'There are many things around you that are very important to you, Penelope. . . it's just that you don't see them.'
-Lorenzo Ferrero-
???
.
Bracelet
.
Kung malas ka nga naman talaga!
Papa rang me earlier. He's giving me instructions regarding the resort renovation.
Ang akala ko kasi ay magbabakasyon lang ako rito. Hindi pala! I am in-charge of the lay out design project. Darating din mamaya ang bagong Architect Engineer na kinuha nila.
Nakatayo akong nakatitig sa baba habang iniinom ang green tea. Hapon na at palubog na ang araw. Ito lang naman ang inaabangan ko sa labas ng balkonehang ito. Tanaw kasi mula rito ang magandang paglubong ng araw mula sa dagat.
Standing like this every afternoon while watching the sunset makes me feel alive. I can't really explain it, but it brings old feelings inside me, and somehow, it is lonely.
.
"Lorenzo!"
Ang boses ng isang babae ang nagpamulat nang mga mata ko. Tinanaw ko ang baba at hindi pamilyar sa akin ang hitsura niya.
Her long waiy hair is swirling in the air. She came running to Lorenzo like she's so excited to see him. Hindi ko napansin na nasa gilid na bahagi pala si Lorenzo nakatayo at pinagmamasdan din ang paglubog ng araw.
"Lorenzo, baby! I miss you!" Higpit na yakap nang babae at tuma-as ang kilay ko.
Halos mapaatras na si Lorenzo dahil sa biglang pag yakap ng babae sa kanya. At ang higit na nakakatawa,ay halos pakarga na si Lorenzo sa kanya.
Ugh, ew! Ang landi lang din ah!
Ngayon mas pinatutunayan lang niya sa akin na biro at set-up lang ang lahat ng ito.
I always have this gutful feeling that Papa and Mama hired him to set things up and made it look like he's my fiancé. Imposible kasi na kasintahan ko siya, dahil wala talaga akong nararamdaman sa kanya.
"Kailan ka dumating? Ngayon lang ako nakarating dito. Magpapahinga sana ako. Pero nang sinabi sa akin ni Nanay na nandito ka ay agad na sumugod na ako rito. Ang laki na ng pinagbago mo!" Sabay titig ng babae sa kabuuan ni Lorenzo.
Umirap na ako at binalik ang tingin sa kawalan. Dumilim na ang langit at wala na ang araw. Hindi ko man lang ito nakita na lumubog dahil sa kanilang dalawa napako ang paningin ko. Tinitigan ko silang muli, at nakangiti si Lorenzo sa kanya habang nagsasalita ang babaeng kaharap niya. I rolled my eyes and turn away. Pumasok na ako sa loob at pinabayaan na sila.
.
THE next day I woke up so early. I have to visit the other side of the resort. Si Lorenzo agad ang unang nakita ng mga mata ko. Naghihintay siya sa mesa para sa umagahan naming dalawa. I know I am late. Hindi pa ako sanay na gumusing ng maaga, kaya huli na naman ako ngayon sa harapan niya.
"Good morning, love."
Tumayo agad siya at binigyan ako nang halik sa pisngi. Kumunot lang din ang noo ko. Hindi ako kampante sa ganito. Pero pinag-usapan na namin ito.
"Are you ready for your project today?" kaswal na tugon niya.
"Sort of. Ano pa nga ba ang magagawa ko. E, utos ni Papa." I pouted and drink my coffee. He simply nodded.
"Ihahatid kita sa kabilang resort pero hindi kita masasamahan. Ngayon kasi darating ang shipment ng mga materyalis na ini-order natin para sa construction. I just need to check the consignment, but don't worry, Engr Ivan Furtunato will be there to guide you."
Tumayo na siya at inabot ang pagkain na binigay ng staff. Nilapag niya ito sa harapan ko at nakatulala akong tinitigan ito.
The heck, ang aga-aga pa at ito na ang ipapakain niya sa akin talaga?
"Try these, love. Kahapon namin 'to nakuha ni Manong Primo. Ang iba binili ko sa ibang mangingisda."
Napaawang lang ang labi ko. Hindi ko tuloy alam kung maawa ako sa malaking ulo ng octopus at mga galamay nito. Mas kumunot lang lalo ang noo ko.
Although I can smell the beautiful aroma of it, I can't dare to swallow it.
"Sure ka na kumakain ako nito sa umaga?" Sabay lunok ko at titig sa kanya. Ang lawak pa ng ngiti niya at tumango na din.
"Yes, love. It's your favorite."
"F-Favourite ko 'to? Ang weird naman ng panlasa ko." Ngiwi ko habang pinagmamasdan ito.
I am honestly hungry. Hindi kasi ako kumakain tuwing gabi at tea drink lang din ang iniinom ko. I always eat a heavy breakfast and to think, may point talaga siya rito.
He sliced some parts of it and placed it on my plate. May iilang seafoods na kasama nito sa gilid.
"Try it... I cooked them for you."
"Oh? You cooked this? Ang akala ko sila ang nagluto nito?" taas kilay ko. Kinuha ko na ang tinidor at kutsara at tinikman na ito.
In fairness, it is soft, and it melts in your mouth. I thought it was going to be chewy, but it's actually not.
Marunong din naman magluto si Lorenzo. Tigasin kasi ang mukha niya at ang katawan nito. Hindi mo aakalain na nagluluto rin pala.
The first time I saw him, I thought he's a gangster that goes wander around the street looking for a trouble. Ang pisikal na anyo niya kasi ay mukhang makikipagpatayan sa kahit na sino. E, ang praning naman pala ng baliw na ito.
"Does it taste good?" Ngiti niya habang pinagmamasdan ako.
"Um, it's okay... It's tender and sweet," wala sa sariling tugon ko. Ni hindi nga ako tumitig sa kanya dahil sa pagkain napako ang mga mata ko.
"I'm glad you liked it. I knew that you will love it. Kung naalala mo lang noong unang gabi natin sa Isla. . ."
Nag-angat agad ako nang tingin sa kanya at nahinto agad siya sa pagsasalita.
The smile on his face is visible, and it is something that I didn't expected. Uminit lang din ang mukha ko at napailing na siya rito.
.
c.m. louden