harap ng madla! "Here. Have this." Nilagay ko ito sa gilid na bahagi ng maleta. "Salamat, Miss V. Ang bait mo talaga." I smirked and shook my head. "Hindi ako mabait, Kakay, at alam mo iyon," sabay inom ko ng tubig. Binuksan niya agad ang food container at kumain na. Humarap siya sa akin na puno ng pagkain ang bibig niya. "P-pero mabait ka sa akin, Miss Vi" lawak na ngiti niya. "I have to, Kakay. Or else maghahanap na naman ako ng panibagon PA. Alam mo naman siguro kong bakit 'di ba?" Tinaasan ko na siya ng kilay at kamuntik na tuloy siyang mabilaukan. Kaya mabilis din siyang napainom ng tubig at tuwid na humarap sa akin. "I promise to be your best kept PA, Miss V. I love you," pouty lips niya at napangiwi na ako. I pressed my lips together and shook my head. Ang baliw nga naman ni Kakay. Kung hindi lang siya ulila ay hindi ko siya tatangapin na PA ko. Pero natunaw ang puso ko sa kanya noong una ko siyang nakita sa bangketa at naglakad na nakapaa. "Kaya nga ayusin mo ang trabaho mo, bruha!" pabirong tugon ko at natawa na agad siya. . Nang makaalis kami ay naghihintay na si Manong Primo. Tinulungan niya si Kakay sa lahat at pumasok lang din ako ng tahimik sa loob ng van. Sumandal ako sa malambot na upuan at pinikit ang mga mata. We don't have shooting schedules anymore. I was about ready for a nap when my phone rang. "Hello?" I answered it without looking at my phone. "Viola. My ice cream sweetie pie," lambing na boses ni Francisco at napangiti na ako. "Honey, where are you? Would you be able to meet me tonight? I miss you." "I wish I could meet you tonight, my sweetie pie. But I have an important job and. . ." "What? Akala ko ba ngayong gabi tayo magkikita? Hindi ba dabat noong nakaraang linggo pa? HIndi pa ba tapos ang shooting ng pelikulang mong Juan Tamad?" inis na tugon ko at tumaas na ang kilay ko. Ang baliw ko na talaga sa kanya dahil sa kabila ng kabobohan niya ay nagkagusto ako ng husto talaga. Well, he's a good looking hot adonis. Maganda ang katawan at astig na astig at pasado na sa akin iyon. May bago siyang pelikulang ginagawa. Siya and producer, ang direktor, at siya rin ang bida. Ang baliw nga talaga! "My sweetie pie. I will meet you in two days. I prepare everything. I want a grand wedding for us," baliw na boses niya sa kabilang linya. "Ano? I don't need a grand wedding, Francisco! Ikaw at ako lang okay na. Alam mo naman na ayaw ni Mama at Papa sa 'yo at tutol sila sa kasalang ito. What's the point?" ikot ng mga mata ko. "Sweetie pie. I want to be friends with Prince Henrix Selbeirg-Mondragon. I want him as my buddy. I will become more famous and it will be easy for me," kabubuhang salita niya. Pinikit ko na ang mga mata ko. Ugh! Nagiging tanga na 'ata ako sa kanya. Ewan ko ba! Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit ako na-inlove sa bubuyog na 'to? Eh, ang paborito kasi niyang kulay ay dilaw kaya ang daming haters niya sa showbiz media. "Sweety pie. We don't need Henrix! Kapag ikaw hindi nakabalik dito sa loob ng dalawang araw ay break na tayo!" sigaw ko sa cellphone. Rinig ko agad ang tawa niya sa kabilang linya. Alam kong pinagtatawanan niya lang ako. Makailang ulit ko na kasing binabangit sa kanya ito, at hindi naman nangyayari, dahil sa tuwing nasa harapan ko na siya ay nadudurog lang at naawa ang puso ko sa kanya. "I'll be right back in two days, sweetie pie. And I will take the prince of Denmark with me," baliw ulit na tawa niya. Napangiwi na ako at pinatay ko na ang tawag sa inis. Ang baliw nga naman ni Francisco! Pinikit ko na ang mga mata ko at maingat na nilagay ni Kakay ang sleeping mask ko. Alam niya talaga kung ano ang kailangan ko. "Gisingin mo na lang ako, Kakay, kapag nakarating na tayo sa bahay." "Okay, Miss V," tipid na tugon niya at bumuntonghininga na ako sa sarili. . c.m. louden
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD