Kabanata17

995 Words
Proves . "Good morning, Sir Lorenzo!" Bati lahat ng staff sa kanya na nandito. Nauna na siyang humakbang at napako ang tingin sa kinauupuan ko ngayon. I watch him casually walking towards them. Lahat ng mga empleyado sa resort na ito ay masigla ang bati sa kanya, na parang kilalang kilala nila si Lorenzo. I haven't been on this part of the Island. Sa kabilang resort lang ako palagi sa tuwing bumibisita kami rito, at ito pa lang ang unang pagkakataon ko rito. "Kumusta na kayong lahat? Vi sono mancato tutti?" Lawak nang kamay niya at ngiti sa kanila. "We all miss you, Sir Lorenzo!" Yumakap agad ang tatlong matatandang staff na nandito sa kanya. They seems like a family and I couldn't help but smile. Naiyak pa ang dalawang ginang habang yakap nila si Lorenzo. "Lorenzo, anak. Pumayat ka, hijo?" Hinaplos ng isang ginang ang mukha ni Lorenzo at pati na ang buhok nito. "Hindi ka pa nag asawa ano?" tanong ng isang matanda na nasa tabi lang niya. "Hay naku, anak. Ang lupit nga naman ng tadhana. Pero hayaan mo na. May bagong darating para sa 'yo, hijo. Nakikita ko ito," tugon ng isang matanda sa kabilang tabi niya. Maingat na akong humakbang habang pinagmamasdan si Lorenzo ngayon. He's smiling with them like a family. Hanggang sa napansin na nila ako at lahat sila ay nakatitig na sa akin dito. "Ahm, si Penelope." Mabilis agad na naglakad si Lorenzo palapit sa akin at hinawakan na ang kamay ko. "Come on here." Hila niya sa akin at tumikhim lang din ako. Nahihiya ako na ewan. E, anak naman ako ng mga magulang ko. Pero iba sila makatitig sa akin ngayon, na para bang ngayon lang nila ako nakita. "Penelope Viola Altera," pagpapakilala ni Lorenzo sa akin sa kanila. "Hala, siya ba?" tugon ng isang matandang babae sa likod niya at napatakip-bibig agad sila. "Dios Maria! Totoo nga," tugon pa ng isang matanda. Nagtaka na tuloy ako at pilit na ngumiti sa kanila. Nagbulong-bulungan pa ang iba sa kanila. Akala nila siguro hindi ko mapapansin ito. E, ang talas ng pakiramdam ko! Mariin akong hinawakan ni Lorenzo at mas inilapit pa ang katawan niya sa katawan ko. I don't know what it is, but I felt so foreign around them. Parang iba ako at nasa ibang planeta ang mundo ko! Ang baliw na talaga ng isip ko ngayon. "Please help her, Nanay Selda," si Lorenzo sa kanya at tumango agad ang matanda. Ngumiti lang din ako. Hindi pa rin bumitaw si Lorenzo sa kamay ko at pinagpapawisan na ako rito. "Engr. Fortunato will be here in an hour. They will work together on the new design of this resort. So, please treat them with respect. Ayaw kong makarining na kahit na anong chismis. Zip all your eyes and mouth. I want them to shut up and do their work. Are we clear?" boung boses ni Lorenzo sa kanila. "Yes, Sir!" tugon nilang lahat. Kinilabutan na ako. Sino ba ang anak ng may-ari rito 'di ba ako? Pero iba makaasta si Lorenzo. Kung sabagay pinagkakatiwalaan siya ni Papa rito. He put all his trust to this man that I cannot put my trust with him. Gusto kong patunayan kay Papa at Mama na mali ang taong lubos na pinagkakatiwalaan nila. Pero ngayon na nandito na kami, ay kakaiba siya umasta. I am not giving him credits but he's somehow good at his work. Hindi ko alam at alam kong mahihirapan ako pero hindi pa rin nagbabago ang plano ko. . Umalis na silang lahat at naiwan na kaming dalawan ni Lorenzo. Makailang ulit pa akong tinitigan ng tatlong matanda kanina. Ewan ko ba! E, ngayon ko lang naman sila nakita. "Manong, dito ka muna. Bantayan mo muna si Penelope," si Lorenzo kay Manong Primo. "No. I'm fine, Lorenzo. I don't need a chaperon. And besides, marami namang mga tauhan dito. Hihintayin ko na lang si Engr Ivan. Don't worry I'll be fine." Humakbang na ako sa may malaking mesa at nilapag lang ang bag pack ko. Tinitigan ko pa ito at naalala ang bracelet na nasa loob nito. Naguguluhan ako. Pero sigurado ako na ako ang nagmamay-ari ng bag pack na ito. But the heck! How can't I not remember anything. Hindi pa ba ako magaling? "No, love. Manong Primo will stay here and it's an order. I'll be right back, okay?" Haplos niya sa tagiliran ko at humalik na agad siya sa pisngi ko. Natulala pa ako at kunot-noo na tinitigan siya. God, he's getting way too much comfortable with this ah! Hindi porke't pumayag na ako sa tatlong buwan namin dalawa ay basta na lang siya aasta ng ganito sa akin ngayon. Tsk, this is not a good idea. Not at all! Sumenyas na siya kay Manong bago naglakad palayo sa amin. I stare at him while he's stepping inside the car. Kumaway pa siya sa akin at malawak ang ngiti niya. Kumunot lang din ang noo ko. Hindi ko alam, pero hindi ko makuhang ngumiti sa kanya ngayon. Binalik ko ang tingin sa lamesa at sa kapal ng papelis na nandito. Nasa labas lang kami at tanaw mo ang lahat dito. I look around behind me and the resort is still standing mighty. Medyo magulo nga lang dahil sa re-construction na nagaganap at inggay sa paligid nito. "Ikukuha ko lang kayo ng maiinom, Miss Viola," si Manong Primo sa akin. "Sige, Manong. Salamat." Humakbang na agad siya at tinanaw ko lang din. Humakbang din ako palabas at mas tiningnan ang lahat dito. I'm figuring out the designs that Papa wants to happen. Ang totoo, wala na akong pakialam sa gusto nila sa resort na ito. Pero bilang anak ay alam kong obligasyon ko din ito. The resort is long and huge. It's a plane straight and ramdom. Sa harap lang ito at mas maganda ang bahagi na kung nasaan ang dagat. I walk ahead down to the marble pathway. . c.m. louden
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD