Kabanata 6

1837 Words
Stare . Instead of joining the others I prefer to get inside the mansion. Pumasok na muna ako sa loob ng bahay at sa kusina ako nagtungo. Hinanap ko si Yaya Tami. May itatanong lang ako sa kanya, hanggang sa nakita ko na siya sa may dulong bahagi ng kusina. Abala siya sa pagbibigay detalye sa ibang katulong na nandito. Namataan niya agad ako at ngumiti na. . "Yes, Miss Vi?" Hakbang niya palapit sa akin. Yaya Tami was with us since I was a baby. Iyan ang sabi ni Mama at Papa. Kaya kung may hindi ako alam ay alam kong alam na alam niya. "Yaya, come here!" Sabay hila ko sa kanya patungo sa balkonaheng bahagi. "Do you know him?" Tinuro nang kamay ko ang mukha ng lalaki kanina. "Oh? Pamilyar siya, Miss Vi. Bakit? Type mo ba?" Lawak na ngiti niya. Namilog ang mga mata ko na parang nabigla ako sa tanong niya. "No. Of course not!" in my defence state. At talagang hindi ko naman siya gusto. "I don't know him. He first introduced himself yesterday at the restaurant, Yaya. Fiancé ko raw siya? Hmm, Ang baliw ah!" Napatitig si Yaya sa akin na parang natatawa pa. Kaya kumunot na tuloy ang noo ko. "Fiancé mo ba?" Halukipkip niyang tanong. "Hindi ah! Hindi ko nga kilala 'di ba? Kaya nga kita tinatanong eh. Alam ko naman na ikaw ang mas higit na nakakaalam sa lahat dito. So, I expect that you know him. Hindi ba?" kibit-balikat ko. Nag isip si Yaya at natahimik ng iilang segundo. Seryoso niyang pinagmasdan ang lalaki na tinuro ko. "I don't know him, Viola, but he seemed all right to me. He's the best candidate to be your fiance," she smiled widely. "Hmp, nagpapatawa ka naman, Yaya eh." Ngumiwi ako. "Do you think I will like him? I mean look at him?" Natahimik agad ako nang mapako ang tingin niya sa amin ngayon. Mula kasi sa kinatatayukan ko ay nakatitig na siya sa banda namin. What makes it even worse is when Yaya waves at him. Nakaloloka! "Hello, handsome!" si Yaya at mas napangiwi na ako. "Eww, Yaya. Ang cheap mo!" Tumalikd na ako. Bumalik ako sa loob at kumuha ng soft drinks sa ref. Kinalma ko ang sarili ko. Alam kong may malalim na dahilan ang nangyayari ngayon at nalilito ako. "Penelope?" Tawag ni Mama at napalingon na ako sa kanya. "Ma?" "Oh, there you are. Come over here, hija. May ipapakilala ako sa 'yo." Lawak na ngiti ni Mama. Humakbang agad ako palapit sa kanya. Hinawakan pa niya ang kamay ko at nagtungo na kami sa harden. Nasa kabilang banda ang mga bisita at nakaupo na sila sa mahabang mesa. Papa stood up and made his speech. "Salamat sa inyong lahat na nandito. Nagpapasalamat ako ng lubos," panimula ni Papa. Lumapit na agad kaming dalawa ni Mama. We both stood up behind Papa while he's talking to his friends. Hanggang sa pumagitna na ako sa kanilang dalawa. Isa-isa ko pang tinitigan ang mga bisita niya at halos naman lahat sa kanila ay kilala ko. Hinanap agad nang mga mata ko ang lalaki kanina, pero wala siya rito. "Let's enjoy the night. Maraming salamat sa supporta ninyo," pagtatapos ni Papa. Papa is not political but most of his friends are on politics. Kasama na ang matalik na kaibigan niya na si Mayor Valmorazi. "By the way, please look after my daughter if you encounter her or see her somewhere." Pagbibiro ni Papa at natawa na ang lahat sa kanya. "Ang bilis nang panahon, kumpadre. Naging modelo na ang kaisa-isang anak mo," tugon ng isa sa mga kaibigan niya. "Kanino pa ba magmamana, eh kay Misis na." Bahagyang tawa ni Papa. "Available and searching ba ang anak mo, pare? Single pa ang anak kong si Nathan," tugon ng isa pa. Natawa na ang lahat at mas ngumiti na ako. "Sa bagay na iyan ay hahayaan ko ang nag-iisang anak ko sa gusto niya. Siya ang masusunod," sa galang na tugon ni Papa. . Nag-ingay ang lahat at ngumiti lang din ako. Naupo na kami at nagsimula nang kumain ang lahat. Ang totoo panay ang ngiti ko at wala akong naiintindihan sa grupo na ito. It's all politics. The topics are politics at hindi ako interesado rito. Pagkatapos ng tatlong oras ay isa-isa na sa kanila ay umuwi na. Nagpabalot pa si Mama ng mga pagkain sa kanila dahil sumubra and catering na ginawa. Natahimik na ang paligid at naglilinis na ang lahat ng katulong namin. Nakaupo ako sa may bahaging pool area namin. I looked above the sky and the stars are visible. Napangiti ako at gumaan ang pakiramdam ko. Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ang lalaking iyon. I came out of nowhere and was gone! Kanina ko pa siya hinananp, pero wala siya. Siguro umalis na. "There you are, hija," si Mama. Napatayo na ako mula sa pagkakaupo at humarap sa kanya. "I was looking for you. Let's go to the study room. Hinihintay ka na ng Papa mo." Humawak agad si Mama sa kamay ko at tumango na ako. Tahimik akong humakbang, pero hindi na rin nakatiis at nagtanong na. "May importante bang sasabihin si Papa, Mama?" "Oo, hija. It's about the visitor that will stay here for a while. Ipapakilala kita." "Ah, okay. Akala ko naman kung ano na." Ngiti ko at sabay kaming humakbang. . Nabunutan ako ng tinik. Ang akala ko kasi tungkol ito kay Francisco. Alam kong nabasa na nila siguro ang artikulo tungkol sa baliw na lalaking iyon. If ever they will ask, I am ready to defend myself. And besides, I bet they like the outcome because, as far as I know, they don't like Francisco for me. Nang bumukas ang study room ni Papa ay tahimik kaming pumasok ni Mama. Iba agad ang pakiramdam ko at parang naging tensyonado ang paligid dito. I heard Papa's voice. He's talking to someone and laughing too. Pakiramdam ko ang bisita namin ngayon ay ka-edad lang din niya. "Penelope Viola," si Papa. "Hi, Pa." Halik ko sa kanya. "Let me introduce you to my most favourite, son. Lorenzo Giuseppe Ferrero," pagpapakilala ni Papa sa kanya. My jaw dropped when I saw him. He came out with his dashing smile and prominent posture. Pormal at maginoo. Pero halata ang guhit ng tattoo sa gilid na bahagi ng leeg niya rito. His black hair was comb neatly all the way to the back with thick gel. Halatang medyo mahaba ang buhok niya, pero malinis ang pagkasuklay nito. He offered his hand sweetly and smile nicely towards me. I swallowed hard while staring at his hand. Hindi ko pa tinangap ito nakatitig lang din ako sa kamay niya. The heck! Sa dinami-dami na pwedeng maging matalik na kaibigan ni Papa at maging bisita ay ang lalaking ito pa! Ang swerte ko nga naman ano? Tumikhim na ako bago nagsalita sa kanya. "H-Hi," tipid na tugon. The best way to do is to act that I didn't know him at all. Hindi ko naman talaga siya kilala. Pero hindi ko maikakali na nagkita na kami kanina. Gusto ko na sanang bawiin ang kamay ko, pero mas humigpit lang din ang pagkakahawak niya rito. Napatingala na tuloy ako sa kanya at kumunot na ang noo ko. "Lorenzo will be staying here, hija. I hope it's okay with you," pormal na tugon ni Papa. "T-That's fine with me, Papa. Wala po akong problema," piking ngiti ko. Mabilis ko lang din na binawi ang kamay ko at inis na tinitigan siya. He smirked beautifully, making me look so stupid in front of my parents! "That's great, anak. Get to know Lorenzo. He's a good man. At alam ko na magkakasundo kayo," si Mama sa akin. "Sure, Mama," kalmadong tugon ko at napangiwi na. Tumayo na agad si Papa at umakbay na sa kanya. "I am happy that you are finally home, hijo. Ang tagal kitang hinintay." Akbay ni Papa sa kanya. "I miss you both too, Tito. Pasenya na at medyo natagalan ako. Ang dami ko pa kasing inaasikaso," tugon niya sa Papa at Mama ko. Tumaas na ang isang kilay ko at uminit lang din ang mukha ko. Nakatitig kasi siya habang kausap si Papa. He stared at me like he was teasing me in front of my parents. Ang baliw lang din! "Hija, why don't you show Lorenzo his unit? Sa kabilang side ito anak kaharap lang din sa kwarto mo." Ngiti ni Mama at napaawang na ang labi ko. The heck! At ako talaga? Magrereklamo pa sana ako, pero nag second the motion lang din si Papa! "That's a good idea, Mira," si Papa kay Mama. "Take Lorenzo, anak. Para naman mas makilala mo siya." Napalunok lang din ako at taimtim na akong tinitigan ngayon ni Lorenzo. "Ahm, o-okay! That's fine. I'll do the honors." Pekeng ngiti ko. Kahit na ang totoo ay labag ito sa kalooban ko. "Gabi na rin kasi at baka gusto mo ng magpahinga, hijo. Ang haba pa ng biniyahe mo papunta rito," si Mama sa kanya. Humalik na agad siya sa Mama ko at tinipik na ang balikat niya ni Papa. Nauna na akong humakbang palabas sa study room ni Papa. Nakasunod lang din siya sa akin ngayon. I walk straight away, feeling uneasy. Nasa ikatlong palapag ang kwarto ko at ang kwarto naman niya ay kaharap lang din nito. Nauna na akong umakyat ng hagdanan at nakasunod lang din siya. Mariin ko pang hinawakan ang mahaba kong damit para hindi ko maapakan ito. Double ang kaba sa puso ko at tahimik lang din. Lutang na ang isip ko, dahil sa dami na rin ng nainom ko kanina. Pero hindi pa naman ako lasing ngayon. "I love your night dress," baritonong tugon niya. Humakbang na siya at tumabi na sa akin ngayon. Hindi ko siya tinitigan at hindi na ako nagsalita pa. Pakiramdam ko kasi hinuhubaran niya ako sa mga titig niya. When we reached the top, I took a deep breath and faced him. "That's your room. Malawak sa loob at may sarili kang mini-library. Mahilig ka raw kasi mag-aral sabi ni Papa. May maliit na kitchen bar at may pagkain sa loob. Help yourself and feel at home," I said coldly. Tinitigan ko na siya at buong nakatitig lang din siya sa akin ngayon. Both of his hands are inside his pockets. Matipuno ang tindig niya at ang lakas ng dating nito. Pakiramdam ko ay matatalo lang ako sa kanya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Penelope," tipid na tugon niya at seryoso ang titig ng mga mata. I don't know what it is, but his stare at me made me feel like I was drowning deeper until his eyes became soft and full. Napakurap na ako at nanlaki na ang mga mata ko. Kaya agad na umiwas na ako. "Have you rest, Mr. Ferrero. If you need something, just ask the maids and don't disturb me!" Inirapan ko na siya at tumalikod na. . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD