"W-what? Unang gabi natin sa Isla?" awang ng labi ko. Makailang beses pa ang pagkurap ko ngayon.
"Ahm, it's nothing." Kinuha na niya ang tubig at ininom na ito. Tumikhim pa siya nang makailang beses at imiwas na sa titig ko.
The heck, damn it! Mura ng isip ko.
Judging by the way he stare. . .
Oh God! May nangyari na sa amin noon? Ibig sabihin. . .
Oh, my goodness me! Sigaw ng isip ko. I beg to believe it. No it cannot be!
.
"L-Lorenzo huwag ka nga'ng mag-imbento!" Sabay inom ko ng tubig sa baso.
Tumikhim na siya at natahimik na. Tumahimik na din ako. I don't think this is a good idea. Imagining those things makes my whole system melt on fire.
Ew, ugh! Hindi ko kaya!
"I'm done!" Tumayo na agad ako at tinitigan lang din siya.
"Tapos ka na?" kunot-noo niya.
"Yes. Maghahanda na ako para makaalis na tayo rito." Talikod ko sa kanya.
.
Nang makapasok ako sa kwarto ay pabalik-balik ang lakad ko.
My heart is pounding so hard inside me, and I can't understand my feelings now. Part of me is asking a lot of things, and the other part is digging into what's left behind in my memory.
I am Penelope Viola Altera, twenty-seven years old. I took and finished my design degree at twenty-two in Paris. I love music and nature. I am bubbly, friendly, and...and... Ewan ko ba!
Naupo agad ako sa gilid ng kama dahil sumakit ang ulo ko. Why am I doing this to myself. Matagal na akong magaling sa sarili ko. I know I am okay now and I don't need any medications. Pero bakit pinipilit nilang lahat na hindi pa ako magaling at kailangan ko pang hanapin ang sarili ko... Ewan ko.
.
Nang handa na ay lumabas na ako ng kwarto. Nakapantalon ako at t-shirt na puti. Ang maliit na bag pack ang gamit ko ngayon. Nakita ko lang ito sa loob ng kwarto. It's cute and comfy. Hindi ko type ang mga ganito. Pero hindi ko maiwasan na hindi gamitin ito.
Ang seryosong mukha agad ni Lorenzo ang sumalubong sa akin ngayon. Nakapantalon din siya at puting t-shirt pa. Nahinto ako at parang gusto kong magpalit ng damit ngayon. We seems like a couple that's going out for a date.
Heck, You wish! Pero wala ng oras. Mas mahuhuli kami kong mag-inarte pa ako rito. Kaya bahala na!
.
"You look beautiful, love," akit na tugon niya at pinagbuksan na ako.
Pinaikot ko lang ang mga mata ko at hindi na umimik sa kanya. Pumasok na ako.
Tahimik siyang nagmaneho pero nakikita ko ang bawat idlip niya sa bandang hita ko. I don't know what is he up to. E, nakapantalon naman ako at hindi nakikita ang legs ko. Ang baliw ng weirdo ito!
"I'm glad that you use that bag," panimula niya.
Napako agad ang mga mata ko sa maliit bag pack na nasa hita ko ngayon. Oh, heck! So, it's the bag pack after all...
"Nakita ko sa kwarto. Kaya ginamit ko na. Ang cute nga 'di ba?" Ngiti ko habang pinagmamasdan ito.
"I don't know who gave this to me. O baka binili ko ito noon? Baka si Mama... Wala akong maalala."
Tumikhim agad siya at napailing na.
"Hindi mo maalala?"
"Ahm, hindi. I don't know... Probably this is not important at all. Bag lang naman ito. Kaya siguro nalimutan ko," titig ko sa kanya at seryoso ang mga mata niya sa daan.
"Hindi naman 'ata lahat ng bagay ay may alaala 'di ba? Kung iisipin ko nga naman ang daming bagay sa paligid na hindi ko alam ang halaga nito. But I am glad that we are here in the resort. It gives me a free mind," sa pikitmata ko.
"There are a lot f things around you that are very important to you, Penelope. Hindi mo lang nakikita ito," tipid na tugon niya.
"Really?" bahagyang ngiti ko at titig sa kanya. "Alam mo, Lorenzo and weird mo talaga? E, mukha ka naman astig na gangster sa paningin ko na walang pakialam sa mundo," sabay iling ko.
He chuckled and shook his head while his eyes were on the road.
"Yes, I know. I am weird, love... Ikaw lang naman ang tumatawag sa akin ng ganito simula noon pa. You always find me weird and mysterious. I pushed you away from me not just once but countless of times. Ayaw ko kasi na dalhin ka sa mundo ko. Pero kasalanan mo rin kung bakit ngayon ay baliw ako sa 'yo," tiim-bagang niya at napatitig na ako.
I smirked and shook my head. Hindi lang ako makapaniwala sa lumabas sa bibig niya.
"Really? That's absurd and funny."
Napailing ako at binuksan na ang bag pack ngayon. Nakakatawa. Gusto kong matawa pero sumeryoso na ang mukha niya at nawala ang ngiti sa labi nito. Kaya tumahimik na ako.
Kinapa ko na ang loob ng maliit na bag pack. May maliit na bulsa kasi ito sa loob. Hinanap nang kamay ko ang lip gloss na nilagay ko rito. Hanggang sa maramdaman ko ang maliit na bagay sa loob nito. Nahinto ang kamay ko at kumunot ang noo ko. I pull it out. It's a little gold bracelet...
Oh? Kanino 'to? tugon ng isip ko habang tinititigan ito.
It's a beautiful, thick gold bracelet with a nameplate. When I read my name on it, my brows crossed.
For my Penelope Viola. Ti amo amore mio... I turned it over, and my heart pounded hard inside me. From, Lorenzo Ferrero.
.
Nanlaki agad ang mga mata ko at napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin ngayon at hindi niya nakita na hawak ko ito. Napalunok agad ako at ibinalik itong muli sa loob ng bag pack. Parang nawala ako sa sarili ko. Sa lakas ng kaba sa dibdib ko ay wala na akong naririnig ngayon.
.
What's the meaning of this? Sino ba talaga si Lorenzo sa buhay ko? Ang gulo-gulo.
.
c.m. louden