Secret
.
My morning is not the same mornings I have anymore. The usual routine of my life got twisted!
Ang tagal kong nag-ayos at parang baliw na hindi mapakali kung okay na ba ang hitsura ko.
I don't think he will join us for breakfast. Or will he? Hmp, my goodness me! Ayaw ko ng ganito. Gusto ko na 'atang mawala na siya sa pamamahay na 'to!
But of course he's a dear friend of Papa. Kaya makikisama na ako kahit na labag ito sa kalooban ko. I just hope that he won't tell my parents about the incident yesterday. Or else, malilintikan na naman ako rito.
I took a deep breath before turning the knob on the door to open. I even look around before getting out of the room.
Sinigurado ko na walang tao sa hallway at wala siya rito. Katapat lang din ang pinto niya sa pinto ko at nakasarado naman ito. Maingat akong bumaba at nasalubong si yaya.
.
"Good morning, Miss Vi. Good morning, Sir Lorenzo," bigay galang niya. Ngumiti na pa siya.
I was about to say my good morning to yaya too. Pero nawala ako sa isip ko, dahil alam kong nasa likurang bahagi ko na ngayon ang baliw na si Lorenzo! So, I plastered my smile to yaya and walked quietly.
"Nakahanda na po ang lahat sa harden. Hinihintay na po kayo," pagpatuloy ni yaya at ngumiti na ako.
"Thank you, Yaya Tami," si Lorenzo sa kanya at mas ngumiti na si yaya.
Parang nanayo ang balahibo ko at mabilis na akong humakbang patungo sa harden namin. Then I saw Mama and Papa laughing. I smile and kiss them both as a greeting.
"Good morning, anak. How's your sleep?" si Mama.
"All good, Ma. Thank you."
Naupo na ako at inayos na ang sarili. Lumapit agad si Lorenzo kay Mama at humalik sa pisngi ito. Binigyan niya rin ng yakap si Papa at tapik balikat na. Tumaas na ang kilay ko habang pinagmamasdan siya.
The etiquette in greeting people in Italy is way much different in this country. Mahilig sila mag beso-beso at yakap-yakapan. Kahit pa pawang mga lalaki sila ay ginagawa nila ito ng normal at naayon sa kultura.
"What are you having, hija?" si Mama sa akin.
"I'm fine with cereal, Ma."
Ako na mismo ang naglagay nito sa plato ko. Naupo na rin si Lorenzo sa tabi ko at tumikhim pa. I looked at his plate while his grabbing some eggs and sausages. Kumain na din agad siya at napako ang mga mata ko sa kamay na bahagi niya.
.
He's wearing a white t-shirt, and obviously, his muscly arms are a bit exposed. He's got the body, alright. It's jaw-dropping, solid, hot, and sexy, but what turns me off are his tattoos.
Sumobra kasi para sa akin ito at napuno ang braso niya hanggang sa kamay pa. Others might find it sexy, but it's not for me.
Umakyat na tuloy ang titig ko sa leeg niya, hanggang sa labi nito.
The tense muscles around his nearly square jaw are perfect whenever he chews his food. Everything on him is solid. His lips are thin and hearty. His lashes are long and curled, and his almost pointy nose is so beautiful, but the piercing on his ear drags down his sexy look or makes it even hotter.
Ewan ko ba! Pero siguro sa akin lang ito. Okay na sana siya. Maliban nga lang sa tattoo na sumobra at ang maliit na hikaw sa kaliwang tainga niya.
Mukhang adik naman ang baliw na 'to! Isip ko.
Tumikhim na siya at ininom ang tubig at tinitigan na ako. Namilog ang mga mata ko at umiwas ako sa kanya. He caught me staring at him and my face turns red. Binilisan ko na lang ang kain ko at hindi ko na siya pinansin pa.
"Is there something you want to do today, Viola?" si Papa.
Nag-angat agad ako ng tingin sa kanya. "Nothing, Papa. Tapos na rin kasi ang huling commercial shooting ko. Kaya bakante na ako ngayon," ngiti ko sa kanya.
"That's good. I've been meaning to tell you this, hija. But I want you to look after the resort in Panglao. May invitation ako anak sa Mazaro, at isasama ko ang Mama mo. Kaya gusto ko na ikaw na muna ang tumingin sa lahat sa resort."
Nahinto ako sa pagsubo at naibaba ko ang kutsara sa plato. Makailang ulit pa ang pag-kurap ko at titig sa ama ko ngayon.
"I think it's about time, hija. I know you don't like the sea. Pero nandito naman si Lorenzo. Matutulungan ka niya anak,"tugon ni Mama.
"P-Pa? Ma? Iiwan niyo ako mag-isa?" reklamo ko.
Ang totoo hindi ako kampante na kasama si Lorenzo. I don't know him and by the look of him I cannot trust him!
"Lorenzo is with you hija. Hindi ka mag-iisa," si Mama.
"Pero, Ma. I don't know him. I just met him yesterday at ipagkakatiwala ninyo ako sa kanya? Don't you think that's too much, Pa?"
"Penelope, Suppose there's one person left on the planet I can trust, and that person is Lorenzo, hija. He's the right person for you and knows you very well. Hindi na kami mahihirapan ng Mama mo," buong boses ni Papa.
"What? That doesn't make sense, Papa. Ayaw ko!"
Pabagsak kong binaba ang kutsara sa mesa. Kunot-noo ko pang tinitigan si Lorenzo na ngayon ay kumakain pa rin. Wala 'ata siyang pakialam rito. Baliw talaga!
"Don't you even know, Papa? Since yesterday this crazy man beside me kept telling me that he is my fiancée?" taas kilay kong titig kay Lorenzo.
Tumikhim lang din siya at ininom na ang tubig niya. Napako agad ang paningin ko kay Mama na ngayon ay nakatitig na kay Papa.
.
c.m. louden